PUNA Ni JOEL AMONGO MATAGAL na ang korapsyon sa bidding sa mga government project subalit hindi lang ito nabibigyan ng pansin dahil marami ang nakikinabang dito. Tinutukoy po natin ay ang mga proyekto na nasa ilalim Local Government Units (LGUs) at iba pang opisina ng gobyerno. Halimbawa sa LGUs kahit na may Bids and Awards Committee (BAC) ay wala ring silbi dahil kung sino ang malapit kina mayor at governor ay yun ang nabibigyan ng proyekto. “If the price is right ika nga, na ibig sabihin kung maganda ang offer…
Read MoreCategory: OPINYON
SA KASO NG MORE POWER VS PECO, KAPAKANAN NG ILONGGOS ANG UNAHIN NG SC
BADILLA NGAYON Ni NELSON BADILLA KAPAG elektrisidad ang pinag-usapan, walang dudang mahalaga, makabuluhan at palaging una ang interes at kapakanan ng mamamayan. Kaya, hindi natin masisisi kung ang 65,000 power consumers sa Lungsod ng Iloilo ay nanawagan sa Korte Suprema na unahin at pagpahalagahan ang kanilang interes at kapakanan kaugnay sa kaso ng More Electric and Power Corporation (More Power) at Panay Electric Company (Peco). Nabatid natin ang pananaw ni Halley Alcarde, general manager ng Western Visayas Transport Cooperative (WVTC), na bagamat anim na buwan pa lamang ang More…
Read MorePASAWAY NA CABINET OFFICIAL
DPA Ni BERNARD TAGUINOD ANG alam ko, September 2017 huling blind item ko dun sa dati kong pinagsusulatan (old management) kaya medyo namiss ko ang mang-asar sa mga pasaway na public servant sa kanilang backstage activities. Pero may nasagap akong katarantaduhan na ginawa sa frontliners ng isang sikat na public servant na bahagi ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang public hospital sa Quezon City na parang ayaw kong palampasin. Eto basahin nyo at kayo ang humusga kung tama ba ang kanyang ginawa: Sino itong government official na…
Read MoreIPINAKITA NI ROGER CASUGAY SA MUNDO KUNG ANONG KLASE AND MGA PILIPINO
SALA SA INIT, SALA SA LAMIG Ni EDDIE ALINEA WALONG buwan na ang nakalilipas nang ipakita ng surfer na si Roger Casugay sa buong mundo kung anong klaseng nilalang ang mga Pilipino. Hanggang ngayon ay nasa kaisipan pa ng lahat ang kanyang kapuri-puring ginawa. Nagwagi ng gintong medalya si Casugay sa surfing longboard event noong 2019 Southeast Asian Games na ginanap dito sa bansa. Subalit mas tumatak sa buong komunidad ng sports ang kanyang kabayanihan, nang iligtas niya sa pagkalunod ang isa sa kanyang mga nakalaban. Nangunguna noon si…
Read MoreMALASAKIT AT PAGTUTULUNGAN PARA MAKABANGON MULI
SA GANANG AKIN Ni JOE ZALDARRIAGA NABIGLA ang karamihan sa desisyon ng Department of Education (DepEd) na isuspinde muna ang pagbubukas ng bagong school year para sa 2020-2021. Nag-anunsyo ang DepEd na i-urong sa Oktubre 5 ang unang araw ng klase mula sa orihinal na Agosto 24. Katulad ko, karamihan ang nag-akala na nabigyan na ng sapat na oras ang DepEd para maghanda sa tinatawag na “blended learning”. Ngunit nang muli kong pinag-isipan ang sitwasyon ng DepEd, at inilagay ko ang sarili ko sa sitwasyon nila, aking napagtanto na…
Read MoreOWWA TULONG PUSO, PINAGHAHANDAAN NA NG MGA GRUPO NG OFW
AKO OFW Ni CHIE LEAGUE UMANDAP ISINAGAWA nitong Biyernes sa pamamagitan ng Zoom webinar ang kauna-unahang pagtalakay sa bagong programang pangkabuhayan ng Overseas Workers Welfare Administration(OWWA). Mga pinuno ng samahan ng OFW at mga overseas Filipino workers (OFWs) mula sa iba’t-ibang bansa ang dumalo at matamang nakinig sa presentasyon ni OWWA National Reintegration Center for OFW (NRCO) Director Roel Martin. Matapos ang nasabing webinar, ay sobrang na-excite at kanya-kanyang pagpa-plano na ang mga OFWs. Ang Tulong Puso na may kabuuang pangalan na Tulong Pangkabuhayan sa Pag-unlad ng Samahang OFWs…
Read MoreIGALANG NG PECO ANG BATAS
BADILLA NGAYON Ni NELSON BADILLA WALANG organisasyon, negosyo at kahit sinong personalidad sa bansa ang “exempted” sa pagsunod sa batas ng bansa at proseso sa labanang legal, sapagkat tayong mga Filipino ay nagpapasya at kumikilos alinsunod sa tinatawag ng mga abogado na “rule of law”. Matatawag na kriminal, o pusakal, ang lumabag sa batas at sa labanang legal. Kahit sari-sari store ay kailangang magpasakop sa batas. Nagkakaintindian ba tayo? Sa ganitong sitwasyon, palagay ko, hindi masama kung nagpayo ang More Electric and Power Corp. (More Power) sa Panay Electric Company…
Read MoreETO NA NAMAN ANG CHINA
DPA Ni BERNARD TAGUINOD HINDI lang ang komunistang gobyerno ni Chinese President Xi Jinping, ang nangbababoy sa lahing kayumangi o sa lahing Filipino, kundi maging ang kanilang mamamayan na nagnenegosyo sa ating bansa. Tulad na lamang itong mga nasa likod ng beauty products na gawang China na ang nakatalang address ay 1st Flr.. 707 Sto. Cristo St., San Nicolas, Manila Province. P.R. China”. Hindi lang direktang pambababoy sa mga Filipino ang gumawa ng produktong ito, kundi direktang pag-aangkin na sa Pilipinas, ang ating bansa na ipinaglaban ng mga ninuno…
Read MoreTULOY, TRAINING NI EUMIR MARCIAL AT MGA KASAMA
SALA SA INIT, SALA SA LAMIG Ni EDDIE ALINEA GAYA ng kantang “Like Old Man River,” ang Pilipino Olympic qualifier sa boksing na si Eumir Marcial ay “rolling”, sa wakas! Matatandaan na makaraan ang ilang buwan mula nang siya’y makapasok sa Tokyo Games na gaganapin sana sa taong ito pero ipinagpaliban sa 2021, ang 24-anyos na middleweight ay humiling na makapag-ensayo para maisakatuparan ang hangad niyang mabigyan ang Pilipinas ng kauna-unahang Olympic gold medal. Unang lumahok ang bansa sa Olimpiyada noong 1924 nang ipadala natin sa Paris ang…
Read More