6 KATAO NAG-1-2-3 SA SARIAYA BEACH RESORT, KALABOSO

ANIM na lalaki ang inaresto ng mga pulis matapos umanong gumamit ng pekeng resibo bilang patunay ng bayad sa isang hotel at resort sa Barangay Guis-Guis Talon, Sariaya, Quezon. Ayon sa pulisya, dumating ang pangunahing suspek na si alyas “JR” sa resort noong madaling araw ng Miyerkoles, Setyembre 16, upang magtanong tungkol sa kuwarto at bumalik dakong alas-4 ng hapon para mag-check in. Ipinakita umano nito sa resort ang transaction receipt sa kanyang cellphone na nagsasabing nakapagbayad na siya para sa dalawang araw na accommodation, bago dumating at nag-check in…

Read More

‘TSISMOSA’ TINARAKAN NG KAPITBAHAY, PATAY

PATAY ang isang ginang makaraang pagsasaksakin ng kapitbahay dahil umano sa pagkakalat ng maling impormasyon sa Sitio Malabon, Barangay Salawag, Dasmariñas City, Cavite noong Sabado ng gabi. Kinilala ang biktimang si alyas “Maria”, namatay makaraang saksakin ng suspek na si alyas “Metadio”, magkapitbahay sa Barangay Salawag, Dasmariñas City, Cavite. Ayon sa ulat, bumibili ng pagkain ang biktima bandang alas-7:30 ng gabi malapit sa kanilang bahay nang lapitan siya ng suspek at komprontahin hinggil umano sa pagkakakat ng tsismis at maling impormasyon laban sa huli. Nauwi ang komprontahan sa mainitang pagtatalo…

Read More

‘3 DELIVERY RIDERS’ TINUTUGIS SA PAMAMARIL

TINUTUGIS ng pulisya ang tatlong kalalakihan na nagpanggap na delivery riders at responsable sa pamamaril sa isang babaeng negosyante sa aktong tinatanggap nito ang parcel sa Gen. Trias City, Cavite noong Miyerkoles ng hapon. Isinugod sa Divine Grace Hospital ang biktimang isang 37-anyos na ginang dahil sa tama ng bala sa kaliwang dibdib at kaliwang bahagi ng tiyan. Ayon sa ulat, dumating ang isa sa mga suspek sa bahay ng biktima sa Brgy. Tejero, Gen. Trias City, Cavite bandang alas-3:00 ng hapon, nagpanggap na delivery rider at sinabing may parcel…

Read More

PASAHERO NG SUMADSAD NA RORO VESSEL, INILIKAS NG PCG

LIGTAS na nailikas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga pasahero at crew matapos sumadsad ang MV RoRo Master 5, 30 metro mula sa baybayin ng Barangay Udalo, Abra de Ilog, Occidental Mindoro, nitong Huwebes ng madaling araw, Setyembre 17, 2026. Ayon kay PCG spokesperson, Commodore Noemie Cayabyab, ang 779-gross-ton RoRo passenger vessel ay bumibiyahe mula sa Port of Batangas patungong Port of Abra de Ilog sa Occidental Mindoro nang mangyari ang insidente dakong alas-12:45 ng madaling araw. Alas-6 ng umaga, nailipat ang lahat ng mga pasahero sa Port of…

Read More

3 TIMBOG SA P40.8M SHABU SA TAYTAY

TINATAYANG anim na kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P40.8 milyon, ang nasamsam ng magkakasamang pwersa sa isinagawang operasyon kontra ilegal na droga sa Sitio Dulong Bangiad, Barangay San Juan, Taytay, Rizal noong Setyembre 14. Tatlong suspek ang nadakma kabilang ang 31-anyos at 43-anyos na lalaki, at 32-anyos na babae, pawang nakatira sa nasabing lugar. Isang suspek pa ang kasalukuyang hinahanap makaraang makatakas sa operasyon. Bukod sa droga, nasamsam din mula sa mga suspek ang iba’t ibang uri ng baril at iba pang mga ebidensya. Isinagawa ang pagsalakay ng…

Read More

SANGGOL, 5 PA PATAY SA BUMULUSOK NA TRUCK SA BONTOC

PATAY ang isang sanggol at limang iba pa nang bumulusok pababa ang sinasakyan nilang truck noong Martes ng tanghali na malubhang ikinasugat ng 17 iba pa sa Sitio Jakap, Barangay Talubin, Bontoc, Mountain Province. Ayon sa ulat, sakay ng isang Isuzu Elf truck ang 23 katao kabilang ang nasabing sanggol, nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver nito at nahulog sa may 50 hanggang 100 metrong lalim na bangin sa Talubin-Barlig Road. Ayon sa Bontoc Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, kabilang sa mga nasawi si Theresa Walitan…

Read More

HVI ARESTADO SA P.3M SHABU

ARESTADO ang isang hinihinalang tulak na nasa listahan ng high value individuals (HVIs) matapos nakumpiskahan ng humigit-kumulang P342,000 halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City, Cavite noong Martes ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang naarestong suspek na si alyas “Jigger”. Ayon sa ulat, bandang alas-8:00 ng gabi nang nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Dasmariñas Component City Police Station (CCPS) sa Barangay Sto. Nino 2, Dasmariñas City na…

Read More

OBRERO NAGBIGTI SA BANYO NG PABAHAY

IMBES na harapin ang problema sa pamilya, pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang naisip na solusyon ng isang 43-anyos na construction worker na natagpuang patay sa comfort room ng isang proyektong pabahay sa Brgy. San Rafael 2, Noveleta, Cavite noong Lunes ng umaga. Kinilala ang biktimang si alyas “Crisanto”, binata ng Brgy. Sta Rosa 1, Noveleta, Cavite. Ayon sa ulat, natagpuan ang bangkay ng biktima sa comfort room ng isang proyektong pabahay sa Brgy. San Rafael 2, Noveleta, Cavite bandang alas-8:30 ng umaga. Sinabi ng caretaker, bago nagpakamatay ang biktima…

Read More

KAMPANYA LABAN SA CYBERCRIMES PAIIGTINGIN NG PNP

ALINSUNOD sa direktiba nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at DILG Secretary Jonvic Remulla, palalakasin ang pagpapatupad ng batas at mga hakbang para sa kaligtasan ng publiko. Inatas ni PNP chief, PGen. Jose Melencio C. Nartatez, Jr., na palakasin ng Anti-Cybercrime Group (ACG) at mga regional police unit ang kanilang mga hakbang laban sa online scam, pag-hack ng mga account, cyber fraud, at iba pang mga modus. Bilang pagtalima sa direktiba ng pangulo, pinaigting ng Pambansang Pulisya ang kampanya nito laban sa mga banta online kasunod ng malaking pagtaas sa…

Read More