ABUSADO SA SENADO, KINASTIGO NG HUSGADO

SA loob ng mahabang panahon, nagmistulang entablado ng mga epal na politiko ang plenaryo sa Senado kung saan santambak ang mapagΒ­panggap na pro-Filipino. Ito ang kwento ng isang Β­bungangerong senador na sinopla ng husgado. Sa isang desisyon ng Pasay City Regional Trial Court, kinastigo ng husgado ang Senate Blue Ribbon Committee (sa pamumuno ni Sen. Richard Gordon), ang nakaambang pagdakip sa isang negosyanteng testigo dahil absent sa pagdinig noong Β­Disyembre at Enero. Ang totoo, mandato ng mga senador na maglunsad ng imbestigasyon sa mga mainit na usapin sa lipunan, lalo…

Read More

PAGLUWAG NG MINING RESTRICTIONS, MALAKING TULONG SA EKONOMIYA

ANG pagmimina ay isa sa mga pinakamahalagang industriya na higit na makatutulong sa pagbangon ng ating ekonoΒ­miya. Sa kasagsagan ng pandemya, iniulat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ang naturang industriya ay nakapag-ambag ng halos P102.3 bilyon sa ating gross domestic product noong taong 2020. Ayon sa DENR, ang produksyon ng gold, nickel ore, mixed nickel cobalt sulfide, scandium oxalate, chromite, at iron, ay nakapag-generate ng P132.69 Β­bilyon samantalang ang kabuuang halaga ng mineral, mga produktong mineral, at mga hindi metallic na mineral na ating na-export ay…

Read More

‘SCAM’ ANG 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION

ANG EDSA People Power Revolution, makaraan ang 36 taon ay tila nagising na ang sambayanang Filipino na ito’y isang malaking pagkakamali na nangyari sa bansa. Nagsimula ang makasaysayang rebolusyon noong February 22, 1986 nang nagpahayag ng pagtalikod sa administrasyong Marcos sina Juan Ponce Enrile na noo’y Defense Minister at Vice-Chief of Staff Gen. Fidel V. Ramos, at pinangunahan ng dalawa ang Reform the Armed Forces Movement (RAM). Nag-umpisang maglabasan ang mga tao sa kanilang tahanan matapos na manawagan si Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin na umere sa Radyo Veritas, na…

Read More

AYUDA PALIT BAKUNA

SA gitna ng patuloy na pagmamatigas ng mga Muslim na magpaturok ng COVID-19 vaccines, pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) ang kakaibang istratehiya sa Β­hangaring makumbinsi ang mga nag-aatubiling magpaΒ­bakuna bilang proteksyon sa nakamamatay na karamdaman. Ayon sa DOH, bumabalangkas sila ng isang paraan – ayuda palit bakuna. Ang totoo, hindi na bago ang paglalaan ng ayuda bilang pagkumbinsi sa publikong may agam-agam sa kaligtasan at bisa ng mga bakuna kontra COVID-19. Mayroon din namang ilang local government units ang may pa-meryenda, habang ‘yung iba naman may pa-raffle pa.…

Read More

KRUSADA NI KA MAURO

SA loob ng mahabang panahon, nakasama at nakilala ko nang lubos si Mauro Gia Samonte, isang premyadong direktor, manunulat at aktibista noong dekada sitenta. Sa kanyang pagiging Β­direktor sa pelikula, ako ay humanga. Sa aking pagkakatanda, lahat ng kanyang nilikha, swak sa takilya. Gayundin ang kanyang estilo sa mga komentong akda, sadyang nakamamangha. Sa larangan ng ideolohiya, may mga pagkakataong salungat ang aming paniniwala, dangan naman kasi ang edad namin sadyang malayo talaga. Ako’y singkwenta, siya naman ay otsenta. Ganunpaman, may respeto kami sa isa’t isa. Hindi ko ikinagulat nang…

Read More

BLACK DIAMOND

NOON, itinuturing ang langis bilang black gold na nagpayaman sa mga kaharian sa Gitnang Silangan at kaya maangas ang Amerika dahil sila ang may pinakamalaking oil reserve sa buong mundo. Pero hindi na black gold ang tawag sa krudo kundi black diamond na dahil pamahal na nang pamahal ang produktong ito habang tumatagal at habang dumarami ang mga tao sa mundo. Kapag panahon ng taglamig sa ibang bansa, tumataas ang presyo ng krudo sa world market at dahil maraming tao ang nangangailangan ng init ay tumataas ang demand at ang…

Read More

LIBU-LIBONG PERANG PUMAPASOK SA USC BRANCH KWESTIYUNABLE

MARAMI ang nagtataka sa libu-libong perang pumapasok sa USC branch sa Zabarte Mall, North Caloocan na nagmumula sa ibang bansa gamit ang account ng ilang personalidad sa nasabing money transfer. Ayon sa ating source na itinago natin sa pangalang Aling Maring, ni-recruit daw siya ng isang nagngangalang alias Carmela na magbukas siya ng account sa USC branch sa Zabarte Mall para pasukan ng pera mula sa ibang bansa na may komisyon siya. Pangako sa kanya ni Carmela ay bibigyan siya ng komisyon na 2% sa bawat halagang pera na papasok…

Read More

NAWAGLIT NA PRAYORIDAD

SA gitna ng kabi-kabilang paandar at pangako ng mga pulitikong kalahok sa nalalapit na halalan sa Mayo, higit na Β­angkop na kilatisin ang mga kandidato sa Β­larangan ng edukasyon ng mga kabataang pag-asa ng bayan. Ang totoo, hindi na naman bago ang matamis na pangakuan sa tuwing sasapit ang halalan. Madalas kaysa hindi, ang binitawang pangako habang nakikiusap na sila’y iboto, nakakaligtaan sa sandaling makuha na ang pangarap na pwesto. ‘Yan mismo ang dapat iwasan! Pero paano nga ba makakaiwas kung lahat ng kandidato’y matamis mangusap? Ang sagot – walang…

Read More

BULAG SA YAMAN NG ESTADO

SA hudyat ng pananakop ng Russia sa karatig bansang Ukraine, lumutang ang mga haka-haka ng mga dalubhasa sa ekonomiya. Halos lahat nagsasabing lilikha ng paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo ang sigalot sa pagitan ng dalawang estadong dating bahagi ng Union of Soviet Socialist Republics (USSR). Pangamba ng mga ekonomista, posibleng kapusin ang suplay ng produktong petrolyo sukdulang umabot sa $120 kada bariles ang presyo nito sa pandaigdigang merkado, lalo pa’t kapwa oil-producing countries ang naturang mga estado. Bagama’t malayo ang Pilipinas sa nasabing hidwaan, ang sigurado apektado ang…

Read More