TAG CARGO BOXES SA DAVAO PORT, IBIBIGAY NA SA DMW SA HUWEBES

RAPIDO ni PATRICK TULFO PORMAL nang ibibigay bukas (May 29,2025, Huwebes) ng Bureau of Customs sa Department of Migrant Workers (DMW) ang abandonadong balikbayan boxes na nasa port nito sa Davao City. Ayon sa BOC, ang DMW na ang opisyal na magsasagawa ng pagde-deliver ng mga kahon sa mga pamilya ng OFWs na may-ari ng abandonadong mga balikbayan box. Sa pagkakaalam ng Rapido, may usapan na ang DMW at DDCAP (Door to Door Consolidators Association of the Philippines) na siyang magde-deliver ng mga kahon. Dahil sa gaganaping turnover, umaasa ang…

Read More

Congratulations po, Yorme Isko, Koyang Erwin, Ka Dante, Cong. Brian sa inyong tagumpay

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA MALAKING swerte ang dala sa akin, personally, nitong nakaraang midterm elections, kasi po, nanalo ang mga kandidatong sinuportahan natin. Mantakin naman na mahigit 300,700 ang boto na inilamang ni Yorme Isko Moreno laban kay Manila Mayor Honey Lacuna — na salamat naman, agad na tinanggap ang kanyang pagkatalo. Katulad ng unang mga ipinangako ni Yorme Isko sa kanyang mga interbyu sa media, unang gagawin nila ni Vice Mayor Chi Atienza, lilinisin ang kadugyutan at aayusin ang pinansiya ng siyudad, at bayaran ang mga obligasyon…

Read More

TARGET ni KA REX CAYANONG MAKATARUNGAN AT ABOT-KAYANG KURYENTE: LABAN NI CONG. PRESLEY, LABAN NG BAYAN SA bawat buwanang bayarin ng kuryente, hindi lang konsumo ang binabayaran ng pamilyang Pilipino—pati buwis. At kung ang layunin ay tunay na ginhawa para sa mamamayan, kailangang alisin ang pabigat na 12% Value-Added Tax (VAT) sa kuryente. Ito ang ipinaglalaban nina Cong. Presley De Jesus ng PHILRECA Party-list at Cong. Sergio Dagooc ng APEC Party-List mula pa noong ika-18 Kongreso. Hindi ito panibagong sigaw, kundi matagal nang panawagan. Noong Hulyo 31, 2019, inihain ni…

Read More

BALIMBINGAN SEASON NA NAMAN

DPA ni BERNARD TAGUINOD PANAHON na naman ng balimbingan sa mundo ng pulitika dahil pagkatapos ng eleksyon ay may mga nanalong congressman ang inaakala mong magiging fiscalizer sa Kongreso dahil mula sila sa partidong nagpapakilalang oposisyon pero sasama na sa administrasyon. Tulad na lamang nitong 4 sa 6 congressmen na nanalo sa ilalim ng Liberal Party (LP) na kinumpirma ni Quezon Rep. David Suarez na lumagda na raw sa manifesto para suportahan ang speakership bid ulit ni Tacloban Rep. Martin Romualdez. Hindi pa pinangangalanan kung sino ang LP solons na…

Read More

PAGIGING BUKAS NI PBBM NA MAKIPAG-USAP SA MGA DUTERTE PINAGDUDAHAN

PUNA ni JOEL O. AMONGO AKALA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ay huhupa na ang galit sa kanya ng taumbayan dahil sinabi niya na bukas siyang makipag-usap sa mga Duterte, sa panayam sa kanya ni Anthony Taberna kamakailan, ngunit nagkakamali siya. Kabaliktaran ang nangyari, lalo pang naglabasan ang iba’t ibang reaksyon ng netizens laban kay PBBM. Nariyan ang mga nagsabi na totoo ang sinabi kamakailan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na mahinang klaseng lider o weak leader si PBBM. Bakit kamo? Walang tibay na maaasahan sa kanya ang mga…

Read More

BAYANING PULIS

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS BINIGYANG-PUGAY ni Philippine National Police (PNP) chief, General Rommel Marbil, si Police Staff Sergeant Carlo Sotelo Navarro, 45-anyos, nakatalaga sa BF Homes Police Substation (SS-5). Ito ay pagtalima sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa tapat at matapang na serbisyo sa sambayanang Pilipino na ipinamalas ni Sgt. Navarro, ang kanyang wagas na katapangan habang tumutugon sa tawag sa kanyang tungkulin bilang isang awtoridad noong Mayo 23, 2025. Bandang alas-10:45 ng umaga ay nagresponde sina PSSg. Navarro at PSSg. Maret, kasama ang…

Read More

VIADO KAPIT-TUKO SA BI

BISTADOR ni RUDY SIM “KAPAL.” Ito ang reaksyon ng ilang ordinaryong empleyado ng Bureau of Immigration (BI) makaraang sa kabila ng panawagan ni PBBM ng pagbibitiw ng lahat ng miyembro ng ganyang gabinete kabilang ang lahat ng hepe ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay tila nananatiling kapit-tuko sa puwesto si Commissioner Joel Viado at hindi pa rin nagsusumite ng kanyang resignation letter. Bilang pagsunod sa utos ng Pangulo kahit masakit sa kalooban, ay nauna nang nagsumite ng resignation letter ang kalihim ng Department of Justice (DOJ) na si Boying…

Read More

SANA NGA… SWERTE

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MARAMI ang naniniwalang swerte ang hatid na mga petsang palindromo. Pambihirang mangyari ito kaya bubuwenasin ka. Swerte nga ba ang tao sa mga petsang espesyal ang porma? May dala ang Mayo 2025 ng naiibang 10 sunod-sunod na palindrome dates. Pareho kasi ang basa pasulong o pabalik. Heto ang mga petsang palindromo: 5/20/25 5/21/25 5/22/25 5/23/25 5/24/25 5/25/25 5/26/25 5/27/25 5/28/25 5/29/25 O, ‘di ba, basahin man mula dulo ay nananatiling pareho ang basa? Pasulong o paatras ay ganun pa rin ang pagkakasunod ng mga numero. Sampung…

Read More

MALASAKIT AT PAGPAPAHALAGA SA MGA SUNDALO

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO HALOS araw-araw, laman ng mga balita ang mga aksidente at krimen – nakababahalang mga pangyayari na nagbabanta sa ating seguridad. Kaya napakahalaga ng papel na ginagampanan ng pamahalaan kasama ang kapulisan para masiguro ang kaligtasan ng ating komunidad. Pati ang mas malawak na mga banta sa kalayaan at kapayapaan sa ating bansa, isa ring alalahanin dahil maraming lugar sa bansa ang may banta pa rin sa kaligtasan, at siyempre pati ang isyu sa ating teritoryo na hanggang ngayon hindi pa ganap na naaayos. Sa kabila…

Read More