ILOILO CITY ‘NAKALAYA’ NA MULA SA PECO

BADILLA NGAYON Ni NELSON BADILLA     TAPOS na ang malili­gayang araw ng Panay Electric Company (PECO) dahil tapos na ang operasyon nito sa Iloilo City. Ibig sabihin, ‘nakalaya’ na ang mga negosyante at residente ng lungsod mula sa operasyon ng PECO. Ito ang sinapit na kapalaran ng PECO dahil walang ­matibay na tuntu­ngan at ­bata­yan ang apela ng ­kumpanyang ito sa ­Energy Regulatory Commission (ERC) na maibalik ang Certificate of Convenience and Necessity (CPCN) nito dahil wala itong kapangyarihang legal upang isagawa ito. Wala na ring batayan upang payagang…

Read More

IATF LUMAMBOT SA USAPIN NG MOTORCYCLE BARRIER?

PUNA Ni JOEL AMONGO     AYAW mangyari ng PUNA na mawalan ng tiwala ang taumbayan sa ilang opisyal ng Inter-Agency Task Force (IATF) dahil mahalaga ang kanilang ginagampanan ngayong may pandemya. Kaya lang wala tayong magagawa dahil may napansin ang netizens lalo na ang riders community sa pilit na ipinatutupad na paglalagay ng barrier sa mga motorsiklong single. Maraming naka- PUNA sa patakarang ito na hindi pinag-aralang mabuti bago ipatupad ng IATF. Dahilan ng mga opisyal na kaya nila inirekomenda ang paglalagay ng barrier para iwasan daw ang hawaan…

Read More

PECO NAPAHIYA SA BMW ISKANDAL

BADILLA NGAYON Ni NELSON BADILLA   KAHIT magagaling na mga abogado, maaaring ito pa ang magpahamak sa kanilang kliyente sa isang nakakahiyang iskandalo. Kaya, mag-ingat po sa mga abogado. Nabanggit ko ito at ipinapayo ko na rin sa inyong lahat dahil napansin kong nababaon nang husto ang Panay Electric Company (PECO) sa nakakahiyang iskandalo. Ang mga paliwanag kasi ng mga abogado ng PECO ay ‘nanganak’ lang ng mas ­maraming katanungan kaysa solusyon sa problema ng nasabing kumpanya. Kaya, hindi masama kung sasabihin nating nabaon nang husto ang PECO sa iskandalong…

Read More

BUHAY O KABUHAYAN?

PUNA Ni JOEL AMONGO   DALAWA lang ang pwedeng pagpilian ng gobyerno para sa kanilang desisyon na pagbabalik ng Metro Manila at katabing mga lalawigan sa general community quarantine (GCQ). Agosto 19, 2020 nagsimula ang GCQ hanggang Agosto 31, 2020 at maaari pa itong magbago depende sa lagay ng COVID-19 sa katapusan ng nasabing buwan. Bagama’t nais ng ilang alkalde na palawigin pa ang umiiral na modefied enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila ay hindi sumang-ayon ang mga eksperto sa pagnenegosyo dahil babagsak na ang ekonomiya ng bansa. Sabi…

Read More

BAHA PA RIN

DPA Ni BERNARD TAGUINOD KUNG mayroong nakaligtaan (ata) sa panahon ng pandemya ay ang paglilinis sa mga kanal at estero kaya bukod sa COVID-19 ay asahan na natin ang isa pang problema ngayong papasok na ang “ber’ month… ang baha. Nitong mga nakaraang mga araw, naobserbahan ko na hindi pa rin talaga nasosolusyunan ang problema sa baha sa Metro Manila dahil konting ulan lang ay lumalangoy sa tubig ulan ang mga sasakyan sa ilang lansangan. Hindi pa dumarating ang mga malalakas na ulan sa Metro Manila. Sa mga probinsya pa lamang…

Read More

RE-ORGANISASYON SA PHILHEALTH DAPAT LANG

PRO HAC VICE Ni BERT MOZO BAGO pa mahuli ang lahat at malusaw ang pondo ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ay kailangan na talagang magkaroon ito ng reorganisasyon lalo na ang pamununuan ng naturang ahensiya. At para naman sa mga opisyal ng PhilHealth na hindi sangkot sa mafia subalit may alam sa mga nangyayaring katiwalian at kayo ay sukang suka na sa ginagawa ng inyong mga kasamahan aba’y magsalita na po kayo laban sa mga tiwaling opisyal ninyo. Nakahanda naman po ang Task Force PhilHealth na bigyan kayo ng…

Read More

P10-B AYUDA SA TOURIST FIRMS, MAS OKaY KAY PUYAT

BADILLA NGAYON Ni NELSON BADILLA   PULPOL kang mag-isip kung hindi ka naniniwalang lugmok ang industriya ng turismo ng ating bansa. Ang problema, hindi makatutulong ang ideya ni Tourism Secretary Berna Romulo Puyat upang ibangon ang industriya. Ito’y dahil mas pinaboran na ngayon ni Puyat ang pananaw ni Tourism Congress of the Philippines (TCP) president Jose Clemente III na bigyan ng direktang ayuda, o “dole out,” ang mga pribadong kumpanya sa industriya ng turismo, samantalang tahasang labag ito sa batas. Ang Senado ay naglagay ng P10 bilyon sa panukalang ­Bayanihan…

Read More

NURSES NAGHIHINAGPIS AT NAGTATAMPO NA SA IATF

AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP TUMULO ang luha ng maraming pinuno ng mga OFW organizations sa ginanap na Zoom meeting na pinangunahan ng aking kaibigan na si Gemma Sotto ng United Filipino Global (UFG) matapos na magsalita si April Glory na kumakatawan sa mga OFW nurses. Ang Zoom meeting ay dinaluhan ni Department of Labor and Employment (DOLE) ­Secretary Bebot Bello, International Labor Affairs Bureau (ILAB) Director Alice Visperas at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) OIC Deputy Administrator Rossane Catapang. Simula pa lamang  ng pagsasalita ni April Glory  ay sadyang…

Read More

TENANTS SA NCR NAGPASAKLOLO NA KAY PANGULONG DUTERTE

PUNA Ni JOEL AMONGO   DINAGSA ng sumbong ang PUNA sa pamamagitan ng ating email mula sa mga nangungupahan sa National Capital Region (NCR). Iisa ang kanilang sumbong pinaaalis sila ng may-ari ng kanilang mga tinitirahan dahil hindi na sila makabayad ng kanilang mga buwanang renta dahil sa kawalan nila ng kita (income). Simula kasi buwan ng Marso hanggang ngayong Agosto 2020 ay hindi na normal ang pamumuhay ng mga Pinoy dahil sa dulot na pandemic ng Covid-19. March 16, 2020 nagbaba ng memorandum ang Executive Secretary na nagdedeklara na…

Read More