NAKIKIUSAP tayo sa mga kababayan natin sa lalawigan ng Rizal na makipagtulungan tayo sa mga hakbang ng gobyerno at sumunod tayo sa mga patakaran kaugnay sa ipinaiiral na “community quarantine” sa Metro Manila simula kahapon (Marso 15) hanggang Abril 14. Hindi lingid sa ating kaalaman na patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 kung kaya sinasang-ayunan natin ang naging hakbang ng inter-agency task force na gawin ang nararapat upang hindi na lumala pa ang sitwasyon at mas lumaganap ang COVID-19 sa mga karatig lalawigan. Batay sa resolusyon ng…
Read MoreCategory: CONG. FIDEL NOGRALES
Sa ikatatagumpay ng community quarantine sa NCR KOOPERASYON ANG SUSI -NOGRALES
SAKSI NGAYON NEWS TEAM “NAKIKIUSAP tayo sa mga kababayan natin sa lalawigan ng Rizal, makipagtulungan tayo sa mga hakbang ng gobyerno at sumunod tayo sa lahat ng patakaran. Malalampasan din natin ito.” Ito ang panawagan ni Rizal 2nd District Representative Fidel Nograles sa kanyang mga kababayan sa nasabing lalawigan matapos ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes na isasailalim ang Metro Manila sa “community quarantine” simula Marso 15 hanggang Abril 14. Ang patuloy na paglobo ng kaso ng novel coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa ang dahilan kaya itinaas ang…
Read MoreREPRODUCTIVE RIGHTS PALAKASIN, PANGANGANAK SA BAHAY PAGTIBAYIN
DAHIL ang buwan ng Marso ay idineklarang Women’s Month at ang March 8 (kahapon) ay kinikilalang International Women’s Day, isang magandang balita ang nais na iparating ng inyong lingkod sa mga kababaihan lalong lalo na ang mga magiging nanay o sa mga babaeng buntis. Isinusulong po ng inyong congressman mula sa 2nd District ng Rizal ang Reproductive Rights para sa mga kababaihang nagdadalang-tao na isilang ang kanilang anak sa lugar kung saan nila nais at kung saan sila kumportable. Kamakailan ay inihain natin sa mababang kapulungan ng Kongreso ang House…
Read MoreREPRODUCTIVE RIGHTS NG KABABAIHAN ISINUSULONG NI NOGRALES PAANAKAN ITATAYO SA RURAL AREAS
ISINUSULONG ni Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles ang Reproductive Rights ng kababaihang buntis kung saan nito gustong isilang ang kanilang anak. Kasabay nito ang pagnanais ng mambabatas na mapatayuan ng birthing facilities o paanakan ang malalayong lugar sa bansa. Sa House Bill 6477 o Expanded Reproductive Rights for women na inihain ni Nograles sa mababang kapulungan ng Kongreso, pinawawalang bisa nito ang anomang ordinansa ng Local Government Unit (LGU) na nagpapataw ng parusa sa kababaihan na nais manganak sa kanilang tahanan. Napag-alaman ni Nograles na may mga LGU na…
Read MorePAGPASLANG SA MGA ABOGADO DAPAT TULDUKAN NA
MARIIN nating kinukondena ang pagpaslang sa ating kapwa abogado na pinatay mismo sa loob ng kanyang opisina sa Talavera, Nueva Ecija. Ang kulturang ito ng kawalan ng lakas na nagpapaliit sa halaga ng isang buhay ay dapat ng matigil na. Ang pagpatay kay Bayani Dalangin ay pang-apatnapu’t walong insidente na nang pagkitil sa miyembro ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) simula noong 2016. Panahon na para gumawa ng imbestigasyon ang Kongreso upang matukoy kung ano ang magagawa ng Executive branch para matuldukan na ang pagpaslang sa mga abogado. Noong…
Read MoreRIZAL REP. NOGRALES NABABAHALA; PAGPASLANG SA MGA ABOGADO KINONDENA
KINONDENA ni Rizal 2nd district Rep. Fidel Nograles ang pagpaslang sa kapwa abogado sa mismong opisina nito sa Talavera, Nueva Ecija. Ang pagpatay kay Atty. Bayani Dalangin ay pang-apatnapu’t walong insidente na laban sa mga miyembro ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) simula noong 2016. “Ang kulturang ito ng impunity na nagpapaliit sa halaga ng isang buhay ay dapat nang matigil,” ayon kay Nograles. Kasabay nito, iginiit ng mambabatas na kailangang magsagawa ng imbestigasyon ang Kongreso upang matukoy kung ano ang magagawa ng Executive branch para mawakasan na ang…
Read MorePRAYORIDAD NATIN ANG KALUSUGAN NG MGA MAMAMAYAN SA RIZAL
PRAYORIDAD natin ngayon na alagaan ang kalusugan ng mga mamamayan sa Ikalawang Distrito ng lalawigan ng Rizal. Malinaw ang polisiya ng pamahalaan na bigyang-proteksiyong pangkalusugan ang bawat mamamayan na nasasakop nito. Nakasaad sa Section 15, Artikulo II ng Saligang Batas na dapat itaguyod at pangalagaan ng estado ang karapatan sa kalusugan ng mga mamamayan at ikintal ang kamalayang pangkalusugan sa kanila. Kaya naman nitong nakaraang linggo ay dinaluhan ng inyong Lingkod kasama si Rizal Governor Rebecca “Nini” Ynares bilang mga panauhing pandangal ang pagpapasinaya at pagbubukas ng bagong Dialysis Hub…
Read MoreMALASAKIT HATID NI NOGRALES
MALAYONG BARANGAY SA MONTALBAN NAABOT NG AYUDA GINUGOL ni Rizal, 2nd District Rep. Fidel Nograles ang araw ng Martes sa pamimigay ng ayuda sa isa sa pinakamalayong barangay sa bayan ng Montalban. Kung ang iba ay ipinagdiriwang ang nakagawiang selebrasyon ng anibersaryo ng EDSA People Power tuwing sumasapit ang Pebrero 25, si Rep. Nograles naman ay ipinadama sa kanyang mga kababayan ang tunay na malasakit. Tinungo ng grupo ni Cong. Nograles ang Brgy. Puray sa bulubunduking bahagi ng Montalban, Rizal para maipamahagi ang sampung (10) bisekleta para sa Barangay Health…
Read MoreNOGRALES UMAYUDA SA RIZAL FARMERS
UMAYUDA si Cong. Fidel Nograles ng 2nd District ng Rizal katuwang ang Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka ng Montalban na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF). Sina Nograles at DA Secretary William Dar ay personal na nagtungo sa Brgy. Macabud, Montalban, Rizal upang mamahagi ng tulong. Ayon kay Nograles, isa sa mga pinaka naapektuhan ng ASF ay ang kanyang distrito partikular sa nasabing barangay sa Montalban. Base sa talaan, aabot ng 1, 700 hog raisers ang naapektuhan ng ASF sa buong Rizal at 711 mula sa Montalban. Inihayag…
Read More