AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS MARAMI ang naniniwala na magiging “kiss of death” ang endorsement ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. sa kandidato sa darating na 2028 Presidential Election. Ito ay dahil sa patuloy na pagbagsak ng tiwala sa kanya ng mga Pilipino na makikita sa survey at pinaniniwalaang lalo pa itong lalagapak dahil na rin sa pinakahuling resulta ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. Sa survey ng Pulse Asia noong nakaraang May 6-9, 2025, nakakuha lamang ng 32% si PBBM, 50% kay VP Sara at pinakamataas pa…
Read MoreCategory: OPINYON
LUMANG PROBLEMA SA BALIK-ESKWELA
EDITORIAL BALIK-ESKWELA. Panibagong school year na ibabalik ang pre-pandemic na school calendar. Magsasara ito sa Marso 31, 2026, sakop ang 197 araw ng klase, kabilang ang End-of-School-Year (EOSY) rites. Bagong school year, ngunit dating problema sa kakulangan ng classroom, kapos na upuan at problema kung paano pagkakasyahin ang mga estudyante sa mga silid-aralan ang sasalubong sa mga guro at estudyante. Paano tutugunan ang mga problemang ito? Aminado si Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara na tinatayang 165,000 ang kulang na classroom sa buong bansa, na aabutin ng halos 55…
Read MoreMAHALAGA ANG BAWAT SENTIMO PARA SA MGA KONSYUMER
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO PATULOY pa rin nating nararamdaman ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo kaya hindi pa rin maiwasang sobrang dami pa ring nagrereklamo kapag oras na para maglabas ng pambayad para sa mga nakonsumo natin. Mabuti na lang, may magandang balita ang Meralco kamakailan. Alam naman natin na itinuturing na “grudge expense” ang kuryente — dahil dito talaga napupunta ang bahagi ng buwanang budget at bukod pa riyan, binabayaran ito matapos makonsumo hindi kagaya ng ibang produkto o serbisyo na kailangang bayaran muna bago…
Read MoreHULIDAP NG BI INTELLIGENCE SA POGO TALAMAK?
BISTADOR ni RUDY SIM TILA nagiging inutil ang hepe ng Bureau of Immigration, Intelligence Division na disiplinahin ang kanyang mga tauhan matapos na ireklamo kamakailan ang pagnanakaw ng mga tauhan nitong agents sa isang raid sa illegal POGO, na nagnakaw ng pera at gadgets ngunit patuloy pa rin umano ang ganitong raket ng ilang agents. Isang Linggo na ang nakararaan, nitong June 9 nang magkaroon umano ng operation ang BI Intelligence Unit sa Newport, Pasay City kasama ang team ng ilang talamak at kawatan na grupo ng ilang Muslim na…
Read MorePAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG QUEZON, TUMANGGAP NG IKATLONG UNMODIFIED OPINION MULA SA COA!
TARGET ni KA REX CAYANONG MASASABING isa na namang makasaysayang pagkilala ang natamo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pamumuno ni Gov. Helen Tan. Ito’y matapos muling igawad ng Commission on Audit (COA) ang pinakamataas na uri ng audit rating—ang Unmodified Opinion—sa ikatlong sunod-sunod na taon. Isa itong malinaw na pruweba ng maayos, tapat, at episyenteng paggasta ng pondo ng lalawigan. Hindi madali ang tumanggap ng ganitong pagkilala, lalo na sa harap ng mga pagsubok gaya ng limitadong pondo at mataas na pangangailangan mula sa mamamayan. Ngunit sa pamumuno ni Gov.…
Read MoreBI COMMISSIONER VIADO, PROTEKTADO NI REMULLA?
BISTADOR ni RUDY SIM NASAAN ang katarungan kung ang mismong may hawak ng timbangan ng katarungan ay mayroong kinikilingan? Ito ang giit ng concerned Bureau of Immigration employees na sukang-suka na sa kaliwa’t kanang katiwalian sa ahensya sa pamunuan ng commissioner nito na si Joel Anthony Viado. Matatandaang isang white paper para sa Pangulo ang kumalat patungkol sa ilang reklamo diumano ng mga kawani ng BI sa patuloy na garapalan at kahina-hinalang mabilisang pagpapakawala sa mga Chinese national na nalambat ng intelligence division sa magkakaibang operasyon sa bansa. Tila naaabuso…
Read MoreUSAPIN DIN NG DIGNIDAD ANG NAKABUBUHAY NA SAHOD
EDITORIAL LINGGO-LINGGO, may bagong balita tungkol sa pagtaas ng presyo — bigas, gulay, itlog, kuryente, pamasahe. Parang wala nang hindi naapektuhan. Pero ang sahod? Parang tahimik na bato sa ilalim ng tubig — hindi gumagalaw. Marami na ang nabubuhay sa utang. Marami na rin ang nagbabawas ng pagkain, nagpapaliban ng bayarin, at umaasa na lang sa promo, diskwento o ayuda. Samantalang ang iba, nagtatrabaho nang doble pero kulang pa rin ang kita. Ang mas masakit pa, tila walang nakikinig. Ang mga manggagawa ay matagal nang sumisigaw. Pero ang sagot? “Pag-aaralan…
Read MoreHMO SA BAWAT EMPLEYADO NG GOBYERNO MARAMING ‘DI NAKAKAALAM
RAPIDO ni PATRICK TULFO BUNSOD ng kaliwa’t kanang batikos kay Pangulong Bongbong Marcos, maraming mga proyekto ng gobyerno ang natatabunan at hindi naipapaalam sa mamamayan. Katulad na lang nitong P7,000 na medical allowance kada taon ng bawat lehitimong empleyado ng gobyerno. Sa SONA ni Pangulong Marcos noong 2024, sinabi nito na maglalaan ng pondo ang gobyerno na umaabot ng P9.5 bilyon, para sa health benefits ng mga empleyado. Layunin ng nasabing pondo, na idaraan sa pamamagitan ng Miscellaneous Personnel Benefit Fund (MPBF) bilang HMO (Health Maintenance Organization) o insurance ng…
Read MoreKASO NG KORUPSYON ISINAMPA LABAN SA MGA OPISYALES NG BFAR
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA GRABE pala ang “cooking makaw” sa bidding ng mga kontrata sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ito ang ibinulgar ng isang magaling na abogado na si Atty. Fay Singson, at hindi tsismis ang yarian sa bidding involving P2.165 billion sa ilegal na pagbili ng mga bangkang pangisda ng mga opisyal ng ahensiyang ito na nasa ilalim ng Department of Agriculture (DA). May personal knowledge si Atty. Singson sa lutong makaw na transaksyon na ito, dear readers, at ‘pag may personal na kaalaman…
Read More