NAKAKAPANLUMO na ang nangyayari sa isa nating kababayan na naging biktima ng Human Trafficking sa UAE at ngayon naman ay inilipat sa Oman. Ang aking tinutukoy ay si B—-a Sibulo na nagmula sa Makokak, Lipa City, Batangas. Magugunita na nitong nakaraan nating kolum ay akin nang sinimulan na banggitin ang tungkol sa patuloy na pamamayagpag ng Human Trafficking sa UAE. Tinukoy din natin ang binansagan natin na si Mama G na siyang nambibiktima ng mga Filipina sa pamamagitan ng pag-aanunsiyo ng mga job hiring sa Dubai at kanya pang ipinagmamalaki…
Read MoreCategory: OPINYON
NASAAN NGA BA ANG SWERTE?
CHINESE New Year na naman. Marahil marami na naman ang nagkonsulta sa feng shui para iayos ang mga bahay o opisina. Kung gustong mas makamura, pwede namang bumili ng mga lucky charm sa mga tindahan ng pampaswerte lalo na ng mga naaakma sa Year of the Earth Pig, sa pagbabaka-sakaling darating na ang pinakaaasam na magandang kapalaran o kaya naman para magtuluy-tuloy ang kasalukuyang maayos ng buhay. Kung hindi naman ay para kontrahin ang inaakalang malas na dala sa kanya-kanyang buhay ng bagong taon. Taun-taon na lang ay marami ang…
Read MoreBAKIT AYAW IPAKITA ANG SALN NG MGA MAMBABATAS?
Umaandar ang makina sa Kamara de Representante upang gawing mas mahirap makakuha ng kopya ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ang publiko. Nais nila na ang plenaryo — ang Kongreso mismo —- ang magbobotohan kung ilalabas o hindi ang SALN ng isang kongresista. Ang SALN ay nagsasaad ng lahat ng ari-arian at salapi ng mga opisyal ng pamahalaan bawat taon. Batay rito, makikita kung lumalaki o lumiliit ang kayamanan ng mga opisyal ng gobyerno. Proteksyon ito sa interes ng mamamayan, upang matiyak na hindi pinagsasamantalahan ng mga politiko…
Read MoreIMPERYALISMO SA VENEZUELA
Sa kauna-unahang pagkakataon, inihayag ni US President Donald Trump ang posibilidad na magpadala ng mga tropang Amerikano sa bansang Venezuela sa gitna ng matinding krisis-pampolitika na kinakaharap ng gobyerno ng sosyalistang si Pangulong Nicolas Maduro. Kung mangyayari ang sinasabing interbensyong militar ni Trump ay malinaw na isang tunay na imperyalista ang Estados Unidos na ang tanging pinangangalagaan ay ang kanilang pang-ekonomiya at pampolitikang interes sa Venezuela. Suportado ng US si National Assembly President Juan Guaido na una nang nagpahayag na siya ang interim president ng Venezuela at namumuno ngayon sa…
Read MoreBAGONG INVESTMENT SCAMMER SA MINDANAO
Halos anim na taon pa lang ang nakakalipas noong sumambulat ang isyu tungkol sa pyramiding scam ng Aman Futures Group ni Manuel Amalilio. Umabot sa 15,000 katao ang nabiktima sa naturang scam at halos P12 bilyon ang natangay ni Amalilio mula sa mga kawawang kababayan natin na karamihan ay taga-Mindanao. Nahuli naman sa Malaysia si Amalilio isang taon matapos itong magtago subalit dalawang taon lang ang inilagi nito sa kulungan sa Malaysia dahil ang kanyang tanging kaso ay ang pagkakaroon ng mga pekeng travel documents. Hanggang sa ngayon ay hindi…
Read More“BAYAD-UTANG CHALLENGE”
Itong pagpasok ng 2019 maraming naka-post sa FB tungkol sa “Ten-year Challenge.” Tila naging bandwagon ito at marami sa mga kaibigan ko ang naglathala ng kanya-kanya nilang challenge kuno. Nakakatuwa rin namang basahin o pagmasdan ang mga ito. Ngunit ang sadyang nagpatawa sa akin at pumukaw ng aking atensyon ay ‘yung isang meme tungkol sa pagbabayad ng utang. Sabi sa post, “daming nauusong challenge ah?! Wala bang magsisimula ng bayad-utang challenge?” Sobrang naramdaman ko ang damdamin ng nag-post ng meme na ito. Marahil gaya ko at ng marami pa sa…
Read MoreP20 PER STICK NA YOSI AT ANG LIBRENG GAMUTAN PARA SA LAHAT
Tinatayang mga 30 milyong Filipino ang naninigarilyo, at marami sa kanila ang nasa panganib ng kanser sanhi ng usok ng sigarilyo at mga kemikal, kasama na ang formalin na ginagamit na pang-embalsamo ng patay na sumisira sa kanilang mga baga. Isa sa biktima ng sigarilyo ay ang aking tatay na na-stroke at pagkatapos ay nabalda at nagkaroon ng tuberculosis dahil sa tatlong kaha ng sigarilyo araw-araw. Simula noong panahon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ay isinabatas na ang tinatawag na “sin” tax sa sigarilyo at alak. Mula sa koleksyon…
Read MorePANAWAGAN SA FIRST PERSONNEL SERVICES AGENCY
Bago ko simulan ang panawagan sa First Personnel Services Agency ay ibig ko munang iparating ang aking pasasalamat sa mabilis na aksyon ng Greenfield International Manpower Services. Matapos kong mailathala sa aking kolum ang sitwasyon ni Arnie Sadangsal ay mabilis na umaksyon ang Greenfield International Manpower Services at ayon sa kanilang ipinadalang sulat sa pamamagitan ng aking email, si Arnie Sadangsal ay nasa kanila nang kustodiya at pangangalaga at kasalukuyan na ring nakikipag-ugnayan ang kanilang Foreign Recruitment agency na AFLAAK sa kanilang opisina. Inaasahan po natin na magiging maayos ang…
Read More