GASTOS SA PAGPAPAUWI NG BANGKAY NG OFW MULA SAUDI, SAGOT NG OWWA?

LUMABAS ang balita na nagpahayag si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ­Administrator Hans Leo Cacdac na tutustusan nito ang pagpapauwi ng halos 350 bangkay ng mga OFW na namatay sa Saudi Arabia. Sa susunod na linggo ay inaasahan ang ­pagdating ng mga bangkay ng mga OFW na namatay sa ibat-ibang kadahilanan gaya ng aksidente, nagpatiwakal, krimen, karamdaman at pati na rin ang mga namatay sa ­COVID-19 virus. Maraming mga OFW leaders mula sa iba’t-ibang bansa at sa Pilipinas ang agad na nagpadala ng inbox messages sa akin upang itanong ang…

Read More

“DAPAT MANGUTANG SI DUTERTE” – DRILON

KAPAG inalam kung anu-ano na ang mga nakamit at napatunayan ni Senador Franklin Drilon sa buhay ay pihadong hahanga ka sa iyong madidiskubre. Baka nga biglang pumasok sa isipan mong ipagpatayo ng monumento si Drilon sa harapan ng iyong bahay. Hindi lang beteranong senador si Drilon, kundi naging Presidente din siya ng Senado noong taong 2000, 2001 hanggang 2006 at 2013 hanggang 2016. Pambihira ang ganitong rekord ng isang senador. Bago maging mambabatas si Drilon, naging kalihim ito ng Department of Labor and Employment (DOLE) mula 1987 hanggang 1990 kahit…

Read More

PAGBUBUKAS NG KLASE HUWAG SANA MAGING TRIAL & ERROR

SANA hindi maging trial and error ang pagbubukas ng klase sa Agusto 24, 2020 sa buong bansa. Nagaalala kasi ang mga magulang hindi lang sa gastusin kundi maging sa kaligtasan ng kanilang mga anak. Kung online classes ang gagawin ay naga-alala sila dahil hindi nila alam kung saan kukuha ng pambili ng mga gadget. Bago maisagawa ang online classes ay kailangan munang makabili ng android cell phone, laptop o tablet. Kung sa face-to-face classes naman malalagay sa alanganin ang buhay ng mga mag-aaral dahil posibleng magkahawahan sila sa COVID-19. Kaya…

Read More

MGA BETERANONG MAGNANAKAW SA DOH

MASYADONG matunog ang pangalan ni Health Secretary Francisco Duque III habang sinusugpo ng administrasyong Duterte ang coronavirus disease 2019 o COVID-19. Kaso, matunog ang kaniyang pangalan dahil sa ko rapsyon at kapalpakan at hindi sa husay na makontrol ang pagdami ng bilang ng mga nabibiktima ng sakit. Nito lamang Hunyo 25 ay umabot na sa 33, 069 ang kabuuang bilang ng mga Filipino na nagakroon ng COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH). Sa bilang na ito, umabot na sa 1,212 ang mga namatay. Mahalaga ang personnel protective equipment (PPE)…

Read More

PULUBI DADAMI

DADAMI ang pulubi sa lansangan sa sandaling magkaroon na ng bakuna sa China made virus na COVID-19 at alisin na ang community quarantine sa Metro Manila at mga mauunlad na lungsod sa bansa. Teka, itong made in China na COVID-19 ang hindi peke kaya matindi ang naging epekto nito sa buong mundo. Hindi tulad ng mga gadgets at kagamitan na gawa rin sa nabanggit na bansa pero kadalasan ay peke kaya hindi nagtatagal. Ngayon pa lamang, marami ng jeepney drivers ang namamalimos sa mga lansangan dahil hindi na sila makapamasada.…

Read More

CHINESE COMPANY NA SUBCONTRACTOR NG MWCI PALPAK DAW GUMAWA?

BARA-BARA daw ang gawa o trabaho ng isang Chinese Company na sub-contractor ng Manila Water Company Inc. (MWCI) para sa sewerage system ng concessionaire ng gobyerno sa tubig sa Eastern part ng Metro Manila. Nakuha ng MWCI bilang concessionaire ay ang Mandaluyong, Marikina, Pasig, Pateros, San Juan, Taguig, Makati at ilang parte ng Quezon City at Maynila. Sakop din nila sa kanilang serbisyo ay ang lungsod ng Antipolo at ibang bayan sa probinsiya ng Rizal gaya ng Angono, Baras, Binangonan, Cainta, Cardona, Jala-Jala, Morong, Pililia, Rodriguez, Tanay, Taytay at San…

Read More

OWWA MABA-BANKRUPT KUNG WALANG SUPORTA SA GOBYERNO AT OFW

MABA-BANGKAROTE na ba ang Overseas Workers Welfare Administration? SA pagdinig ng Senate Committe on Labor Employment and Human Resource Development, sinabi ni OWWA Administrator Hans Cacdac na posibleng maubos ang pondo ng OWWA kung patuloy ang pagbuhos ng mga OFW na ire-re patriate o pauuwiin dahil sa epekto ng COVID 19. Maari kasing umabot sa halos 4.5 bilyong piso ang kailangan na gastusin sa pagpapauwi ng mga OFW kasama na rin ang mga gagastusin para ipambayad sa mga hotel na ginagamit na quarantine facilities. Dagdag pa ang pagkain at transportasyon…

Read More

NAPAKATALAMAK NG MGA ILEGAL NA KLINIKA SA PARAÑAQUE

HABANG aking i­naabangan kung kailan sisimulan ng Senado ang imbestigasyon sa nagsulputang mga ilegal na klinika o medical center na pag-aari ng mga Chinese national na narito sa bansa, mayroon na namang panibagong nadiskubre sa Lungsod ng Parañaque. Ayon sa Parañaque PNP, ang nilusob nilang establisimiyento nitong ­Hunyo 20 ay nakapuwesto sa i­katlong palapag ng Morgana Building sa Multinational Avenue. Nakumpiska ng mga pulis ang sterile dextrose, stethoscopes, personal protective equipment, 64 boxes na naglalaman ng mga gamot para sa ubo, trangkaso, coronavirus ­disease 2019 (COVID-19) at iba pang gamot…

Read More

MISCELLANEOUS AND OTHER FEES WALA NA SA KATUWIRAN

WALA na sa katuwiran ang mga private school na maningil ng miscellaneous at other fees sa mga estudyante lalo na’t hindi gagamitin ang kanilang mga pasilidad dahil idadaan naman sa electronic ang pagtuturo sa mga bata ngayong panahon ng pandemya. Maaaring ang mga estudyante sa mga private school ay anak ng mga may kaya sa buhay pero hindi pa rin makatarungan na singilin sila ng miscellaneous at other fees na mas malaki pa kumpara sa tuition fee na hindi naman talaga kailangan. Sa loob ng kani-kanilang bahay magsisipag-aral ang mga…

Read More