KARERA SA MANILA CITY HALL, ISKO TODO-BILIS ANG ARANGKADA

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA WALA na, talagang si former Yorme Isko Moreno na talaga ang mananalo sa karera sa Manila City Hall. Bakit ika nyo? Sa resulta kasi ng re-election survey nung Biyernes, Marso 28, kumubra si Yorme ng 67% voter preference, at kumakain ng alikabok ang malayong kasunod — si ‘Sam Volero Sam Verzosa (16%) at kawawang nasa pangatlo naman, si incumbent Mayora Honey Lacuna, 15% lamang ang nakuha. Sa OCTA Research mula Marso 2-6, pinakyaw na ni Isko at mga kasama sa Yorme’s Choice ang anim…

Read More

WALA BA TALAGANG SILBI ANG NFA?

MANINIKTIK ni GREGORIO SAMAT HARVEST season ngayon sa Cagayan at iba pang mga lugar sa bansa pero imbes na masaya ang mga magsasaka dahil magkakapera sila ay naluluha na lamang sila dahil mistulang walang silbi ang Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA). Maraming magsasaka ang napipilitang magbenta ng fresh o bagong ani na hindi pa nabibilad dahil walang drying facilities subalit binabarat ng rice traders ang kanilang ani dahil binibili lang nila ito ng P14 kada kilo. ‘Yung iba naman na naka-una sa highway o kahit sa…

Read More

PAG-ARESTO KAY FPRRD PINAGPLANUHAN NG ‘CORE GROUP’

PUNA ni JOEL O. AMONGO PINAGPLANUHAN at kagagawan ng “core group” ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaya tuluyang siyang naipadala sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands kamakailan. Ito ay base sa pagsisiwalat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, at ang pag-aresto kay dating Pangulong Duterte ay isa umanong malinaw na “smoking gun”, ayon kay Senador Imee Marcos. Si Sen. Marcos ay nagpahayag ng pangamba sa tinawag niyang “planado at labag sa konstitusyon” na hakbang na ginawa ng ilang…

Read More

KAAWA-AWANG MGA BAGONG BAYANI NG BAYAN

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS MULI na namang nababahala ang grupo ng overseas Filipino workers (OFWs) sa pagkabuhay ng isyu at dating gawaing tanim-bala modus sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Matatandaan na nag-viral ang video sa social media hinggil sa pagharang ng bagahe ng isang senior citizen sa paliparan noong March 6 matapos umanong makitaan ng bala o anting-anting sa kanyang bagahe. Sa pagkakataong ito ay dapat busisiing maigi ang bawat tauhan sa NAIA at dagdagan ang mga CCTV sa nasabing paliparan. Pinaalalahanan natin ang mga papaalis na…

Read More

PAGHAHANDA SA ‘THE BIG ONE’

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO Nakababahala ang tumamang lindol sa Myanmar nitong nakaraang linggo, na yumanig din sa mga karatig bansa kagaya ng Thailand at Vietnam, at ilang bahagi ng India, China, Cambodia at Laos. Base sa mga balita, mahigit 150 na ang naitalang patay at inaasahang tataas pa ito sa pagpapatuloy ng mga rescue operation. Malawakang pinsala rin ang dinulot nito sa Bangkok – kung saan bumagsak din ang itinatayong skyscraper at pinangangambahang mayroon pang nasa 100 kataong na-trap dito. Kasama rin sa giniba ng lindol ang Ava Bridge…

Read More

BOLA RITO, BOLA ROON

CLICKBAIT ni JO BARLIZO UMARANGKADA na nga ang kampanya ng mga lokal na kandidato para sa Halalan 2025. Katulad ng nagdaang mga panahon ng panunuyo ng mga politiko sa mga botante, muling niligalig ang paligid ng sa banda rito, sa banda roon ng mga sasakyang naghuhumiyaw ng mga jingle ng kandidato. At syempre, bola rito, bola roon na naman ang inaatupag ng mga kandidato. ‘Mayroon na namang lalangoy sa dagat ng basura’ at kung ano-ano pang drama. Umuulan ang mga T-shirt at iba pang anyo ng pinamimigay. Parang pista na…

Read More

ANAK NI JANET LIM NAPOLES, TUMATAKBO SA PAGKA-KONGRESISTA

RAPIDO ni PATRICK TULFO SANG-AYON ako sa sinabi ng Kontra Daya na naaabuso na ang pagkakaroon ng party-list sa bansa, patunay rito ang pagsulputan ng napakaraming party-lists. Katunayan, napakaraming nag-file ng application sa COMELEC para tumakbo bilang kinatawan ng isang sektor sa lipunan sa pamamagitan ng party-list. Pero kung titingnang mabuti, wala naman silang direktang kinakatawan, hindi tulad ng mga kongresista ng bayan o lungsod. Isa na nga itong anak ni Pork Barrel Queen Janet Lim-Napoles na tumatakbong kongresista sa ilalim ng Kaunlad Pinoy Party-list. Nag-research tayo kung ano ang…

Read More

DEPORTATION CASE NI ALICE GUO SA BI, NAAREGLO NA?

BISTADOR ni RUDY SIM KUNG usad-pagong ang isang tanggapan ng Bureau of Immigration (BI) sa ginagawa nilang pag-iimbestiga sa deportation case ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na may kaugnayan kung tunay o huwad ang kanyang Filipino citizenship, ay tila isang bula na naglaho at nanlamig na ito, parang kayo ng jowa mo na wala nang paramdam. Matatandaang naunang iniharap sa media ng Board of Special Inquiry ng BI si Shiela Guo o Zhang Mier noong October 4 ng nakaraang taon at kasunod naman nito si Alice Guo o…

Read More

TATAK ASPIN O ASENSO PINOY PARTY-LIST

TARGET ni KA REX CAYANONG SA mga hindi pa nakakaalam, ang Asenso Pinoy Party-list (ASPIN) ay isang organisasyong may layuning isulong ang kaunlaran at kapakanan ng mga Pilipino. Siyempre, ito’y sa pamamagitan ng iba’t ibang programa at proyekto. Isa sa pangunahing mga adhikain ng ASPIN ay ang pagsusulong ng sustainable development, pagpapalakas ng ekonomiya, at mga programang panlipunan na tumutugon sa mga natatanging hamon ng iba’t ibang komunidad sa bansa. Noong 2004, kung hindi ako nagkakamali, inilunsad ng ASPIN ang isang agribusiness-livelihood radio program na tinawag ding Asenso Pinoy. Kasabay…

Read More