ANG PAGKAKAIBA NG MAGKAPATID NA MARCOS AT ANG PAG-ENDORSO NI VP SARA KAY SEN. IMEE

TARGET ni KA REX CAYANONG SA gitna ng maiinit na usapin tungkol sa pulitika, muling bumulusok sa ating kamalayan ang isyu ng pagkakaiba raw ng magkapatid na Marcos—si Senator Imee Marcos at si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Kaya sa kabila ng mga hidwaan at hindi pagkakasunduan sa mga nakaraang buwan, hindi nakaligtas sa atensyon ng publiko ang pag-endorso ni Vice President Sara Duterte kay Senator Imee Marcos sa kanyang reelection bid. Binigyang-diin ni VP Sara Duterte na magkaibang tao sina Imee at BBM, isang pahayag na nagsisilbing paglilinaw sa…

Read More

VENDORS PARTY-LIST IPINADIDISKWALIPIKA NG KONTRA DAYA

RAPIDO ni PATRICK TULFO SINAMPAHAN ng grupong Kontra Daya ng kasong diskwalipikasyon ang Vendors Party-list sa Commission on Elections (Comelec). Sa tatlumpu’t tatlong pahinang reklamong isinampa sa election body, sinabi ng Kontra Daya na hindi naman kinakatawan ng unang tatlong nominado ng nasabing party-list na sina Malou Lipana, Florencio Pesigan at Sheryl Sandil, ang sektor na kanilang nirerepresenta. Dati ko na pong pinuna sa pitak na ito ang tatlong naunang nominado ng Vendors Party-list na sina Lipana, Pesigan at Sandil. Dahil ayon sa ating pagsasaliksik, hindi naman po mga vendor…

Read More

Serbisyong Isko, babalik na, darating na!

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA ITINAKDA na, hindi na mapipigilan pa: Mangyayari ang nais ng Manilenyo, ito ay maibalik ang totoong serbisyo. Wala nang duda pa: isang malaking tagumpay ang mangyayari sa Mayo 12 — tulad ng itinakda na ng maraming survey, lahat mula sa OCTA Research, Pulse Asia, Social Weather Station, at maging ang Kalye Survey, nangingibabaw si Yorme Isko. Ang pulso at puso ng Manilenyo, tumitibok sa sigla sa pagbabalik ni former Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, at may bonus pang magaling na vice mayor Chi-Chi Atienza…

Read More

FORTY

HOPE ni GUILLER VALENCIA  SABI nila, life begins at forty. Pero sa Bible, very interesting ang number 40. Si Moises ay nanatili sa Mt. Sinai for 40 days bago bumaba ng bundok na bitbit ang tableta na may Sampung Utos. Forty years naman sa wilderness ang mga Israelitas bago nakapasok sa Land of Promise. Si prophet Elijah ay nasa wilderness for 40 days without food in the Mountain of God. Ang pag-eespiya ng Israelitas sa Canaan ay 40 days din. Si Noah ay 40 days and nights ding nasa arko…

Read More

LUMALAKAS ANG ASENSO PINOY, TINGOG AT 4K PARTYLISTS

TARGET ni KA REX CAYANONG SA darating na halalan ngayong May 12, 2025, muli na namang mamimili ang sambayanang Pilipino kung sino ang karapat-dapat na kumatawan sa kanilang tinig sa Kongreso. Kaya sa hanay ng mga party-list na naglalayong itaguyod ang kapakanan ng karaniwang mamamayan, kapansin-pansin ang mabilis na pag-angat ng Asenso Pinoy, batay sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS). Ayon sa naturang survey na isinagawa noong Abril 11–15 at kinomisyon ng Stratbase, nakakuha ang Asenso Pinoy ng 4.08% ng boto mula sa mga respondent na pumili ng…

Read More

HINUBARAN NG KARANGALAN

 GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN NAPANOOD ko ang video ngunit hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Hiniling ng isang punong-guro sa Antique sa kanyang magtatapos na mga mag-aaral na hubarin ang kanilang suot na toga bago sila makapagmartsa. Bawal daw. Mabilis na naging viral ang video. Nagalit ang mga tao. Ang ilan ay nagtaka at hindi makapaniwala. Gayundin ako. Nakabihis na ang mga estudyante at nakapila na. Handa na silang magmartsa. Nakangiti ang ilan. ‘Yung iba mukhang kinakabahan pero excited. Pagkatapos ay may nagsabi sa kanila na hubarin…

Read More

CHINA MADE PRODUCTS LALONG BABAHA SA PINAS

MANINIKTIK ni GREGORIO SAMAT KAILANGANG magbantay ang mga ahensya ng gobyerno tulad ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) kasama siyempre ang kanilang mother agency na Department of Finance (DOF), ngayong tumitindi ang tariff war ng China at United States (US). Itigil na kasi ng importers ang pagdadala ng mga China made product sa Amerika dahil sa napakataas na taripa na ipinataw ni US President Donald Trump sa mga produktong galing sa kaharian ni Xi Jinping. Walang ibang opsyon ang China kundi i-export ang kanilang mga…

Read More

QCPD NABABALOT SA KONTROBERSIYA

PUNA ni JOEL O. AMONGO SINIBAK ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director, Major General Anthony Aberin noong Abril 21, 2025, mula sa kanyang pwesto si Quezon City Police District (QCPD) director, Police Brig. Gen. Melecio Buslig, Jr., dahil sa command responsibility matapos na isa sa kanyang mga pulis ang nasampahan ng kasong grave misconduct. Sa isang pahayag noong Martes, tinugunan din ng hepe ng Philippine National Police (PNP) na si General Rommel Marbil ang isyu, na nagsabing: “Let this be clear: We will not allow any abusive officer…

Read More

DAPAT KASUHAN NG GOBYERNO SI MARILYN CANTA NG TAG CARGO

RAPIDO ni PATRICK TULFO MALAPIT nang masimulan sa wakas, ang delivery ng nakatenggang containers na naglalaman ng balikbayan boxes mula sa Kuwait. Ang isyu ng abandonadong balikbayan boxes mula sa Tag Cargo ang pinakamatagal na naming nahawakan sa ngayon at mag-iisang taon na sa Hunyo. Ito rin ang pinakamarami dahil dalawangpu’t limang containers ang pinag-uusapan dito at tinalo ang labingwalong containers ng Allwin Cargo mula sa Kuwait, na pinakauna naming hinawakan na reklamo sa isyu ng abandonadong balikbayan boxes. ‘Yan din ang isa sa pangunahing dahilan bakit naantala ang distribusyon…

Read More