KAMARA BUMAHA NG PERA?

PUNA ni JOEL O. AMONGO MAY mga bulong-bulungan na bumaha raw ng pera sa House of Representatives o Kamara noong huling sesyon nila kung saan tinalakay ang impeachment complaint laban kay Vice President Inday Sara Duterte. Limpak-limpak na salapi raw ang kumalat sa Kamara para lang makabuo ng 215 pirma mula sa mga kongresista pabor sa pagpapatalsik sa pangalawang pinakamataas na posisyon sa Bayan ni Juan dela Cruz? Dahil sa umugong na bulong-bulungang ito ay nananaginip tuloy ako na may pera raw akong natanggap dahil isa rin daw akong kongresista…

Read More

PAGHAHATID NG KURYENTE SA PINAKAMALALAYONG LUGAR SA BANSA

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO HINDI maikakaila na napakahalaga ng access sa kuryente dahil isa itong pundamental na bahagi ng pang-araw-araw na buhay. Bagama’t hindi naman ito problema sa maraming bahagi ng bansa kagaya ng Metro Manila, marami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi nabibigyan ng oportunidad na umunlad dahil sa kawalan o kakulangan ng serbisyo ng kuryente. Isa kasi sa nakikitang pagsubok sa bansa ang pagiging archipelagic nito, at talagang maraming mga isla ang nakahiwalay o sadyang malayo kaya isang pagsubok ang pagsisigurong mayroon ding sapat at…

Read More

CONG. VIRGILIO “VG” LACSON: TAGAPAGTAGUYOD NG MATIBAY NA PUNDASYON NG BAYAN

TARGET COLUMN NI KA REX CAYANONG ISANG mahalagang hakbang para sa pagbuo ng mas ligtas at matatag na Pilipinas ang muling ipinakita ni Manila Teachers Party-list Representative Cong. Virgilio “VG” S. Lacson kamakailan. Dumalo kasi si Cong. VG sa pagdinig ng Commission on Appointments (CA) para sa kumpirmasyon ng 36 na matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP), kabilang na ang mga heneral, flag officers, at senior officers, pati na rin ang 19 na pangunahing opisyal mula sa Department of Foreign Affairs (DFA). Ang aktibong partisipasyon ni…

Read More

NAKAKAIYAK NA USAPIN SA SIBUYAS

CLICKBAIT ni JO BARLIZO NAPAPAIYAK ka rin ba kapag naghihiwa ng sibuyas? Sa paghiwa pa lang, iyak ka na. Pero sa mga magsasaka, humahagulgol na sila kapag sibuyas ang pinag-uusapan. Kahit nga hindi magsasaka ay aatungal sa desisyon ng Department of Agriculture na payagan ang mas maraming aangkating sibuyas sa panahon ng anihan. Payag ba naman ang DA na mang-angkat ng 3,000 metric tons ng pulang sibuyas at 1,000 metric tons ng puting sibuyas na inaasahang darating sa susunod na dalawang linggo. Paliwanag ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.,…

Read More

PAGHIHIRAP NG PINOY ‘DI PANSIN NG MGA NAG-AAWAY SA GOBYERNO

CLICKBAIT ni JO BARLIZO NABALAM lang pala pero heto na’t tuloy ang pagtaas ng presyo ng ilang pangunahing bilihin. Kaya, ihanda na ang lukbutan. Ilalabas na kasi ng Department of Trade and Industry (DTI) ang bagong suggested retail price (SRP) ng 62 pangunahing bilihin matapos aprubahan ng pamahalaan ang pagtaas ng presyo nito. Nasa 2 porsyento hanggang 9 porsyento ang itataas ng mga presyo ng sardinas, delatang karne, gatas, tinapay at iba pang pangunahing bilihin. Ayon kay Trade Undersecretary Agaton Uvero, 62 items lang ang pinahintulutang magtaas ng presyo, gayung…

Read More

TROUBLED NOT

Hope ni Guiller Valencia TRUE belief is the source of great comfort. True belief leads to peace, kapayapaan sa kaibuturan ng ating pagkatao. Although believers still could experience trials, troubles, and persecutions. Katunayan, ito’y dinanas din ng ilang dakilang mananampalataya, tulad nila Abraham, Noah, David, Elijah, Moises, Jacob, at ng mga apostol. Basahin natin ang Bible upang malaman natin ang mga karanasan ng mga great people of faith. No exceptions, Christian is in troubles, trials, worries and etc. but that is temporal. If that happens to you, then alalahanin natin…

Read More

PAG-ALALA KAY BARBIE HSU AT SA PANAHON NG METEOR GARDEN

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN ANG pagpanaw ni Barbie Hsu ay higit pa sa malungkot na balita. Ito ay mararamdaman nang personal, tulad ng pagkawala ng isang piraso ng ating pagkabata. Siya si Shan Cai, ang matapang, matigas ang ulo na babae mula sa Meteor Garden, ang palabas na nagpasimula ng Asian drama craze sa Pilipinas. Ang mga tao ay maaaring makipagtalo sa lahat ng gusto nila tungkol sa mga K-pop at K-dramas na nangingibabaw ngayon, ngunit ang katotohanan, bago ang lahat ng iyon, mayroon kaming Meteor Garden at…

Read More

LUMALALA ANG PROBLEMA SA MARCOS-LAUREL TANDEM

DPA ni BERNARD TAGUINOD MUKHANG imbes na maresolba ang problema ng sambayanang Pilipino sa tandem nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu-Laurel, ay mistulang lumalala pa. Tila wala silang magawa o ginagawa para awatin ang patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain gayung nasa kanila na ang lahat ng kapangyarihan para panagutin ang mga nagsasamantala at nagdaragdag ng pahirap sa taumbayan. Tingnan n’yo ha, hindi pa nareresolba ang problema sa bigas ay pumalo na sa ‘all time high’ ang presyo ng baboy? Bente…

Read More

PETISYON NINA ATTY. VIC RODRIGUEZ, ET AL SA GAA GUMULONG NA

PUNA ni JOEL O. AMONGO INATASAN na ng Korte Suprema ang House of Representatives, Senado at si Executive Secretary Lucas Bersamin na magkomento sa loob ng sampung araw, sa petisyon na kumukwestiyon sa constitutionality ng Republic Act No. 12116 o ang General Appropriations Act of Fiscal Year 2025 (GAA). Ayon sa mga petitioner sa G.R. No. 277975 na sina Victor D. Rodriguez, Isidro T. Ungab, Rogelio A. Mendoza, at iba pa, labag umano ang GAA sa Konstitusyon. Hindi umano ito naglaan ng mandatory funding para sa PhilHealth. Apektado nito siyempre…

Read More