COVID-19 VACCINATIONS AABUTIN DAW HANGGANG 2025?

SA sobrang bagal daw ng isinasagawang pagbabakuna ng Pilipinas ay baka abutin daw ito ng hanggang taong 2025 bago matapos. Napakarami raw kasing proseso na ipinatutupad ng mga namumuno sa pagbabakuna bago maturukan ang mga dapat bakunahan. Tulad na lamang ng mga dapat ay may apps sa celphone, pagpapa-schedule sa pagbabakuna at iba pang proseso na masalimuot at kumplikado ang pagda­danan ng sinumang karapat-dapat bakunahan. Hindi rin daw pupwede ang magwalk-in sa iba’t ibang mga vaccination area. Inihahalimbawa tuloy ng iba na ang proseso ng pagbabakuna sa COVID-19 ay tulad…

Read More

BAKIT HINDI GINAGASTOS?

NAKAKATUWA kapag ang isang pamilya ay nagtitipid dahil meron silang mahuhugot na pondo kapag panahon ng kagipitan at meron silang magagamit sa mas mahalagang bagay kesa sa mga kapritso lang sa katawan. May pag-asa namang mas lumago pa ang isang kumpanya kung meron silang natitipid sa kanilang income at iwasan ang mga gastusin na hindi naman importante sa kanilang negosyo. Pero kapag ang gob yer no ang nagtipid, hindi nakakatuwa dahil kapag nagtipid sila, parang pinagkakaitan nila ng serbisyo ang taumbayan at hindi sila nakakatulong sa paglago ng ekonomiya. Matagal…

Read More

Mga Pinoy na sundalong Olympian (Part 2)

KAWIKAAN na ang pangako ay ‘di dapat mapako kung kaya narito ang pangako ng SALA SA INIT… na karugtong ng kolum ko noong nakaraang linggo kung kailan pinangaralan ng SAKSI NGAYON ang 52 atletang Filipino, na bukod sa pagbibigay ng karangalan sa bansa sa pamamagitan ng sports ay nagbuwis din ng buhay noong Pangalawang Digmaang Pandaigdig. Nabanggit sa nakaraang kolum noong Lunes (Abril 12) ang pangalan ni swimmer Teofilo Yldefonso, ang kaisa-isang atletang Pinoy na nakapag-uwi ng dalawang Olympic bronze medal noong 1928 at 1932 edisyon ng Olimpiyada, na nasawi…

Read More

MR. CLEAN: TRAYDOR DAW SA KANYANG MGA TAUHAN SA BI?

NOONG taong 2013 pansamantalang inalis sa kanyang puwesto itong si alias Mr. Clean bilang Chief ng isang division sa Bureau of Immigration dahil sa katiwalian at itinapon ito sa Commissioner’s Office bilang technical assistant. Pinalitan sya noon ng isang opisyal ngunit imbes na ­makipagtulungan sa kanyang mga tauhan ay nagkomento pa ito sa akin na bawal daw bang magsamantala sa kapangyarihan kahit ikaw ay may katungkulan sa isang simbahan? Kahit nagmukhang tamulmol ito sa kanyang pagkakatapon ay tila naghanap ito ng damay at kanyang siniraan ang kanyang mga sariling tauhan.…

Read More

PROBLEMA PA RIN ANG DROGA KAHIT ‘DI NA PANGULO SI DUTERTE

MANIWALA kayo o hindi, kumikilos ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa iligal na droga. Katunayan, nitong Abril 15 ay nakahuli ang PNP at PDEA ng anim na pinaniniwalaang ‘drug dealer’ sa isang bahay sa Gatchalian Subdivision sa Las Piñas City. Ayon sa ulat ng PDEA, may dalang P122.4 milyong halaga ng methamphetamine hydrocholoride, o shabu, ang mga suspek. Isa sa mga suspek ay 14 taong – gulang lang. Pokaragat na ‘yan! Menor de edad pa lang, pero kasama na sa pagbebenta ng mahigit…

Read More

Alamat Ni Manny Pacquiao (Ika-22 Bahagi) Pangalawang usapan sa paghaharap nina Pacquiao at Mayweather, bigo muli

Ni EDDIE ALINEA SA bisa ng pag-agaw ng korona ng WBO welterweight noong 2009 kay Miguel Cotto ng Puerto Rico at matagumpay na pagtatanggol laban kay Joshua Clottrey ng Ghana, pinangalanan ang idolo ng bayan na si Manny Pacquiao ng Boxing Writers Association of America ng “Fighter of the Decade” 2000-2010. Nauna nang ginawaran ang Pambansang Kamao ng prestihiyosong ‘Sugar Ray Robinson Fighter of the Year’ noong 2006 at 2008. Ang dakilang heavyweight sa daigdig na si ‘Smokin’ Joe Frazier ang nag-abot kay Manny ng tropeo sa isang seremonyang ginanap…

Read More

CHINA LUMAKAS ANG LOOB NANG MAPALAYAS ANG US BASES

KUNG mayroong nakinabang sa pagpapalayas ng 12 Senador sa United States (US) Bases sa Pilipinas ay ang China dahil mula nang mawala ang dayuhang puwersa na ito sa ating bansa, naging agresibo na ang communist country na ito sa pananakop sa ating teritoryo sa West Philippine Sea. September 16, 1991 nang magbotohan ang mga Senador kung paaalisin ba o hindi ang US Bases sa Pilipinas at dahil matindi ang pagiging anti-bases sa bansa noong panahong yun, nanalo sa botohan ang mga anti-US Bases Senators. Kabilang sa mga Senador na bumoto…

Read More

CAR INSURANCE INIREKLAMO SA PUNA

INIREKLAMO ni Eric Normor ng Bignay, Valenzuela City ang People’s General Insurance Corporation na nakabase sa Intramuros, Maynila dahil hanggang ngayon ay hindi pa pinagagawa ang kanyang sasakyang naaksidente noon pang nakaraang Disyembere 2020. Sa police report na ibinigay sa atin mula sa Quezon Police Provincial Office, naaksidente ang isang Hyundai Accent 1.4 GLA Sedan na may conduction sticker K114227 sa Quirino Highway, Brgy. San Francisco, Tagkawayan, Quezon na pag-aari ni Ginoong Normor. Pagkatapos maaksidente ang sasakyan ay agad nila itong inireport sa naturang insurance company subalit sa halip na…

Read More

ANGAT ANG EKONOMIYA KUNG 6.5% ANG GDP

LUBOS na naniniwala ang mga ekonomista ng National Economic and Development Authority (NEDA), sa pangunguna ng pansamantalang pinuno nito na si Karl Kendrick Chua, na aangat ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong 2021. Ang eksaktong tudla ng NEDA ay 6.5 porsiyentong Gross Domestic Product (GDP) ang makakamit na pag-angat sa ekonomiya ng bansa. Walang dudang angat ang ekonomiya ng ating bansa kung makamit ang 6.5% GDP dahil napakalayo ito mula sa negatibong higit siyam na porsiyentong GDP noong 2020. Ang negatibong higit 9% na GDP ay siyang pinakamasahol mula noong 1946,…

Read More