TARGET ni KA REX CAYANONG ISANG makabuluhang hakbang tungo sa mas maayos na serbisyong pangkalusugan ang isinagawa kamakailan sa Barangay San Cristobal, San Pablo City, sa pamumuno ni Chairman Bembong Felismino at Bokal Bhenj Felismino, katuwang ang buong Sangguniang Barangay. Sa pormal na turnover ng mga pangunahing suplay ng gamot para sa San Cristobal Health Center, muling pinatunayan ng lokal na pamahalaan na ang kalusugan ng mamamayan ay isang prayoridad at hindi maaaring isantabi. Hindi biro ang epekto ng kawalan ng access sa gamot, lalo na para sa mga kapus-palad…
Read MoreCategory: OPINYON
PROBLEMA SA BALIKBAYAN BOXES NADAGDAGAN PA
RAPIDO ni PATRICK TULFO MAY nakaambang problema sa balikbayan boxes na kung hindi mabibigyan ng tamang atensiyon ay magiging isa pang dahilan sa pagkaantala ng paglalabas ng balikbayan boxes mula sa Bureau of Customs. Ito ang lumalalang problema sa pagpupuslit ng droga gamit ang balikbayan boxes. Ilang beses na ring nakasabat ang Customs at PDEA ng mga droga galing sa ibang bansa, na nakatago sa loob ng ilang balikbayan boxes. Nito lang nakaraang mga araw, nakasabat muli ang Bureau of Customs ng isandaang kilong shabu na nagkakahalaga ng daan milyong…
Read MoreBBM SINASABOTAHE NG SPEAKER?
PUNA ni JOEL O. AMONGO SIMULA’T simula, malinaw ang mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pagkakaisa. Iyan ang kanyang kampanya, iyan ang paulit-ulit niyang sinasabi sa talumpati, at iyan ang inaasahan ng taumbayan sa lahat ng mga nasa gobyerno, lalo na sa mga pinuno ng Kongreso. Pero tila me sumasabotahe sa magandang layunin na ito ng Pangulo. Habang abala ang ating Presidente sa pagpapatatag ng ekonomiya, pakikipag-ugnayan sa ibang bansa, at pagtataguyod ng mga proyektong pangkaunlaran, isang pangalan ang paulit-ulit na nasasangkot sa intriga, pamumulitika, at kaguluhan sa mismong Kongreso.…
Read MoreHELPER
HOPE ni GUILLER VALENCIA “I will ask the Father, and He will give you another Helper, that He may be with you forever;” John. 14:16. Ang Panginoon Jesucristo ay gagawin ang pinakasukdulang sakripisyo nang sabihin niya ang mga salita ng ating mga talata para sa araw na ito. Siya ay kasama ang kanyang mga disipulo sa loob ng tatlong taon at siya ay kanilang katulong, guro, at tagapayo sa panahong iyon. Sa napipintong paglisan niya sa kanila, siya ay nangangako na hihilingin sa Ama na magpadala sa kanila ng ibang…
Read MoreMAYOR SUSAN YAP AT GOV. CHRISTIAN YAP, HALIGI NG DISIPLINA’T PROGRESO SA TARLAC
TARGET ni KA REX CAYANONG SA panahon kung kailan ang kalinisan, kaayusan, at connectivity ay mahalagang sangkap ng maunlad na pamayanan, patuloy na pinatutunayan ng pamahalaang lokal ng Tarlac City sa pamumuno ni Mayor Susan Yap at ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Christian Yap na posible ang tunay na pagbabago kung may malinaw na direksyon at matatag na pamumuno. Ang isinagawang malawakang Clean-Up Operation sa Aquino Boulevard River Walk noong Hulyo 4, 2025 ay hindi lamang simpleng aktibidad ng paglilinis. Isa itong kongkretong patunay ng kolektibong aksyon, isang…
Read MoreNAG-DRIVING PARA SA VLOG, NA-DRIVING SUSPENSION TULOY
GEN Z ni LEA BAJASAN KUNG may sports car ka, natural lang sigurong gusto mong ipagmalaki ito. Lalo na kung maganda ang kulay, makintab ang body, at maingay ang tambutso. Pero iba na ang usapan kapag ginamit mo ito sa EDSA para mag-vlog habang nagmamaneho. Iyan mismo ang ginawa ng isang content creator na ngayon ay suspendido ang lisensya ng 90 araw. Hindi lang isa ang kaso niya. Bukod sa reckless driving, sinampahan din siya ng paglabag sa Anti-Distracted Driving Act at ang mas mabigat pa ay ang pagiging “improper…
Read MoreHINDI UMAASAL BILANG EX-CABINET SI HARRY ROQUE
DPA ni BERNARD TAGUINOD IBINABABA ni Harry Roque ang kanyang sarili bilang dating Gabinete ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kanyang inaasal at pagiging madada kaya imbes na igalang siya ay pambababoy sa kanyang pagkatao ang napapala niya. Binabalikan ko ang mga dating miyembro ng Gabinete mula noong panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos hanggang kay Mang Rody at wala akong maalala na mga ex-Cabinet na umaasal tulad ng inaasal ni Roque ngayon. Pagkatapos ng kanilang ‘maliligayang’ araw sa kapangyarihan, tumahimik sila at may ilan ang nagbibigay ng kanilang…
Read MoreROMUALDEZ NAKAKAGULO NA SA ADMIN NI BBM?
CLICKBAIT ni JO BARLIZO PAKIWARI lang ‘to. Hindi raw oposisyon ang pasimuno ng impeachment at aberya sa gobyerno. Silipin natin ang loob ng Malacañang bago akalaing ‘yung mga kontra o hindi kaalyado ang nagpapahina sa administrasyong Marcos Jr. Eto kasi. Habang nagsusumikap si Pangulong Bongbong Marcos sa pagkuha ng mga mamumuhunan at mapaganda ang ekonomiya para sa Bagong Pilipinas, merong ilang nasa loob ng kanyang kampo ang tila sariling adyenda ang nilalaro. Kabilang sa may ibang balak si Speaker Martin Romualdez. Bagaman siya ang nagsulong ng open budget, isang transparency…
Read MoreMAPANGANIB NA EKSPERIMENTO PARA SA PCO
PUNA ni JOEL O. AMONGO HINDI pa rin nawawala ang haka-haka na posible pa ring magkaroon ng kinatawan sa Palasyo ng Malacañang, partikular sa Presidential Communications Office (PCO), ang tobacco industry sa katauhan ni Dave Gomez. Ayon sa bulong mula sa Malacañang, mukha na namang mapanganib na eksperimento ang isinasalang, sa katauhan ni Gomez na umano’y tahimik na isinasailalim ngayon sa pagsusuri para sa posibleng pagtatalaga sa PCO. Ang pabago-bagong mundo ng pampulitikang komunikasyon, walang ibang paraan ang Palasyo kundi sumugal kay Gomez. Ayon sa mga mapagkakatiwalaang impormasyon, naimbitahan at…
Read More