FIL-CANADIAN CITIZEN BAKIT HINDI NABIGYAN NG CLEARANCE NG NBI?

RAPIDO NI PATRICK TULFO LUMAPIT sa aming programa ang asawa ni Mr. Danilo Calarde Franco ukol sa pagtanggi ng National Bureau of Investigation (NBI) na bigyan ito ng panibagong clearance nang mag-apply ito. Ayon sa kuwento ng kabiyak ni Mr. Franco, lumabas sa record ng NBI na mayroong kasong theft si Danilo sa Prosecutor’s Office ng San Mateo, Isabela na isinampa noong Pebrero 2, 1979. Hindi naman ito itinanggi ni Danilo pero ayon dito, natapos o naayos na ang kasong ito at bilang katunayan ay ipinakita sa amin ang certification…

Read More

DISTRITO SINGKO, LULUBOG NA LANG SA PANGAKO?

BISTADOR ni RUDY SIM NARANASAN niyo na rin ba ‘to? Bumuhos lang kahit saglit ang ulan, aba’y tumataas agad ang tubig, at nariyan na ang baha! Ito ang kadalasang hinaing ng mga katropa natin d’yan sa Novaliches na sigurado akong marami rin sa mga mambabasa natin ang nakaka-relate! Lalo na kapag tag-ulan o may bagyo, ika nga’y hindi kailangang maghintay ng isang oras bago magsimulang abutin ang kanilang mga tahanan ng tubig-baha. Ang iba, idinadaan na lamang sa biro at sinasabing ginagawa na nilang paligsahan ang pag-aakyat ng gamit tuwing…

Read More

KINAKAILANGAN NA NG REPORMA SA PHILHEALTH

CLICKBAIT ni JO BARLIZO SA gitna ng mga kontrobersya sa PhilHealth, nalaman ng taumbayan na sangkatutak palang pondo ang hindi nito ginagamit. Imbes pakinabangan agad ng mga miyembro para sa kanilang problemang pangkalusugan ay nagmistulang imbakan ng pondo ang ahensya. Sa batas, nakukuha ng PhilHealth ang kanilang pondo mula sa sintax o kabuuang koleksyon mula sa buwis sa sigarilyo; sa share ng gobyerno sa kita ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Maging sa charity fund at mandatory contributions ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO); premium contribution ng mga miyembro;…

Read More

HINDI DANCER ANG KAILANGAN NAMIN SA SENADO

MANINIKTIK ni GREGORIO SAMAT INTELEHENTE ang dapat nating iluklok sa Mataas na Kapulungan o sa Senado at hindi dancer dahil sa rami ng mga problemang kinahaharap ngayon ng bansa tulad ng corruption, mataas na presyo ng bilihin, mababang sahod, kawalan ng trabaho at kung ano-ano pa. May mga senatorial candidate kasi na walang mailatag na plataporma kundi sumayaw lang sa kanilang kampanya. Hindi na tayo magbabanggit ng pangalan baka pagdating ng araw ng eleksyon ay maalala niyo siya. Nakasusuka talaga na may mga kandidatong ganito eh hindi dancer ang kailangan…

Read More

TAIWANESE BUSINESSMAN SA SUBIC NA RAPE SUSPECT SA MINOR, TINUKOY

PUNA ni JOEL O. AMONGO ISINIWALAT ng isang menor de edad ang pagkakakilanlan ng umano’y lalaking gumahasa sa kanya, sa pamamagitan ng sinumpaang salaysay, na isang negosyante sa Subic Bay Freeport Zone sa Olongapo City. Sa complaint affidavit ng biktima, kinasuhan niya ang isang nagngangalang Simon Su para sa krimeng RAPE, SERIOUS ILLEGAL DETENTION at CORRUPTION OF MINOR. Ayon sa biktima, noong Hulyo 2022, nagsimula siyang magtrabaho sa isang canteen sa Morong, Bataan bilang isang dishwasher matapos siyang ipasok ng kanyang tiyahin. Ang nasabing canteen ay pagmamay-ari ni Su. Sa…

Read More

SEN. BONG GO, NO. 1 PA RIN SA 2025 SENATORIAL RACE!

TARGET ni KA REX CAYANONG MULING pinatunayan ni Senador Christopher “Bong” Go ang kanyang matibay na posisyon sa darating na halalan, matapos manguna sa pinakabagong Tangere pre-election survey na isinagawa mula Marso 11 hanggang 14. Ayon sa naturang survey, nasa statistical tie si Go sa top spot na may 54% voter preference. Ang resulta ng survey na ito ay patunay ng kanyang matatag na ranggo sa iba pang pre-election surveys noong Pebrero. Sa pinakahuling OCTA Research poll na isinagawa mula Pebrero 22 hanggang 28, pumangalawa si Go na may 62% voter…

Read More

MAG-INGAT SA SCAMMER

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS MULI nating pinaalalahanan ang ating mga kababayan na mag-ingat sa mga scammer na laging nakaabang sa kanilang mabibiktima. Pinag-iisipan ng mga scammer na ito kung paano sila makapambibiktima gamit ang iba’t ibang social media platforms. Nariyan ‘yung magpopost sila ng mga produkto na kunwari ay orihinal, subalit pag-umorder ka, ang darating sa ‘yo ay peke. Nariyan din na may magme-message sa kanilang bibiktimahin na sasabihin na may ipinadala sa kanyang package o balikbayan box na nakabinbin sa Bureau of Customs. Ang scammer ay magpapanggap…

Read More

ANO NGA BA’NG TOTOO, IPE?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO PINAGPIPIYESTAHAN ng mga netizen ang kumakalat na intrigang iniuugnay ang partner ni dating pangulong Digong Duterte na si Honeylet Avanceña kay Philip Salvador, isa sa senatorial candidates ng Partido Demokratiko ng Pilipino (PDP). Kayo rin siguro ay nagtataka kung paanong lumutang ang ganitong usapan sa gitna ng seryosong mga pangyayari na pinagdaraanan ng dating pangulo. Eto, nahalata raw ng mga netizen na kinukuha ni Ipe ang atensyon ni Honeylet. Bakit at para ano? Masisikmura bang patusin ng isang lalaki ang karelasyon ng kanyang kaibigan lalo’t kung…

Read More

PRODUKTIBONG DISKUSYON SA MGA USAPIN SA KURYENTE

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO ISA sa pinakamahalagang mga isyu ang presyo ng mga produkto at serbisyo dahil nakaaapekto ito sa budget ng mga pamilyang Pilipino. Tuwing mayroong balita hinggil sa pagtaas ng presyo – lalo na sa pangunahing mga bilihin kagaya ng bigas, o kaya sa pamasahe, talaga namang lahat ay naaapektuhan. Isa pa sa madalas mapag-usapan ay ang gastos sa kuryente, kaya nga marami ang nakabantay sa paggalaw ng presyo nito. Bagama’t nababalitaan naman natin kung magkano ang nagiging paggalaw nito at nagkakaroon tayo ng ideya kung bakit,…

Read More