SUBDIVISION HOMEOWNERS NAGREKLAMO VS DEVELOPER

IDINULOG sa PUNA ng mga nakatira sa North Grove Subdivision sa Brgy. Sta. Monica, San Simon, Pampanga ang kanilang reklamo laban sa kanilang developer (Northern Star Realty and Development Corporation) dahil sa kawalan ng amenities nito. Ayon sa mga residente na mga miyembro ng North Grove Homeowners Association Inc., kaya sila nakakuha ng unit sa nasabing subdivision ay dahil puro magaganda ang sinabi sa kanila ng mga ahente ng developer. Kabilang sa mga sinasabi ng mga ahente ng Northern Star Realty and Development Corporation ay kumpleto sa amenities ang kanilang…

Read More

IWAS-PUSOY

MULING lumutang ang bulung-bulungan sa pagbaba sa pwesto ni Health Secretary Francisco Duque na matagal nang ipinasisibak sa pwesto bunsod ng mahabang talaan ng bulilyasong kinasasangkutan ng kanyang departamento. Sa lingguhang pulong ng mga kalihim sa Palasyo, hayagang inalok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pwesto ni Duque kay Nicanor Austriaco ng OCTA Research Group. Gayunpaman, hindi malinaw kung nagbitiw na si Duque o sadyang nahimasmasan na ang Pangulo sa ­problemang idinulot ng kontrobersyal na departamento. Ang siste, mukhang palusot lang – kung hindi man drama lang ang eksena sa Palasyo…

Read More

CAYETANO MASAMA PA NGA BA ANG LOOB SA MGA KAPWA KONGRESISTA?

MUKHANG matindi ang galit ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano sa mga botante at mahihirap na mamamayan. Kaya malamang kapag tumakbong muli ito sa pagka-senador, sa basurahan ito pupulutin. Pati kasi ang simpleng hanapbuhay, libangan, at pinagkakakitaan nila ay pinapaki-alaman na ni Cayetano. Si Cayetano kasi ang lantarang kumokontra sa e-sabong o online sabong. Pinuri pa niya si presidential aspirant Senator Panfilo Lacson sa pagtindig daw nito laban sa illegal gambling. Isa pa itong si Lacson na matagal na sa Senado at naging hepe na ng Phil. National Police…

Read More

PANANAW NI KA MAURO

KUNG pulitika ang pag-uusapan, naniniwala ako sa mga nakatala sa kasaysayan ng mga Pilipino, mga kaganapang hindi lamang sa mga aklat at peryodiko mababasa kundi sa mismong kwento ng mga taong saksi sa bawat pangyayaring lubhang nagpabago sa ating lipunan. Isa riyan si Mauro Gia Samonte, premyadong direktor sa pinilakang tabing at isang iginagalang na peryodista. Sa edad na 80, malinaw na mas malawak ang kaalaman niya sa mga kaganapan sa pulitika lalo pa’t kilala siyang isang aktibista sa kanyang kakisigan. Sa kanyang pag-iisa, libro at peryodiko ang kanyang pinagkakaabalahan.…

Read More

PAGLILIPATAN NG NEW BILIBID PRISON, NAIKASA NA

MAYROON na palang lugar na nai-donate sa Bureau of Corrections (BUCOR) para sa pagtatayuan ng New Bilibid Prison (NBP), sa probinsya ng Nueva Ecija na umaabot sa 234 hectares, na donasyon ni dating General Tinio Mayor Virgilio Bote. Ang naturang donasyon mula kay Mayor Bote ay tinanggap ni DOJ Undersecretary BUCOR Director General Gerald Bantag sa pamamagitan ng isang memorandum of Agreement (MOA) na nilagdaan noon pang October 8, 2021. Hindi pa ito masimulan dahil pinag-aaralan pa ng Department of Justice ang naturang kasunduan sa pagitan ni Mayor Bote at…

Read More

DAHAS NG HALALAN

KUNG pagbabatayan ang kasaysayan ng pulitika sa Pilipinas, hindi na bago ang karahasan sa tuwing sasapit ang halalan – bagay na muling pinatutunayan sa mga kaganapan nitong nakaraang apat na linggo. Ilan na nga ba ang napatay, ­nasugatan at nadamay sa madugong pulitika sa mga kanayunan. Hindi isa, dalawa o tatlo – marami na, at mukhang patuloy pang madadagdagan sa bawat araw na lilipas bago pa sumapit ang mismong halalan. Hindi sapat ang katagang nakababahala para ilarawan ang peligrong kalakip ng bawat halalan. Dangan naman kasi, hindi biro ang salaping…

Read More

PIGILAN KUNDI MAUUBOS ANG TANIMAN

KUNG sino man ang susunod na pangulo ng bansa, dapat niyang pigilan ang conversion ng mga lupang sakahan sa commercial site at subdivision dahil kung hindi ay mauubos ang lupain na pinagkukunan ng pagkain ng sambayanang Filipino. Ang daming mga ­negosyante ang namimili ng lupang sakahan sa tabi ng mga highway at tinatayuan nila ng mga bodega, gusali at kung ano-ano pa para sa kanilang negosyo. Ang dating luntian na madadaanan mo sa kahabaan ng mga highway kapag bumiyahe ka, mga gusali na ang makikita mo at hindi biro ang…

Read More

NAGKATAON LANG BA O NAKATADHANA?

SA kasaysayan ng pulitika sa Pilipinas, isa marahil sa mga pinakamakulay – kung hindi man pinaka-kontrobersyal – ay ang nalalapit na halalan sa Mayo 9 ng susunod na taon. Naging kapana-panabik ang bawat bitaw ng mga salita ng mga aspirante sa posisyon ng pangulo, kabi-kabilang pangako, palitan ng patutsada at mga pagsisiwalat na lubhang mahalaga sa mga botanteng pipili ng susunod na presidente. Kung tutuusin, hindi na bago ang ganitong kalakaran, maliban sa isang bagay, ang pagsabak ni Ret. General Antonio Parlade, na lubhang ikinagulat ng administrasyong Duterte. Noong aktibo…

Read More

2 OFW SA DOHA NA MINAMALTRATO NG MGA AMO, TUMAKAS

Aksyon OFW

HUMIHINGI ng tulong sa AKOOFW Inc. ang kabayaning si OFW Joann Bayno ng Orani, Bataan dahil minamaltrato umano siya ng kanyang among babae sa Doha, Qatar. Nagsisilbing kasambahay si OFW Joann at tagapag-alaga ng isang anak ng mga amo nya sa loob ng apat na buwan. Sinabi ni OFW Joann na dalawang buwan na siyang wala sa amo mula nang siya ay tumakas. Sa unang mga buwan daw nya sa amo, mababait naman ang mga ito pero nang tumagal na ay minamaltrato na sila ng kanyang kasamang domestic helper. Halos…

Read More