Panawagan ng mga mangingisda, environmental groups PANGMATAGALANG PROTEKSYON SA MINDORO OIL SPILL

CALAPAN, Oriental Mindoro — Ilang araw bago sumapit ang ikatlong anibersaryo ng paglubog ng MT Princess Empress na nagdulot ng matinding pinsala sa Oriental Mindoro at sa biodiversity hotspot na Verde Island Passage (VIP), nanawagan ang mga environmental advocates at grupo ng mga mangingisda ng agarang rehabilitasyon at pangmatagalang proteksyon sa VIP. Inihayag ang panawagan sa ikalawang pagdinig ng Sangguniang Panlalawigan committee kaugnay sa oil spill claims. Sumunod ang pagdinig ilang buwan matapos magsampa ng class action lawsuit ang mga apektadong mangingisda noong Disyembre 2025 laban sa shipowner na RDC…

Read More

2 POLITIKO SA NORTHERN LUZON FINANCIER NG ILLEGAL YOSI FACTORY – DILG

TINUKOY ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na dalawa umanong politiko ang hinihinalang financier ng malaking pabrika ng ilegal na sigarilyo na sinalakay sa Mexico, Pampanga. Bagama’t tumangging magbigay ng karagdagang detalye, tila nadulas ang kalihim matapos banggitin na mga kongresista ang kanyang tinutukoy. Isinagawa ang inspeksyon sa naturang pagawaan na pinaniniwalaang pinagmumulan ng mga smuggled na sigarilyong naibebenta hanggang sa mga sari-sari store. Bukod sa dalawang politiko, iniimbestigahan din ang apat na incorporators ng kumpanyang Samyoung Global na umuupa ng lupa sa Barangay…

Read More

DAMBUHALANG OARFISH LUMUTANG SA QUEZON

QUEZON – Isang wala nang buhay na dambuhalang oarfish ang natagpuang palutang-lutang sa Guinayangan Municipal Fish Port sa bayan ng Guinayangan sa lalawigan dakong alas-7:30 ng umaga noong Miyerkoles, Pebrero 4, Natuklasan ito ng isang mangingisda na agad namang nag-ulat sa Coast Guard Sub-Station Guinayangan. Mabilis namang nagresponde ang Municipal Agriculturist at ang mga Fishery Technician upang magsagawa ng pagsusuri. Ayon sa isinagawang pagsukat, ang oarfish ay may habang 3.59 metro, lapad na 0.70 metro, at may timbang na 22 kilo. Kinikilala ang nasabing isda bilang isang deep-sea species na…

Read More

KAGAWAD TIMBOG SA ILEGAL NA DROGA

QUEZON – Arestado ang isang barangay kagawad na itinuturing na high value individual ng pulisya, matapos hainan ng search warrant kaugnay ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, sa kanyang bahay sa bayan ng Macalelon sa lalawigan noong Miyerkoles, Pebrero 4. Ayon sa mga pulis, ang suspek ay isang 40 taong gulang na residente at kasalukuyang kagawad ng Barangay Luctob. Nabatid mula sa Macalelon Municipal Police Station, isinagawa ang operasyon bandang alas-6:38 ng umaga sa bisa ng search warrant na inisyu ng Regional Trial Court…

Read More

HALOS 1K KABAHAYAN NATUPOK SA COASTAL BARANGAY SA TAWI-TAWI

HALOS isang libong kabahayan na gawa sa light materials ang natupok sa malaking sunog na sumiklab sa isang coastal barangay sa bayan ng Bongao, Tawi-Tawi. Ayon sa Bongao Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), mahigit 5,000 katao ang nawalan ng tirahan matapos lamunin ng apoy ang stilt houses sa Barangay Lamion nitong Martes ng gabi. Tumagal ng halos apat na oras ang sunog. Nakatanggap umano ng tawag ang MDRRMO bandang alas-10:09 ng gabi, subalit mabilis nang nilamon ng apoy ang malaking bahagi ng residential area. Dagdag pa ng…

Read More

JEEPNEY DRIVER BINARIL, EX-BRGY. CHAIRMAN ITINURONG MAY PAKANA

CAVITE – Pinasok sa kanyang bahay at pinagbabaril ang isang 43-anyos na jeepney driver ng dalawang ‘di pa nakikilalang suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo sa Dasmariñas City noong Martes ng madaling araw. Nilalapatan ng lunas sa Emilio Aguinaldo College (EAC) Hospital ang biktimang si alyas “Roderick”, may live-in partner, ng Brgy. Salitran 1, Dasmariñas City, Cavite dahil sa mga tama ng bala sa katawan. Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na nakasuot ng face mask, puting t-shirt, brown jacket, maong pants at magkaangkas sa isang…

Read More

PNP NAGSIMULA NANG MANGOLEKTA NG DNA SA MGA NASAWI SA MV TRISHA KERSTIN 3

NAGSIMULA na ang Philippine National Police (PNP) sa pangongolekta ng DNA samples mula sa mga pamilya ng mga nasawi sa paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3 upang makatulong sa pagkilala sa mga bangkay. Ayon sa PNP, mahigit isang linggo na ang lumipas mula nang lumubog ang Ro-Ro vessel at patuloy pa ring may nare-recover na mga bangkay, dahilan upang maging mas mahirap ang visual identification ng mga biktima. Batay sa ulat ng mga local disaster risk reduction and management office at ng Philippine Coast Guard (PCG), umaabot na sa 45…

Read More

OPLE DAY GINUNITA SA BULACAN

GINUNITA ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna nina Governor Daniel R. Fernando at Vice Gov. Alexis C. Castro ang ika-99 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Blas F. Ople kasama ang pamilya nito sa ginanap na seremonya nitong Martes, Pebrero 3. May temang “Gat Blas F. Ople: Huwaran ng Pinanday na Isipan, Inspirasyon ng mga Kabataan”, sinimulan ang unang bahagi ng programa sa pag-alay ng bulaklak sa bantayog ni Ople sa pangunguna nina Fernando at Castro kasama si Susanne Laurie Ople Osorio, ang apo ng tinaguriang bayani na siya ring…

Read More

4 CONVENIENCE STORES SA BATANGAS, QUEZON SUNOD-SUNOD HINOLDAP

APAT na sangay ng convenience store sa mga lalawigan ng Batangas at Quezon ang halos magkakasunod na hinoldap ng umano’y iisang pares ng riding-in-tandem, ayon sa pulisya. Unang nangyari ang insidente dakong alas-9:40 ng gabi noong Lunes sa isang sangay ng convenience store sa Barangay Inosluban, Lipa City kung saan tinangay ang tinatayang P20,000 cash. Sumunod dakong alas-10:00 ng gabi ay hinoldap ang isa pang sangay ng tindahan sa Barangay Banaybanay, Lipa City kung saan nakuha ang humigit-kumulang P50,000 cash at personal na gamit ng mga empleyado. Dakong alas-10:55 ng…

Read More