KASABIHAN na ng matatanda na ang lahat ng bagay ay mayroong katapusan. Kahit ang sinulid, pagkahaba-haba man ay may dulo pa rin. Isang kasabihan na tamang-tama sa kaso ng Maguindanao Massacre. Kahit sino ay nainip sa haba ng panahong ginugol, isang dekada, pero sabi nga sa English, worth waiting for dahil sa wakas, nakamit na ng mga biktima ng Maguindanao Massacre ang katarungan. Pero kahit nahatulan na ang mga salarin, hindi pa rin mawawala ang sakit na naramdaman noon ng mga kaanak ng mga biktimang nadamay lang dahil sa kagahaman…
Read MoreCategory: OPINYON
RASYON SYSTEM IBALIK SA MGA PIITAN
Maaaring nararapat nang ibalik ang rasyon system sa mga piitan sa buong kapuluan upang mawala na ang umano’y korapsyon sa ginagawang catering system kung saan nakukopo lamang umano ng napapaborang bidder ang mga kontrata. Sandamakmak ang natatanggap nating mga reklamo mula rin sa mga kamag-anakan ng mga nakapiit sa ating mga penal colony sa bansa. Anila, ni hindi naman talaga makain din ang mga pagkaing isinusuplay sa kanila ng pinaborang caterer. Sa isang email naman, nakatanggap ako ng statement mula sa isang non-government organization na kumukondena sa umano’y korapsyon diyan sa Bureau of Corrections (BuCor). Heto…
Read MoreJUSTIIS (JUSTICE DELAYED; JUSTICE DENIED)
PANAHON na para mag-isip ang mga mambabatas sa bayan ni Juan dela Cruz kung paano mareresolba ang kalakaran sa mga korte kung bakit ang tagal ng mga kaso bago nadedesisyunan. Maraming mga kaso ang nilulumot sa tagal sa mga korte at marami rin sa kanila ay kinamatayan na lang ng mga akusado. Isa na po rito ang kaso ng Ampatuan Massacre na inabot ng 10 taon na kinamatayan ng pangunahing akusadong si Andal Ampatuan Sr. habang siya ay nasa Kidney Hospital siya sa Quezon City. Maraming miyembro ng Ampatuan family…
Read MoreMGA KONGRESISTANG HILIG MAGSINGIT
BAGO ipasa ng Bicameral Conference Committee (Bicam) ng Kongreso ang P4.1 trilyong hinihinging badyet ng pambansang pamahalaan para 2020, nabunyag sa publiko na nagsingit pa ang ilang kongresistang kinatawan sa Bicam ng P83.219 bilyong halaga ng mga proyekto. Bago ipasa ng Senado ang P4.1 trilyong badyet, wala ang P83.219 bilyong halaga ng mga proyekto, pagsisiwalat ni Senador Panfilo Lacson. Ngunit, nang makarating at pirmahan na ng mga senador at kongresista na bahagi ng Bicam, pasok na ang P83.219 bilyon, banggit ni Lacson. Hindi siya lumagda. Ayon pa sa kanya, ang…
Read MorePAGBABALIK SA WIKANG INGLES BILANG MEDIUM OF INSTRUCTION
Pinaiimbestigahan na sa Kamara ang nakababahalang pangungulelat ng Pilipinas sa pinakahuling assessment na isinagawa ng Organization for Economic Cooperation and Development patungkol sa reading comprehension o pag-intindi sa binabasa ng mga mag-aaral sa 79 na bansa. Si Cavite Rep. Elpidio Barzaga ang naghain ng House Resolution 626 para sa pormal na imbestigasyon na isasagawa ng House Committee on Basic Education and Culture at Committee on Higher and Technical Education para alamin kung anong mga hakbang ang dapat gawin para masolusyunan ang problema sa reading comprehension ng mga Filipinong mag-aaral. Pinakamababa sa 79 bansa ang nakuhang…
Read MoreTULOY ANG KASONG KRIMINAL NI SEN. LITO LAPID
ISA na muling kagalang-galang na senador ang artistang si Manuel “Lito” Lapid matapos manalo sa eleksyon noong Mayo ng kasalukuyang taon. Ngunit, kahit senador na ay muling nabuhay at tuloy ang kasong kriminal ni Lapid na kinasangkutan niya noong gobernador pa siya ng Pampanga. Ilang araw na ang nakalilipas, inilabas ng Korte Suprema ang desisyon nito hinggil sa kasong korapsyong kinasangkutan ni Lito Lapid tungkol sa P4.761 milyong pataba. Binaliktad ng ikalawang dibisyon ng Korte Suprema ang pasya ng Sandiganbayan tatlong taon nang nakalilipas. Pinawalang-sala ng Sandiganbayan si Lito kung saan ipinasya nitong masyado nang naantala ang kaso. Kasalanan…
Read MorePAO SASANDAL NA LANG KAY PANGULONG DUTERTE
DAHIL sa pagtapyas ng Senado sa kanilang pondo ay sasandig na lamang ang Public Attorneys Office (PAO) sa kapangyarihan ng Pagulong Rodrigo Roa-Duterte na i-veto ang 2020 budget para ‘di na makaltasan ang proposed budget ng PAO sa 2020. Ayon kay PAO chief Persida Rueda-Acosta, naghain na sila ng 7 pahinang liham kay Pangulong Duterte na i-veto ang special provision sa General Appropriations Bill na naglilimita sa paggamit ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng PAO at operating expenses ng Forensic Laboratory nito. Binigyan-diin sa liham ni Acosta ang kahalagahan ng kanilang Forensic Laboratory para matulungan ang milyun-milyong mahihirap nating kababayan na mapagkakaitan umano ng tulong sakaling maisakatuparan ang…
Read MoreANG KATAPATAN SA DIYOS
MALALAMAN ng bawat tao kung ano talaga siya kapag siya ay nag-iisa. Ang pinaka-tunay na sarili ay masusumpungan sa pagkakataon ng pag-iisa. Nakikita ng Panginoon ang lahat, ang lakas at kahinaan ng bawat tao. Walang maitatago. Ang pinakamagaling man na magsinungaling ay hindi makapagtatago sa langit. May katapat ang lahat ‘ika nga. “Ang nabubuhay sa tabak ay mamamatay sa tabak,” wika ni Hesus. Sino nga ba ang makapagtatago ng kanyang krimen? Wala. Nakatutok ang mga mata ng langit sa bawat nilalang, walang detalye na nakakawala. Maging ang mga nagpapanggap na…
Read MoreDAGDAG PROBLEMA SA LANSANGAN
Huwag na tayong magtaka na sumisikip talaga ang mga kalsada sa Metro Manila dahil hindi naman nadadagdagan ang mga kalsada pero parami nang parami ang mga sasakyan. Ilang milyong sasakyan ba ang naidadagdag sa mga kalsada sa Metro Manila taun-taon? Pero nadadagdagan ba ang mga kalsada? Hindi naman ‘di ba? Kaya kahit anong gawin ng gobyerno para mapaluwag ang mga kalsada sa trapiko ay wala pa ring mangyayari. Tingin ko, wala ring silbi ang color coding na ipinatutupad ng Metro Manila Development Authority dahil maraming sasakyan pa rin ang walang plaka at tanging conduction sticker ang pagkakakilanlan sa kanilang mga oto. Marami pa ring sasakyan na…
Read More