MULING PAGBUBUKAS NG EKONOMIYA, NAPAPANAHON NA

HINDI pa man ganap na nakababangon ang ating bansa mula sa matinding epekto ng ­pandemyang COVID-19, tila muli na naman tayong sinusubok nito. Bunsod ng biglang pagtaas ng positibong kaso ng COVID-19 kada araw, napilitan ang pamahalaan na muling ­isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang National Capital Region (NCR) at iba pang probinsyang malapit dito sa unang bahagi ng Abril. Maraming mga empleyado at manggagawa ang naaapektuhan ng ECQ. Marami sa kanila ang ‘no work, no pay.’ Sa madaling salita, hindi sila makatatanggap ng sweldo habang pansamantalang nakahinto ang…

Read More

NAKAKAHIYA SA MAGIGITING NA PINOY

GINUNITA natin ang Araw ng Kagitingan ng mga Filipino na nakipaglaban at nagbuwis ng buhay para mapalaya ang Inang ­Bayan sa kuko ng mga Hapon noong World War II. Base sa mga ­historians, halos isang milyon ang namatay sa Pilipinas nang biglang atakehin ng Japan ang bansa habang binobomba nila ang Pearl Harbour ng Estados Unidos. Sa nasabing bilang, 900,000 sibilyan ang namatay at 57,000 militar naman ang nasawi sa loob halos nang apat na taong pananakop ng Japan sa Pilipinas. Kaya taon-taon ay ginugunita natin ang kanilang kagitingan. Lumaban…

Read More

PAMIMIGAY NG AYUDA PINAGMUMULAN NG COVID-19

KAPANSIN-PANSIN na sa tuwing namamahagi ng ayuda para sa mga karapat-dapat na tumanggap nito ay hindi nasusunod kahit man lang yung tinatawag na minimum health standards ng IATF. Sa pag-iikot ng PUNA sa iba’t ibang mga lugar sa Metro Manila, kitang-kita natin na sa pamimigay ng ayuda, marami ang hindi tama ang pagsusuot ng face mask, face shield at lalo na ang kawalan ng physical distancing. Matatandaan kamakailan ay ini-lockdown ang National Capital Region o NCR Plus bubble. Kasama dito ang Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna. Ito ay dahil na…

Read More

MABUHAY KA, WESLEY SO – PILIPINO!

KAMAKAILAN lamang, si Wesley So, Pilipinong chess Grandmaster, ay ginawaran ng citizenship ng Estados Unidos. Ang itinuturing na mahiko sa larong hindi lamang ­gumagamit ng lakas na pisikal kundi bilis ng utak ay mahigit kalahating dekadang nanahan sa lupain ng asukal at pulot-gata matapos na siya’y maging biktima ng politikang matagal nang humihimay sa hibla ng sport dito sa bansa. Makaraan kasing maibulsa ang kauna-unahang gintong medalya ng bansa sa 2012 Summer Universiade na ginanap sa Kazan, Russia kung saan nilampaso niya si local boy Zaven Andriasian, ang noo’y 26-anyos…

Read More

PRESSURE NG CORRUPTION KAKAYANIN KAYA NG BAGONG TALAGANG AIRPORT CHIEF NG IMMIGRATION?

RELIABLE kaya ang ­napiling bagong Port Operations Division Chief ng Bureau of ­Immigration? Ito ang malaking katanungan ngayon ng ilang mga empleyado ng BI matapos umalis sa puwesto si dating POD Chief Candy Tan at humalili naman sa kanya itong si Atty Carlos Capulong. Pero malaking palaisipan at katunayan ay nagkaroon pa ng bulong-bulungan noon na nung nakaupo si Tan sa nabanggit na tanggapan, kahit daw bago pa lang siya noon ay gustung-gusto na nitong umalis sa pwesto. Hindi kaya kinaya ni Tan ang pressure ng corruption mula sa mas…

Read More

OWWA TULONG PUSO AY PARA SA LAHAT NG OFW ORGANIZATION (Ikalawang Bahagi)

DAHIL sa ako naman ang “principal sponsor” ng OWWA Resolution para sa Tulong Puso, ay inako ko na sa aking sarili na maglalaan ako ng oras upang ipalaganap ang programang ito upang hindi na maulit ang ­dating pagkukulang sa impormasyon na naging dahilan kung kaya hindi gaanong napakinabangan ng mga OFW ang naunang Tulong Puso program ng DOLE. Bilang ako naman ang ­Founding Chairman ng Advocates and Keepers Organization of OFW (AKOOFW) ay sinimulan ko sa aki­ng sariling grupo ang AKOOFW Info Caravan na ang layunin ay ipaalam hindi lamang…

Read More

PALPAK ANG CPP SA SENADO

IBANG klase rin ang impormasyong pinakawalan ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) laban sa unyon ng mga empleyado ng mataas na kapulungan ng Kongreso, o Senado. Ang impormasyon ay mayroong “mata” at “tainga” ang Communist Party of the Philippines (CPP) sa Senado, sa pamamagitan ng ilang empleyado nito. Ang nagsabi raw nito ay mismong pinuno, o hepe, ng NICA na si Alex Paul Monteagudo. Pokaragat na ‘yan! Nakaugnay umano ang CPP sa mga empleyado ng Senado na kasama sa Sandigan ng mga Empleyadong Nagkakaisa sa Adhikain ng Demokratikong Organisasyon (SENADO).…

Read More

NAKAKA-DEPRESS

KAHIT sino ang tanungin mo, nadedepress sa sitwasyon ng ating bansa ngayon dahil imbes na humupa ang pandemya dulot ng COVID-19 ay lalong pang lumala pagkatapos ng isang taon. Ang hirap, lalo na sa mga tulad ko na may matinding ­anxiety. Ang daming kinatatakutan at naaapektuhan kami kapag may nababasa kami na mga negatibong isyu hinggil sa pagkamatay ng ibang tao dahil sa COVID-19. May mga artikulo na rin ang nagsasabi na isa sa bawat 3 nagpositibo sa COVID-19 ang nakakaranas ng brain o psychiatric disorder sa loob ng anim…

Read More

CURFEW VIOLATOR SA PARUSA NAMATAY, HINDI SA COVID?

UNA po sa lahat, nakikiramay ang PUNA sa pagkamatay ng isang lalaking nahuli ng mga awtoridad dahil sa paglabag sa curfew sa Gen. Trias, Cavite ilang araw na ang nakalipas. Nakita natin sa post ng isang nagngangalang Adrian Lucena sa kanyang Facebook account na may namatay na lalaki dahil sa parusa sa kanya matapos mahuli sa paglabag sa curfew ng mga pulis sa nabanggit na lugar. Simula kasi nang tumaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa ay muling ini-lockdown ang tinatawag na National Capital Region (NCR) bubble plus kasama ang…

Read More