APAT na pulis, kabilang ang kanilang sub-station commander, ang inalis sa kanilang puwesto matapos mabigo sa pag-aresto sa isang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga sa Lower Bicutan, Taguig City.
Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief PCol. Allen Rae Co na rumesponde ang mga pulis sa ulat hinggil sa umano’y paggamit ng marijuana sa lugar.
Gayunman, hindi umano naaresto ng mga pulis ang suspek dahil sa pangambang kuyugin sila ng mga residente at mauwi sa kaguluhan ang insidente.
Dahil dito, nakatakas ang suspek at nabigo ang mga pulis na maisagawa ang kanilang tungkulin.
Ayon kay Co, bahagi ng imbestigasyon sa pananagutan ng mga pulis ang kanilang pagkakaalis sa puwesto.
(TOTO NABAJA)
113 