KAY ISKO AT SA YORME’S CHOICE: MAPAPANATAG ULI MGA BATANG MAYNILA

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA EWAN ko, baka maagang nagka-amnesya o sinasadyang maging makalimutin itong umuupak kay former Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso. Wala raw napuntahan ang bilyones pesos na inutang ni Isko nung pandemic months — na alam na alam nila, ginastos para sa ipinamigay na food packs at iba pa para sa daan-daan libong pamilya ng Batang Maynila. Mali raw ‘yun, at nagpapahiwatig pa na may nangyari raw anomalya. Ay! Kung makapagbintang, parang wala silang alam sa kabutihang naidulot niyon — na nagligtas sa kagutuman ng…

Read More

KASAGANAHAN

HOPE ni Guiller Valencia HINDI alam ng ina na puno nang lahat kaya sinabi niya: “Abutan pa ninyo ako ng lalagyan”. “Puno na pong lahat,” sagot ng kanyang mga anak. At tumigil na ang pagdaloy ng langis. (II Mga Hari 4:6) Isa sa mga anak na lalaki ng mga propeta ang namatay. Ang kanyang asawa at mga anak ay naiwan sa matinding pangangailangan pang pinansyal. Ang tanging mayroon siya ay isang banga ng langis. Bumaling siya kay Eliseo, ang pinakadakilang propeta sa panahon na ‘yon, para humingi ng tulong. Sinabi…

Read More

RR LACSON: ANG BAGONG PAG-ASA NG IMUS

TARGET ni KA REX CAYANONG SA bawat panahong dumarating, may isang lider na tumatayo upang ipaglaban ang pangarap ng kanyang mga kababayan. Sa lungsod ng Imus, ang pangalang RR Lacson ay hindi lamang isang kandidato—siya ay isang simbolo ng pag-asa, pagbabago, at tunay na malasakit para sa bawat Imuseño. Hindi personal na ambisyon ang nagtutulak kay RR Lacson sa kanyang laban. Hindi ito para sa kapangyarihan o para sa iilan lamang. Ang kanyang adhikain ay para sa lahat ng Imuseño—para sa bawat pamilya na nangangarap ng mas maunlad na kinabukasan,…

Read More

MANATILING KALMADO PARA SA LIGTAS NA PAGMAMANEHO

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN ISA na namang road rage incident ang nangyari kamakailan sa Antipolo. Isang tao ang namatay. Tatlong iba pa ang nasugatan. Dapat ito ay isang matiwasay na araw lang. Sa halip, napalitan ng galit. Ngayon, isang pamilya ang nagdadalamhati. Ang iba ay inaalagaan ang kanilang mga sugat. At ang iba naman katulad ko, ay naiwang nagtatanong ng parehong tanong. Bakit ito patuloy na nangyayari? Ito ay palaging nagsisimula sa parehong paraan. Nagalit ang isang driver, na baka may pumutol ng linya sa kanila sa kalsada.…

Read More

ATM NG 4Ps ISINASANGLA?

MANINIKTIK ni GREGORIO SAMAT TAONG 2008 nang simulan ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na ang layon ay mabawasan ang kahirapan sa pamamagitan ng pagtiyak na makatatapos ng basic education ang mga batang anak ng mga mahihirap. Noong unang ipatupad ang programang ito, 330,000 ang beneficiaries at habang tumatagal ay pataas nang pataas ang kanilang bilang dahil 4.4 million pamilya na ang mga ito pero ayon sa report mismo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), 1,010,464 lamang ang nakaahon sa kahirapan. Ang susuwerte ng 4Ps beneficiaries dahil bukod…

Read More

‘ZERO REMITTANCE WEEK’ NG OFWs PALALAWIGIN

PUNA ni JOEL O. AMONGO NAGKAISA ang overseas Filipino workers (OFWs) na nagtatrabaho sa iba’t ibang bansa sa buong mundo na palawigin ang kanilang ‘zero remittance week’ kung kinakailangan para iparamdam ang kanilang pagkadismaya sa ginawa ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos na pagpapadala kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands. Nauna rito, inihayag ng mga manggagawa sa abroad noong Marso 28, 2025 sa 80th birthday ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, magsasagawa sila ng ‘zero remittance’ mula Marso 28 hanggang Abril 4, 2025…

Read More

MARAMING SALAMAT ALEX!

KAPE AT BRANDY ni Sonny T. Mallari SA LOOB ng ilang araw nitong nakaraang buwan ay muling nagkaisa ang sambayanang Pilipino, na matagal nang nahahati dahil sa isyu ng pulitika sa bansa. Sama-samang ipinagbunyi ang kababayang si Miss Alexandra Eala sa ipinamalas niyang husay sa larong tennis sa katatapos na Miami Open sa Hard Rock Stadium sa Miami Gardens, Florida sa Estados Unidos. Pinadapa niya sina Jelena Ostapenko, Madison Keys, at ang World No. 2 tennis player na babae na si Iga Swiatek bago siya tinalo ni World No. 4…

Read More

MMDA VS PNP, OA NA!

RAPIDO NI PATRICK TULFO MAAARING sumobra na sa pagiging brusko at nawala na sa lugar si Gabriel Go, ang head ng MMDA Special Operations Group-Strike Force, sa kanyang komprontasyon sa isang police captain sa Quezon City. Ilang buwan ko nang nasusubaybayan si Go sa YouTube, sa mga ginagawa nitong clearing operation at masasabi kong tamang-tama siya sa kanyang posisyon upang pangunahan ang kanyang grupo. Sa pagpapatupad ng batas sa kalsada, kung saan mas marami ang matatapang kahit sila ang mali, nararapat lang na isang opisyal na ‘di papaduro ang italaga,…

Read More

MATAAS NA OPISYAL NG BI, KUMABIT SA TAUHAN?

BISTADOR ni RUDY SIM MAINIT ngayon na usap-usapan sa Bureau of Immigration ang hindi mapigilang pag-iibigan ng isang mataas na opisyal at ng kanyang talamak na fixer na kanyang tauhan, na halos dito na yumaman sa pag-fixing ng mga sensitibo at malakihang transaksyon sa ahensiya. Matapos na mabuking ng kanyang matapang na misis itong si Kume sa kanyang bagong jowa, ay tila mas pinili raw umano nito na hiwalayan ang kanyang misis at pinanindigan at ipinaglaban ang bebot nito, na ayon na rin sa post ng kanyang misis sa social…

Read More