KAPE AT BRANDY ni Sonny T. Mallari NAGSAGAWA ang mga kasapi ng Iglesia ni Cristo (INC) ng isang malawakang pagkilos nitong nakaraang Lunes sa 13 lugar sa bansa, pangunahin sa Quirino Grandstand sa Luneta sa Maynila. Tinawag nila itong “National Rally for Peace”. Bihirang magkaroon ng pagkilos ang INC lalo’t higit kung may nakatagong layuning pampulitika kahit sabihing pang “peace rally”. Nakasentro ang pagtitipon sa panawagan na muling magkaisa sina PBBM at Vice President Sara Duterte alang-alang sa sambayanang Pilipino. At…panggulantang din sa mga politiko. Malapit na ang eleksyon. Matatandaang sinuportahan…
Read MoreCategory: OPINYON
NLEX, HIGHWAY ROBBERY?
RAPIDO NI TULFO ILANG reklamo na ang natanggap ng RAPIDO tungkol sa nawawalang load ng Easy Trip na ginagamit ng mga motorista tuwing daraan sa North Luzon Expressway (NLEX). Ayon sa reklamo ng isang OFW, ang kanilang sasakyan ay nakagarahe lamang sa kanilang bahay sa Las Piñas City pero nakatatanggap umano ng notification ang kanyang misis, sa pamamagitan ng message mula sa mobile app na MPT Drive Hub, na nabawasan ang kanilang load matapos nitong dumaan sa Balintawak Toll Plaza. Agad umano silang nakipag-ugnayan sa pamunuan ng NLEX sa pamamagitan…
Read MorePATI MIDDLE CLASS UMAARAY NA
DPA ni BERNARD TAGUINOD HINDI na ako nagulat sa survey ng Social Weather Station (SWS) na 61 percent sa pamilyang Pilipino ay nagugutom at naghihirap dahil maging ang middle class ay ramdam na ramdam na rin ang hindi mapigilang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Kung umaaray na ang middle class o yung may regular na income na kahit papaano ay malaki-laki, paano na lamang ‘yung mga may regular na trabaho na karamihan ay marami ang mga anak na pinapakain araw-araw? Dati malaki-laki ang eco bag na dinadala ng mga…
Read MoreANG SIKRETO NI SOFRONIO
BISTADOR ni RUDY SIM IMBES na Pinoy pride ang salubong, naging “sinungaling” pa ang hatol ng mga katropa natin sa Ozamiz City at iba pang mga listong social media users sa isang mang-aawit na nagbalikbayan kamakailan matapos ang pagkapanalo sa “The Voice USA”. Oo, si Sofronio Vasquez III ang tinutukoy natin dito, pero dapat ata lagi nating ikabit ang PAROJINOG na apelyido ng kanyang ina tuwing binabanggit ang kanyang pangalan. Bakit kamo? Dahil parang pati si Sofronio Parojinog Vasquez ay nakalimot na sa kanyang pinanggalingan, o baka naman ang buhat…
Read MoreGUN BAN NAGSIMULA NA, ABUSADONG POLICE COL. KINASUHAN
PUNA ni JOEL O. AMONGO NAGSIMULA nang ipatupad noong Linggo, Enero 12, ang gun ban sa buong bansa dahil sa nalalapit na 2025 Midterm Elections sa Mayo 12. Dahil sa nationwide gun ban ay agad na naglatag ng checkpoints ang mga kagawad ng pulisya sa buong kapuluan. Naging epektibo ang gun ban at pagpapatupad ng checkpoints na sinimulan noong Enero 12 hanggang Hunyo 11, 2025, ito ay bahagi ng election period sa 2025 Midterm Elections. Bagamat isang araw pa lang ipinatupad ang gun ban ay apat katao na ang nahuli…
Read MoreANG PAGYAMAN AY PINAGHIHIRAPAN
AT YOUR SERVICE Ni Ka Francis WALANG madali, lahat ay pinaghihirapan kung gusto nating umunlad o yumaman. Madalas sinasabi kapag ang tao ay umangat ay nagiging madamot siya sa kanyang mga kamag-anak. Sa ganang akin, lahat ng umuunlad o yumaman ay dumaan yan sa matitinding pagsubok. Bukod sa perang puhunan, kasama niyan ay dugo at pawis natin. Hindi ka rin mananalo, kung hindi ka tataya. Ibig sabihin kung ayaw mong magsakripisyo at dumaan sa matitinding pagsubok ay hindi mo maaabot ang tagumpay sa buhay. Pinakamahalaga sa lahat ay ang disiplina,…
Read MorePAGBABAGO O STATUS QUO?
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO PAPALAPIT na naman ang eleksyon kaya kaliwa’t kanan na ang pangangampanyang nakikita natin. Bagama’t hindi pa opisyal, sanay naman tayo na tuwing magkakaroon ng halalan, kani-kanilang diskarte na ang mga kandidato para mas makilala pa. Naging biro na nga rito sa atin na kapag mag-eeleksyon, maraming inaayos na mga kalsada dahil nagpapapogi ang mga politiko. Pero kamakailan lang, nagpaalala ang Commission on Elections o Comelec sa mga aspirant para sa May 2025 elections. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, tinitingnan na ng ahensya ang posibleng…
Read MoreMAYOR RJ MEA, HALIGI NG PROGRESO NG TIAONG, QUEZON
TARGET NI KA REX CAYANONG SA bayan ng Tiaong, Quezon, aba’y kilala si Mayor RJ Mea bilang lider na tunay na inuuna ang kapakanan ng kanyang mga kababayan. Sa kanyang pamumuno, nagkaroon ng mas malawak at mas makabuluhang pagbabago sa kalusugan, edukasyon, at iba pang aspeto ng serbisyo publiko, na patuloy na nagbibigay ng pag-asa at kaginhawaan sa bawat mamamayan. Sa larangan ng kalusugan, ipinamamalas ni Mayor Mea ang malasakit sa kanyang mga kababayan sa pamamagitan ng pagpapalawak ng serbisyong medikal. Hindi rin nagpapahuli si Mayor Mea sa edukasyon. Sa ilalim…
Read MoreMAUUBOS ANG BILYONG AYUDA PERO MANANATILI KAHIRAPAN
CLICKBAIT ni JO BARLIZO KAPAG bago ang kalendaryo, hindi lang bagong taon ang nakatitik dito. Kasabay ng anunsyo ng palit-kalendaryo ang pagdagdag ng edad. Normal ito sa takbo ng panahon. Pero, kung bitbit ng bagong taon ang pagtaas ng gastusin sanhi ng dagdag na singil sa mga produkto aba, mapapa-hesusmaryosep na tayo. Eto na. Sa ikalawang sunod na linggo ng 2025, tataas muli ang presyo ng produktong petrolyo. Ang dahilan: pagbawas sa supply ng OPEC at Russia sa panahong inaasahang tataas ang demand ng produktong petrolyo. Bukas, Enero 14, ipatutupad…
Read More