MAY paglalagyan ngayon ang mga rebeldeng/teroristang New People’s Army (NPA) na may kagagawan ng pananambang sa mga pulis na pati sibilyan ay nadamay sa Brgy. Libuton sa bulubunduking area ng Brgy. Libuton, Borongan City noong “Friday the 13th”. Nagngingitngit sa galit ang Waraynon sa ginawa ng kanilang mga kamag-anak ng grupong kaaway ng gobyerno na itinuturing na teroristang NPA. Ang mga taga-Eastern Samar ay tanyag na matatapang dahil sa nangyaring giyera ng Waraynon vs Americans noong panahon ng mga Amerikano. Hindi nagtagumpay ang mga baril at machine gun ng mga…
Read MoreCategory: OPINYON
PANGUNGULELAT NG MGA PINOY SA READING, MATH AT SCIENCE
Nakababahala ang pangungulelat ng Pilipinas sa pinakahuling assessment na isinagawa ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD) patungkol sa reading comprehension o pag-intindi sa binabasa ng mga mag-aaral sa 79 na bansa. Pinakamababa sa 79 bansa ang nakuhang marka ng may 600,000 Filipinong mag-aaral na may edad 15 mula sa 79 na bansa na sumailalim sa pagsusulit ng Programme for International Student Assessment (PISA) noong 2018. Ito ang unang pagkakataon na lumahok ang Pilipinas sa PISA survey. Karamihan sa mga mag-aaral na nasa edad 15 sa Pilipinas ay nasa Grade 9. Nakakuha ng pinakamataas na marka ang mga mag-aaral mula Beijing, Shanghai, Jiangsu…
Read MorePANUKALANG LAGUNA LAKE FERRY NETWORK INILAPIT NATIN SA DOTR
Nakipag-ugnayan tayo kamakailan kay Transport Secretary Arthur Tugade upang talakayin ang ating panukalang magkaroon ng Laguna Lake Ferry Network mula Jala-Jala at Cardona papuntang Guadalupe Station sa Makati. Isa ito sa mga naisip natin na solusyon upang mabawasan ang matinding trapiko sa Maynila at gamitin ang lawa ng Laguna upang mas mapabilis ang biyahe papunta sa Maynila at pabalik sa Rizal. Maraming benepisyo at pabor ito sa ating mga kababayan sa lalawigan ng Rizal upang mapabilis ang kanilang pagluwas sa Kamaynilaan gayundin ang kanilang pag-uwi dahil hindi na nila daranasin ang mahabang oras ng…
Read MoreCATHOLIC SCHOOLS DAPAT MAG-SHARE
Nasa higit 24 milyon ang mga estudyante sa bansa na ang mga edad ay nasa lebel ng basic education. Ngunit marami sa kanila ay mga dropout habang higit isang milyon naman ay mga estudyanteng nag-aaral sa mga paaralan na walang kuryente. Nasa halos 6,000 mga paaralan ang mga walang kuryente. Kung makikipagtulungan lamang ang Catholic Schools sa bansa na wala namang binabayarang tax sa mga nagtataasang tuition nila, kahit mga 2,000 mga pampublikong paaralan ay kaya nilang ampunin at sagutin ang kuryente ng mga ito. Ito naman ay mungkahi ko…
Read MorePROTEKSYONG HATID NG CODE VIOLET PROTOCOL
Aking napagtanto ang peligro at ang matinding paghamon na hinaharap ng ating medical practitioners. Bilang ama ng isang bagong doktor, alam ko na marami ang nag-iisip na malayo sa peligro ang mga ito sa kanilang trabaho, ang pasiglahin at pagalingin ang tao. Pero hindi pala ito ang kadalasang nangyayari. Madaming usap-usapan sa internet tungkol sa mga bayolenteng insidente kung saan nabibiktima ang ating medical practitioners. Talamak ito lalo na sa mga nagtatrabaho sa conflict areas. Ang nakakagulat dito ay ang mga karahasang ito ay nangyayari dahil sa nakakadismayang serbisyong nakuha…
Read MoreFRIDAY THE 13TH AMBUSH SA BORONGAN CITY
HINDI katanggap-tanggap sa mga taga-Eastern Samar ang ginawang pag-ambush ng mga rebelde/teroristang New People’s Army (NPA) sa mga kagawad ng Phi-lippine National Police (PNP) sa Borongan City na pati mga sibilyan ay dinamay noong Biyernes. Isang pulis ang patay at 14 na iba pa ang sugatan. Nakilala ang napatay na si Patrolman Mark Jerome Rama, sugatan naman sina Patrolman Capoquian, Patrolman Operario, Patrolman Luterte at Patrolman Sobrepena habang hindi naman nasaktan sina Patrolman Godino at Patrolman Pajanustan. Batay sa natanggap na info ng Puna mula sa mga taga-Eastern Samar naganap ang…
Read MoreDUTERTE SA TAUMBAYAN
Kahit pa kaliwa’t kanan ang batikos na tinatamo ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte, hayan at may impeachment complaint pa nga, ay nananatiling popular at minamahal siya ng taumbayan. Bakit nga ba? Ano ba ang kinaibahan niya sa mga nakaraang mga pangulo ng bansa? Inobserbahan ko nang maigi kung papaano siya magsalita sa entablado. Mariin, mula sa puso ang mga kataga, may gigil para sa pagbabago at may hudyat ng pagsasakripisyo. Ang dating Pangulong Ferdinand Marcos ay matalino, mahaba ring manalumpati, ngunit ang mga salita ay maaa-ring nagbibigay ng pag-asa, kapos…
Read MoreKAILANGAN NG IISANG AHENSYANG MAMAMAHALA SA TUBIG
ALAM nating lahat na napakahalaga ng tubig, sapagkat ginagamit natin ito sa napakaraming bagay, kabilang na ang pagligo, pagdumi at pagsipilyo. Ngunit ang tubig ay nakararating sa bawat bahay sa pamamagitan ng mga kompanya o kooperatibang namamahala sa distribusyon nito. Hindi pag-aari ng mga kompanya at kooperatiba ang tubig, kundi ng estado. Kapag sinabing estado, kasama ang mamamayan. Sa distribusyon ng tubig kumikita ang mga kompanya at kooperatiba. Ang hindi alam ng mga Filipino, napakaraming ahensyang namamahala sa tubig sa buong bansa, ayon kay Senadora Grace Poe. Sa kanyang talumpati…
Read MoreHINDI NAUUBOS ANG DROGA
ANG lalakas ng loob ng ilang kababayan natin na pumasok sa ilegal na droga kahit alam nilang seryoso ang gobyerno sa war on drugs, patunay dito ang halos araw-araw na accomplishment ng mga awtoridad. Palaki na rin nang palaki ang mga nahuhuling droga sa mga suspek na isang patunay na marami pa ring nakakalat na ilegal na droga sa bansa hindi tulad noong simulan ang giyerang ito, pa-sachet sachet lang. Hindi ko alam kung talagang wala lang mahanap na trabaho ang mga taong ito o gustong maging bigtime agad, kaya…
Read More