ANO NANGYARI SA QC?

KAILAN kaya magigising ang mga opisyal ng pamahalaang lungsod ng Quezon City? Hindi na kayo nakakawala sa bansag na ‘epicenter’ ng COVID-19 sa Pilipinas. Ano ba kasi ang inyong inaatupag? Totoo na ang Metro Manila ang hotspot ng COVID-19. Pero sa buong Metro Manila, walang araw na hindi nag-number 1 ang Quezon City sa dami ng bilang nang mga nahahawaan ng sakit. Lagi na lang bang ‘paging’ Mayor Joy Belmonte? Sabagay, alam natin na pati ang alkalde ay muling tinamaan ng COVID-19 na ito. Pero kumusta ang mga iniwan mong…

Read More

BALIK-MANGGAGAWA NA, INABUSO PA

NAKATANGGAP ako ng liham sa pamamagitan ng aking email mula sa isang OFW Volunteer Advocate na si Mokingjoy. Siya ay humihingi ng tulong upang maiparating ang masamang kapalaran ni OFW Emma Elecanal na sa kasalukuyan ay nasa bansang Kuwait. Si OFW Emma ay isang Balik Manggagawa matapos ang dalawang taon niyang kontrata. Ngunit noong siya ay muling bumalik sa kanyang employer matapos ang kanyang bakasyon, siya ay ipinasa na lamang nito sa isa kapatid ng kaniyang amo at doon siya pansamantalang pinagtrabaho. Ngunit makalipas ang ilang buwan na pagtatrabaho, siya…

Read More

UHAW SA KAPANGYARIHAN

NGAYONG nagpakita na sa publiko si Pangulong Mayor Rodrigo Duterte, ano naman kaya ang kasunod na sigaw ng mga kritiko? Siguro yung patungkol naman sa kaniyang kalusugan? Nakakatuwa o nakakaasar talaga ang mga taong uhaw sa kapangyarihan ano?? Noong di nagpapakita si Pangulong Mayor Duterte, ang kanilang ipinagkakalat ay mayroon daw itong malubhang karamdaman kaya daw hindi nagsasalita o nagpapakita sa publiko, mayroon pa ngang “hashtag” na nasaan ang pangulo eh. Ngayong nagpakita na ang Pangulo iba na naman ang sinasabi nila. Kailangan daw na isapubliko ni Tatay Digong ang…

Read More

WALANG DRIVER

HINDI ko masisisi ang mga taong naghahanap kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil nasa gitna tayo ng matinding krisis sanhi ng pagtindi ng COVID-19 at usapin sa soberenya ng Pilipinas. Maihahalintulad ang ­gobyerno sa isang pampasaherong bus, ang Pangulo ang driver. Nasa kamay ng driver ang kaligtasan ng mga pasahero. Siya ang maghahatid sa atin sa ating destinasyon. Pero kung walang nagmamaneho ng bus, hindi tatakbo ang bus. Hindi makakarating sa kanyang destinasyon ang mga pasahero kaya hinahanap ang Pangulo dahil siya ang tsuper ng gobyerno. Kung barumbado at walang alam…

Read More

PROBLEMA SA DISTRIBUSYON NG AYUDA

LAGI na lang may problema sa distribusyon ng ayuda na ipinamimigay ng pamahalaan. Nagrereklamo ang ­taumbayan lalo na ang mga kwalipikadong mabigyan. Hindi raw nasusunod ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang dapat makuha ay apat na libong piso kada pamilya. Kung ang miyembro ng pamilya ay dalawa hanggang tatlo lang ay makatatanggap lamang sila ng tig-iisang libong piso. Ibig sabihin hindi kabuuang 4k ang kanilang matatanggap na ayuda at sa halip ay dalawang libo hanggang tatlong libong piso lamang, depende sa bilang ng miyembro ng pamilya. Pero maraming…

Read More

PACQUIAO MAHINANG PINUNO

BAGSAK si Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao bilang pinuno ng bansa. Iyan ang pananaw ni retiradong Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio kay Pacquiao. Natatandaan kong idiniin pa ni Carpio na “absinero” si Pacquiao noong kongresista ito hanggang maging senador. Kung uunawaing mabuti, wasak si Pacquiao sa komentaryo ng dating mahistrado ng Korte Suprema. Matatapos pa lang ang unang termino ni Pacquiao sa Senado. Ngunit, tatakbo na si Pacquiao sa pagkapangulo ng bansa sa halalang Mayo 2022. May beteranong ‘political operator’ ang nagsabi sa akin na ‘kasado’ at ‘nakaporma’ na…

Read More

Atleta-sundalong Pinoy na bayani ng digmaan

PITUMPONG taon na sa ika-17 ng Hulyo 2021, nang parangalan ng Philippine Amateur Athletic Federation (PAAF) ang 52 dating pambansang atleta na nasawi sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kabilang sa mga pinarangalang atleta ay siyam na Olympian na pinangunahan ng manlalangoy na si Teofilo Yldefonso, ang kauna-unahang Filipino at Southeast Asian na nakapag-uwi ng medalya (tanso) galing sa Olimpiyada noong 1928 edition sa Amsterdam. Unang atletang Pinoy na kumatawan sa bansa sa ­Olimpiyada ay ang sprinter na si David Nepomuceno noong 1924 sa Paris. May sukat na 33 x 24 na…

Read More

BAWAL NA PAG IBIG NI MR. CLEAN

KUNG mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang pag-iibigan nina Derek Ramsay at Ellen Adarna, aba mas mainit pa dito ang bawal na relasyon ng isang mataas na opisyal ng Bureau of Immigration at ng kanyang dating magandang sekretarya. Itatago na lamang natin ang mataas na BI official na ito sa pangalang Mr. Clean na matagal na palang may pagnanasa kay Alias Mau na kahawig naman ng isang dating sexy actress na member ng Viva Hot Babes. Ang pag-ibig nga naman ay hindi mo masusukat kahit ano pang pagdaanan…

Read More

AYUDA PARA SA MGA OFW NA NAKAKULONG O NASA SHELTER

SA isang pagpupulong ng OWWA Board of Trustees, may isang programang ilulunsad na napagkasunduan naming ­huwag nang i-anunsyo sa mga miyembro dahil limitado lang ang magiging benepisyaryo nito. Ngunit bilang kinatawan ng mga OFW ay tungkulin ko na ­ipaalam sa aking nirerepresentang sektor ang aking ginagampanan. Dahil dito, nais kong humingi ng paumanhin sa mga kasama ko sa OWWA Board of Trustees na ang napagkasunduan namin na huwag i-anunsyo ay aking ilalathala sa pahayagan. Bukod sa aking isinulong na programang Tulong Puso, ay akin ding isinulong ang isang programa na…

Read More