SAMA-SAMA SA PAGKAKAROON NG SAPAT NA SUPPLY NG KURYENTE

Sa Ganang Akin

KAMAKAILAN lamang ay ginanap ang inagurasyon ng pinakabagong planta ng kuryente ng San Buenaventura Power Limited o SBPL. Ang nasabing planta ng kuryente ay coal-based at may kapasidad na 500 Megawatts (MW). Ang plantang ito ang kauna-unahan at kaisa-isang planta ng kur­yente na gumagamit ng supercritical coal technology sa bansa. Ang inagurasyon ay dinaluhan at pinangunahan mismo ng ating presidenteng si Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Taliwas sa paniniwala ng nakararami na marumi at nakasasama sa kapaligiran ang paggamit ng coal. Ang modernong teknolohiya na gagamitin ng bagong planta ng kuryente…

Read More

SINIPA AT KINALMOT NI MADAM; PHILCANGO WALA PA RIN AKSYON

AKO OFW

MULI na namang hu­mingi ng tulong ang ating kabayani na si Gloria Aguilar dahil sa patuloy na kawalan ng aksyon ng kanyang ahensya na Philcango International Recruitment Services, Inc. Si OFW Aguilar ay nakarating sa Riyadh, Saudi Arabia noong May 13, 2018. Ayon sa sumbong na ipinarating sa pamamagitan ng ating Ako OFW welfare volunteer na si Aiysha Consuelo, si OFW Aguilar ay nakararanas na diumano ng pagmamaltrato at hindi binibigyan ng sapat na pagkain. Halos pangkaraniwan na ang pagsasalita ng mga masasakit na pagmumura ng kanyang employer. Ipinadala rin ni OFW Aguilar ang…

Read More

ANG JEEPNEY BILANG MUKHA NG PINOY

Psychtalk

(Ikatlong bahagi) ANG bilis o bagal ng daloy ng buhay ng mga Pinoy ay pwede ring masalamin ng ating hari ng kalsada – ang jeep. Pero siyempre, ang daloy na ito ay naapektuhan din kahit papaano ng ilang salik gaya ng lugar o konteksto, pati na rin ng panahon. Sa mga mananakay na nasa urban areas, mabilis ang pagdating at pag-alis ng mga jeep sa lansangan. Kaya’t kung babagal sa umaga at ‘di naabutan si manong driver na nakaparada sa kanto, huwag mag-alala at maya-maya ay malamang may darating pang…

Read More

SEGURIDAD SA RIZAL LALONG LUMALALA

BAGWIS

ILANG beses na rin nating binabatikos ang kawalan ng aksyon ng Rizal Provincial Police Office at itong Provincial government ng Rizal sa napakaraming reklamo tungkol sa lumalalang peace and order situation sa buong lalawigan. Partikular dito, sa bandang Antipolo at sa mga bayan na binabagtas ng Marilaque Highway. Halos linggu-linggo ay may nababalitaan tayong mga kababayan na nabibiktima ng mga riding-in-tandem na mga holdaper at snatcher sa may Marilaque at sa bandang Sumulong at Ortigas Extension (Tikling) patungong Antipolo. Personal sa atin ang isyung ito sapagkat marami sa mga biktima ay mga…

Read More

RESTRUCTURING NG NHMFC ‘KUMUNOY’ ANG SISTEMA; LAW FIRM MALA-HITLER!

Misyon Aksyon

MISYON Aksyon, isa po akong OFW at nais ko pong idulog ang aking problema ukol sa housing loan ng aking magulang na kinamatayan niya. Pero ako ang nagpatuloy kaya nag-OFW ako. Sa pamamagitan ninyo bilang isa kayo sa 4th state sa bansa, kapag idinaing sa inyo ay madaling mabibigyan ng aksyon ang anumang problema. Ang isa po palang pabahay, at kapag empleyado sa pribadong sektor ang naroon, ang housing loan sa gobyerno ay “kumunoy” ang sistema. Imbes na matapos, lalong humahaba ang penitensya at kung ‘di mo makayanang hulugan ito…

Read More

MGA AHENSYANG DEADMA SA PANAWAGAN NG OFWs, DAPAT NANG DISIPLINAHIN NG POEA

AKO OFW

Patuloy pa rin ang panawagan ng ating kabayani na itinago natin sa pangalan na “Em-em Pie” sa aking kolum nuong Oktubre 13. Sobrang takot sa bantang puputulan sIya ng daliri at pupunitin ang kanyang pasaporte kaya sIya ay humingi ng saklolo sa Ako OFW at sa kanyang ahensya. Ngunit, makalipas ang isang lingo ay hindi pa rin binibigyan ng aksyon ng Dream Builders Manpower Corp. ang kanyang panawagan na siya ay bigyan ng tulong na makaalis na sa kanyang mapang-abusong employer bagama’t ito ay naiparating na sa kanilang kaalaman. Ipinakiusap…

Read More

AYUDA SA MINDANAO

SA TOTOO LANG

Niyanig ang ilang bahagi ng Mindanao sa lakas na magnitude 6.3 na lindol noong Miyerkoles ng gabi. Ang lakas ay nakapagtala ng pinsala ngunit malaking bagay na may pagtitiyak ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology na walang magaganap na tsunami. Nakapangangambang sa lakas ng lindol ay apat ang naitalang binawian ng buhay, habang 60 naman ang naireport na nasaktan sa Tulunan Cotabato. Sana ay hindi na ito masundan pa ng anomang casualty. Nananalangin ang publiko kasunod ng nangyari. Naroon kasi na may mga gusaling nagiba matapos ang malakas na…

Read More

SEXUAL HARASSMENT SA ATENEO DE MANILA

SIDEBAR

Noong Martes, Oktubre 15, nagmartsa sa loob ng Ateneo de Manila University campus sa Katipunan, Quezon City ang may 500 mag-aaral at ilang propesor ng AdMU para ikondena ang dumaraming kaso ng sexual harassment laban sa mga estudyante. Sa harap ng Horacio De la Costa Hall na nagsisilbing administration office nagsagawa ng programa ang mga Atenista hawak ang placards na may mga panawagang: “Sexual Predators Get Out of Ateneo!” at “Ateneo Admin, Stand with Victims.” Tinawag na “Protest Against Sexual Misconduct and Impunity” ang kilos-protesta at sa mga talumpati ng…

Read More

DAGDAG BAYARIN SA PHILHEALTH, TINUTULAN NG OFWs

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Dagdag-pahirap na naman sa OFWs ang dagdag singil sa PhilHealth na inanunsyo kamakailan. Ayon sa komputasyon ng mga grupo ng mga migranteng Filipino, ang bagong dagdag singil sa PhilHealth ay mangangahulugang dagdag P50,000 sa mga bayarin bago pa man sila lumabas ng bansa. Ang malala pa, ayon sa implementing rules and regulations o IRR ng health care program ng gobyerno, ang lahat ng land-based na OFWs ay kailangang bayaran ang kanilang premium sa PhilHealth bago sila makakuha ng Overseas Employment Certificate (OEC. Sa madaling sabi, hostage ng PhilHealth ang OFWs hangga’t ‘di pa nila…

Read More