PERA NG INVESTORS NI JOEL APOLINARIO, MABAWI PA KAYA?

PUNA Ni JOEL AMONGO   MARAMI ang nagtatanong sa PUNA kung mababawi daw pa kaya nila ang kanilang ini-invest na pera kay KAPA Founder Pastor Joel Apolinario. Naaresto kasi sina Joel Apolinario at asawa nitong si Reyna noong July 21, 2020 sa isang isla sa Lingig, Surigao del Sur na pag-aari umano ng isang mayor. Kumasa pa ang private armies ni Apolinario sa mga awtoridad kaya may nalagas sa kanyang mga tauhan na n­akipagpalitan ng putok sa tropa ng pamahalaan. Akala siguro ni Tukayo na uubra sila sa puwersa ng…

Read More

DOBLEHIN ANG PENSYON NG SENIOR CITIZENS

FORWARD NOW Ni REP FIDEL NOGRALES   DAPAT bigyan ng buong suporta ang isang panukalang batas na layuning madagdagan ang buwanang pensiyon ng mga senior citizen mula sa P500 patungo sa P1,000. Ang ating mga senior citizens ay nangangailangan ng iba’t ibang tulong lalo na ngayong may pandemya. Malaking tulong kung madadagdagan natin ang buwanang pensiyon nila na sa kasalukuyan ay kakarampot lang. Nararapat lamang na itulak ang panukala ni Rep. Rufus Rodriguez, na may-akda ng House Bill No. 7266 na naglalayong baguhin o repasuhin ang Expanded Senior Citizens Act of 2010 (R.A.…

Read More

MAPATUNAYAN KAYANG SILA AY KORAP?

BADILLA NGAYON Ni NELSON BADILLA   NAITANONG ko ito dahil marami nang isinagawang imbestigasyon ang Senado na katiwalian at korapsyon laban sa mga opisyal ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, ngunit kapag inimbestigahan at sinampahan ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ay nananalo ang mga opisyal na sinampahan ng kasong korapsyon, o pandarambong. Napapatunayan ng Sandiganbayan na inosente ang mga opisyal ng pamahalaan sa korapsyon, o panradambong dahil kapos ang ebidensiya laban sa kanila. Wala raw nakitang katibayan na magpapatunay na direktang lumahok ang mga opisyal ng pamahalaan sa naganap…

Read More

RUSSIA MAY BAKUNA NA SA COVID-19?

KUNG totoo ngang may bakuna na ang bansang Russia ay malaking pagpapala po ito mula sa Panginoon dahil makakahinga na ang buong mundo sa dulot na pahirap ng COVID-19. Nangako raw si Russian President Vladimir Putin na isa ang Pilipinas sa kanilang susuplayan ng bakuna sa COVID-19. Yan ay dahil sa magandang reputasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Presidente ng Russia. Siguradong may gagawa na naman ng intriga laban kay Pangulong Duterte dahil lalong babango siya sa mga or dinaryong tao. Sa halip na gumawa kayo ng intriga laban kay…

Read More

MATIRA MATIBAY

AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP   DAMANG-DAMA mo ang hirap at kalungkutan sa puso ni Presidente Rodrigo Roa Duterte sa kanyang pagharap sa mamayang Pilipino sa pinakahuli niyang pagsasalita sa publiko sa pamamagitan ng telebisyon. Hindi talaga isang biro ang krisis na kinakaharap hindi lamang ng ating bansa kundi ng buong mundo. Dangan nga lamang na hindi maaring tularan ni Pangulong Duterte si Pastor Quiboloy na pwedeng sabihin na lamang na “covid stop!” para lamang mahinto na ang sakit at pagkamatay ng maraming Pilipino na dulot ng COVID-19. Sinabi nga ni…

Read More

MGA PHILHEALTH OFFICIAL MAG-ON LEAVE NA!!!

“KUNG talagang walang itinatagong lihim ay maari na silang mabakasyon”. “They know who they are. If they are not hiding anything, they can take a leave of absence to enable the investigators/auditors to freely complete their inquiry or examination.” Iyan mismo ang naging pananaw ni Departement of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na siyang dapat gawin ng mga opisyal ng Philippine Health Insurance Company o PhilHealth na sinasabing sangkot sa anomalya ng paglustay sa pondo ng ahensiya. Siguro naman, kung walang usok walang apoy! Kaya kayong mga nakaka-alam na may…

Read More

ILLEGAL ONLINE SABONG SA MAYNILA, NAMAMAYAGPAG

BADILLA NGAYON Ni NELSON BADILLA NAGHIGPIT ang mga alkalde sa National Capital Region (NCR) nang ipatupad ang modified enhanced community quarantine (MECQ) nitong Agosto 4. Ipinagbawal na ang mga maliliit na negosyo tulad ng parlor, barbershop, hardware at iba pang hindi importante ang produkto at serbisyong alok sa publiko. Kahit sugal ay bawal habang umiiral ang MECQ. Ngunit, kahit umiiral ang MECQ ay patuloy ang operasyon ng “online sabong” na nakabase sa Maynila. Patuloy ang online sabong na ito kahit “ilegal”. Ilegal ang online sabong na ito dahil wala itong…

Read More

MANDATORY SA FACE SHIELD, BARRIER PINUNA NI SEN. IMEE

PUNA Ni JOEL AMONGO   ISANG daan at isang porsyentong (101%) tama ang obserbasyon ni Senator Imee Marcos sa pagpapatupad ng sapilitan (mandatory) sa paggamit ng face shield ng tao at barrier sa single motorcycle. Sa sinabi ni Madam Imee sa kanyang post sa social media ay maraming sumang-ayon na netizens na hindi tama ang ginagawa ng mga nagsusulong ng sapilitang paggamit ng face shield at barrier sa motorsiklong single. Narito ang kanyang post, “Dagdag pahirap ito sa ating mga kababayan. Imbes na pambili ng noodles, mapupunta pa sa face…

Read More

HUWAG HAYAANG ISAHAN TAYO ULIT NG CHINA

DPA Ni BERNARD TAGUINOD MATAGAL na tayong iniisahan ng China at huwag na huwag nating hayaan na isahan muli tayo ng bansang ito dahil kung magpapauto tayo sa kanila lalo tayong paglalaruan at magiging kahiya-hiya tayo sa mundo. Una tayong naisahan ng China noong magkaroon ng Joint Maritime Seismic Understanding (JMSU) noong 2005 kung saan naisahan nila tayo dahil sinolo nila ang resulta ng pag-aaral kung saan matatagpuan sa West Philippine Sea ang mga naturang resources lalo na ang langis. May mga nag-leak na impormasyon na ang dami ng langis sa Dubai…

Read More