MAGKABANGGA talaga ang development o pag-unlad at kalikasan. Tingan Natin: kailangang balansehin ang kaunlaran at pangangalaga sa kalikasan, ayon tayo diyan. Kapag binalanse, mayroong bibigay sa magkabilang panig, dahil kung hindi, hindi mababalanse at walang mapagkakasunduan. Ito ang dilemma o kalagayang alanganin sa mga negosyo, konstruksiyon at iba pa na may masasaling sa kalikasan. Tingnan Natin: dekada na buhat ng isinara sa mga behikulo ang Main Gate bridge papasok ng, at palabas mula, Subic Bay Freeport dahil hindi na umano ligtas liban na lang para sa pedestrian, kaya ganoon na…
Read MoreCategory: OPINYON
MGA KAWING-KAWING NA USAPIN SA EDUKASYON
(IKALAWANG BAHAGI) Gaya ng marami pang bata ngayon sa mga nayon, naranasan ko ang maglakad nang mahaba para makapasok sa elementarya—mga 30 minuto (pag diretsong lakad o medyo patakbo dahil hinahabol ng bakang nakasuga sa daraanan) hanggang isang oras (kung may kasamang laro at pamimitas ng wild berries o iba’t ibang ligaw na prutas sa daraanan). Nababasa ka sa ulan (malalakas na rin ang mga bagyo noon), lulusong ka sa putikan na nakapaa (walang kuwenta ang sapatos o tsinelas kaya bibitbitin mo na lang), hahamunin mo ang rumaragasang tubig sa…
Read MoreNADARAGDAGAN PA ANG DENGVAXIA VICTIMS, ANO NA SEC. DUQUE?
Base sa latest record ng Public Attorney’s Office (PAO) sa pamumuno ng napakasipag na hepe nito na si Chief Persida Rueda-Acosta ay nadagdagan pa ng tatlo mula sa 136 na bilang ang Dengvaxia victims at inaasahang lolobo pa ito pero lumalabas, walang pakialam itong si Health Secretary Francisco Duque III! Sadyang mahahabag at ‘di maiwasang ngumilid ang iyong luha at naramdaman ko ito mismo ng aking makadaupang-palad ang mga magulang at kamag-anak ng maraming bata na naging biktima ng ‘deadly’ na bakuna sa PAO office kung saan kanilang isinisigaw ang…
Read MoreISABANSA ANG SERBISYO NG TUBIG!
Ang pagkawala ng tubig sa Metro Manila at sa mga karatig-probinsya ay epekto ng pagsasapribado sa napakahalagang serbisyo publiko. At dahil sila ay mga kompanya na kita ang pangunahing motibo at hindi ang serbisyo publiko, walang pananagutan ang mga pribadong kompanya sa mamamayan. Mula pa Abril ay pinerwisyo na tayo ng pagkawala ng tubig. Sa Mandaluyong, halimbawa, may mga ulat na dalawang oras lamang kada linggo nagkaroon ng mahinang tulo sa gripo matapos ang isang linggong wala ni isang patak ng tubig. Ang sabi ng Manila Water at ng Maynilad…
Read MoreSQUATTER NAGPIPYESTA SA RIZAL
Mistulang inutil ang lokal na pamahalaan ng San Mateo sa lalawigan ng Rizal matapos sakupin ng mga iskwater ang mga pribadong lupain doon. Walang magawa ang lokal na pamahalaan habang parang mga kabuteng nagsulputan at namumutiktik sa pagla-land-grab ng mga lupa ang mga naturang professional squatter. Sa Barangay Silangan, gabundok na ang tinatanggap na mga reklamo ng nasabing barangay sa umano’y pagtatayo ng mga bahay sa mga lupang may mga nagmamay-ari. Wala namang magawa ang barangay na mapahinto ang pagsugod ng mga iskwater sa kanilang lugar na animo’y parang mga…
Read MorePAGHAHANDA SA PAGDATING NG THE BIG ONE
Sunud-sunod ang paglindol sa ating mga karatig bansa nitong nakaraang linggo. Isang paglindol na may lakas na 6.8 magnitude ang yumanig sa Japan dahilan upang maglabas ng abiso ang Japan Meteorological Agency sa publiko na maging handa sa posibilidad ng pagkakaroon ng tsunami. Bukod sa Japan, nakaranas din ng 6.0 magnitude na lindol ang probinsya ng Sichuan sa China na naging sanhi upang gumuho ang isang hotel sa Changning Country sa siyudad ng Yibin kung saan 11 ang namatay at 122 ang sugatan. Dalawang buwan ang nakaraan isang 6.1 magnitude…
Read MoreSEN. LACSON, TINAWAG NA TANGA AT DEMONYO NG KAPATID NI SECRETARY DUQUE!
Mukhang palaban ang magkapatid na Atty. Gonzalo Duque at Health Secretary Francisco Duque III kung saan pumalag ang mga ito sa batikos ni Senador Panfilo “Ping” Lacson at hinamon pa ng kalihim ang mambabatas na gawin nito ang kanyang gustong gawin kung kaya’t nag-imbestiga ang senador at natuklasan nito na nagmamay-ari pala ng building ang kalihim sa lalawigan ng Pangasinan na inuupahan ng regional office ng PhilHealth. Ang sinasabing gusali na pag-aari ni Secretary Duque ay matatagpuan sa Tapuac, district sa Dagupan City at umuupa umano ang PhilHealth kada buwan…
Read MorePASASALAMAT SA OFW SA JULY 12 TULOY NA TULOY NA
Matapos ang ilan ulit na pagbabago ng petsa para sa pagdiriwang ng Araw ng Pasasalamat sa OFW, ay inanunsyo na ni Duterte Die-hard supporter (DDS) Global Chairperson Gemma Sotto na tuloy na tuloy na itong gaganapin sa July 12, sa AFP Stadium sa loob mismo ng Camp Aguinaldo sa Quezon City. Bukod sa mga OFW at mga retirado o dating OFW, ay iniimbitahan din ang lahat ng mga kapamilya ng OFWs. Libre ang entrance para sa lahat ng dadalo. Inaasahan din ang pagdalo ng mga opisyal ng DFA, DOLE, OWWA…
Read MoreMAHIGPIT PANG PROSESO, SCREENING SA PAGPAPALABAS NG MGA PINOY DH
Matulungan sana agad ng ating gobyerno ang daan-daang overseas Filipino workers (OFWs) na humihingi ng tulong upang maibalik na sila sa bansa na karamihan ay biktima ng illegal recruiters at ngayon ay nagsisiksikan sa ating konsulada sa Dubai at United Arab Emirates (UAE). Umapela ang isa sa kanilang naging kasamahan na nakabalik na sa bansa, na sana ay matulungan ni Pangulong Rodrigro Duterte na maibalik sa bansa ang mahigit sa 300 undocumented OFWs na ngayon ay dumaranas ng hirap at kawawa ang kanilang kalagayan sa ating embahada sa UAE. Karamihan…
Read More