TARGET ni KA REX CAYANONG SA muling pagkapanalo ni Baguio City Mayor Benjie Magalong para sa ikatlong termino, hindi lamang siya muling pinili ng taumbayan—muli rin siyang kinilalang simbolo ng paninindigan at tapat na pamumuno. Kaya sa isang panahon kung kailan ang integridad ay tila nagiging bihira sa larangan ng pulitika, si Magalong ay nananatiling saksi na ang malinis at may prinsipyong pamamahala ay posible, praktikal, at dapat tularan. Hindi maliit ang hamon na kinakaharap ng Baguio. Bilang Summer Capital ng bansa, malaki ang inaasahan dito—mula sa turismo hanggang sa…
Read MoreCategory: OPINYON
HINDI ID ANG GAMOT SA SAKIT
CLICKBAIT ni JO BARLIZO MATIBAY at murang identification card? ‘Yan ang deskripsyon ng isinusulong ni Senador Bong Go na Senate Bill No. 2983 o Philippine Health Card Act of 2025, na layong mabigyan ng malinaw na identification ang bawat Pilipino. Isa na namang dagdag na gastusin ng pamahalaan. Simpleng paalala ito ng nangyari sa National ID na ginastusan ng gobyerno ngunit nilamon ng samu’t saring problema. Hanggang ngayon marami pang tanong sa National ID na ‘yan at gaano ito kaepektibo lalo na’t may ibang tanggapan ang naghahanap pa rin ng…
Read MoreRomuwaldas: Hari ng sindikato sa Kamara
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA SUPPOSEDLY, ang inaakala natin, itong House of Representatives (na tinatawag ding Representa-Thieves) ay Bahay ng ating mga Kinatawan. Pero parang totoo, na imbes na kinatawan, ito raw ay Kuta ng mga Kawatan — noon naman, ito ay totoong Tahanan ng mga Kumakatawan sa aspirasyon at adhikang maglingkod sa Sambayanan. Sa panahon ni Speaker Martin Romualdez, ngayon lamang nangyayari na todo ang pagtuligsa sa Kapulungan na ito sa ilalim ng kanyang pamumuno. Unti-unti na itong nabubunyag na isa pala itong gang, isang mafia, isang sindikato!…
Read MoreMakatarungan at abot-kayang kuryente: Laban ni Cong. Presley, laban ng bayan
TARGET ni KA REX CAYANONG SA bawat buwanang bayarin ng kuryente, hindi lang konsumo ang binabayaran ng pamilyang Pilipino—pati buwis. At kung ang layunin ay tunay na ginhawa para sa mamamayan, kailangang alisin ang pabigat na 12% Value-Added Tax (VAT) sa kuryente. Ito ang ipinaglalaban nina Cong. Presley De Jesus ng PHILRECA Party-List, at Cong. Sergio Dagooc ng APEC Party-List mula pa noong ika-18 Kongreso. Hindi ito panibagong sigaw, kundi matagal nang panawagan. Noong Hulyo 31, 2019, inihain ni Cong. Presley ang House Bill No. 3248—panukalang naglalayong gawing VAT-exempt ang…
Read MoreBUWAYA SA AIRPORT BUSOG NA NAMAN
BISTADOR ni RUDY SIM LIKE father like son ika nga na tila namana ng isang mataas na opisyal ng Bureau of Immigration (BI) mula sa kanyang ama na dating lawyer ng ahensya, kung paano gumawa ng pagkakaperahan sa airport na ngayon ay nakatalaga sa NAIA bilang deputa at bata ‘di umano ni Kume. Putok sa NAIA ang umano’y kabalastugan nitong si alias “Monmoy Palaboy” na kung umasta umano ay parang nabili na nito ang matitinong immigration officers at target nitong ipahamak ang mga bagitong IO na wala pang masyadong kaalaman…
Read MoreLUMANG SULAT SA MAKABAGONG MUNDO
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN SA itaas ng karatula ng istasyon ng Shaw Boulevard, may nakasulat na Baybayin. Tahimik lang itong nakalagay sa ilalim ng mga karaniwang letra, parang bulong mula sa nakaraan. Sa unang tingin, pwedeng isipin na disenyo lang ito o logo. Pero para sa mga nakakikilala, may mas malalim itong kahulugan. Ang Baybayin ay bahagi ng ating kasaysayan. Ito ang paraan ng pagsusulat ng mga ninuno natin bago pa man dumating ang mga dayuhan. Binubuo ito ng mga kurba at linya na may dalang kahulugan at…
Read MoreKAYA NG PINOY NA MAGING DISIPLINADO
DPA ni BERNARD TAGUINOD MULA nang ibalik ang No Contact Apprehension Policy (NCAP) noong Lunes, nagkaroon ng disiplina sa Commonwealth Avenue, Quezon City patunay na kayang sumunod sa batas ang mga motorista kapag may kinatatakutan sila. Dati, maiinis ka sa lansangang ito dahil kaskasero ang motor riders na bigla na lamang susulpot sa harapan mo at ika-cut ka nila bukod sa lahat ng lane ay ginagamit nila kahit may nakatalagang linya para sa kanila. Pero noong ibalik ang NCAP, hindi na umaalis sa motorcycle lane ang mga rider at wala…
Read MoreMAJ. GEN. TORRE INAAYAWAN NA MAGING PNP CHIEF?
PUNA ni JOEL O. AMONGO AGAD mapapasabak sa malaking trabaho ang uupong bagong hepe ng Pambansang Pulisya na papalit kay Philippine National Police (PNP) chief, General Rommel Marbil. Ang tinutukoy po natin na malaking trabaho ay ang paghuli kay Rafael Dumlao III na dating opisyal at pinuno ng PNP-Anti Kidnapping Group na itinuturong sangkot sa pagpatay sa Koreanong si Jee Ick Joo. Ipinag-utos ng pamahalaan ang paglulunsad ng isang manhunt operation laban kay Dumlao na suspek sa pagpaslang sa South Korean businessman noong 2016. Ibinaba ang direktiba nitong nakalipas na…
Read MoreGOD SAVE THE PHILIPPINES
KAPE AT BRANDY ni SONNY T. MALLARI DALAWANG linggo pagkatapos ng eleksyon, marami na agad ang nakatanaw sa susunod na halalan sa 2028 partikular sa kung sino-sino ang posibleng mga kandidato sa pagkapangulo ng bansa kapalit ni PBBM. Malala na talaga ang pagkabaliw ng mga Pilipino sa eleksyon. Hindi pa nga nahihimasmasan ang mga talunan (mga dinaya raw sila) at mga nadenggoy, ang gusto agad ay botohan na naman. Kasama na rito ang mga lider, coordinators at mga tsuwariwap ng mga politiko. Kulang pa yata ang kanilang kinita o nadekwat…
Read More