TATAK ASPIN O ASENSO PINOY PARTY-LIST

TARGET ni KA REX CAYANONG

SA mga hindi pa nakakaalam, ang Asenso Pinoy Party-list (ASPIN) ay isang organisasyong may layuning isulong ang kaunlaran at kapakanan ng mga Pilipino.

Siyempre, ito’y sa pamamagitan ng iba’t ibang programa at proyekto.

Isa sa pangunahing mga adhikain ng ASPIN ay ang pagsusulong ng sustainable development, pagpapalakas ng ekonomiya, at mga programang panlipunan na tumutugon sa mga natatanging hamon ng iba’t ibang komunidad sa bansa.

Noong 2004, kung hindi ako nagkakamali, inilunsad ng ASPIN ang isang agribusiness-livelihood radio program na tinawag ding Asenso Pinoy.

Kasabay nito, sinasabing nagsimula rin ang isang lingguhang kolum sa The Manila Times na may parehong pangalan.

Ang programang ito ay naglalayong magbigay ng kaalaman at impormasyon tungkol sa agrikultura at kabuhayan, na naging daan upang maabot ang mas maraming Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Bukod dito, pinalawak ng ASPIN ang kanilang proyekto sa pamamagitan ng isang kalahating-oras na television magazine program na nagsimula noong Hulyo 3, 2005.

Sinasabing ito ay nagtatampok ng mga segment tungkol sa entrepreneurship, personal na pag-unlad, at iba pang kaugnay na paksa, na naglalayong hikayatin ang mga Pilipino na paunlarin ang kanilang mga kakayahan at kabuhayan.

Sa kasalukuyan, patuloy ang ASPIN sa kanilang mga adhikain na maghatid ng positibong pagbabago sa lipunan.

Sa nalalapit na halalan ngayong May 2025, kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) ang kanilang mga nominado para sa iba’t ibang posisyon, na nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa pampublikong serbisyo at epektibong pamamahala.

Ang mga inisyatibo ng Asenso Pinoy Party-list ay malinaw at patunay ng kanilang walang sawang pagsusumikap na mapabuti ang buhay ng bawat Pilipino.

At sa pamamagitan ng kanilang mga programa at proyekto, patuloy nilang isinusulong ang kaunlaran at kagalingan ng sambayanan, na nagbibigay inspirasyon sa iba pang organisasyon na maglingkod nang tapat at may malasakit sa kapwa.

57

Related posts

Leave a Comment