ARESTADO ang isang lalaki sa loob mismo ng isang tindahan ng mga instrumentong pangmusika, na nagtangkang manloob sa isang kilalang mall sa Imus City, Cavite noong Miyerkoles ng gabi. Hawak na ng Imus Component City Police Station ang suspek na si alyas “Glenn”, 39, ng Bayan-Bayanan, Malabon City, dahil sa reklamo ng store manager ng OD Aerophone sa Ayala Vermosa. Ayon sa ulat, bandang alas-9:30 ng gabi nang mapansin ng security guard ng Ayala Vermosa sa Brgy. Pasong Buaya 1, Imus City, Cavite na puwersahang sinira ang accordion door ng…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
P960M SMUGGLED CIGARETTES NASABAT SA BATAAN, PAMPANGA
PATULOY na tinutugis ng mga tauhan ng Police Regional Office 3 ang nasa likod ng pagpapakalat ng smuggled cigarettes sa rehiyon. Halos P1 bilyong halaga ng ilegal na mga sigarilyo ang nasabat sa magkahiwalay na ikinasang operasyon sa Bataan at Pampanga. Ayon kay PRO 3 Regional Director PBGen. Jess Mendez, noong Setyembre 7 ay na-intercept ng kanilang mga operatiba ang isang wing van truck na nakumpiskahan ng mahigit 700 master cases ng mga sigarilyo sa Mabalacat, Pampanga. Ayon sa isinagawang follow-up at intelligence operations, nasundan ang mga ito sa isang…
Read MorePinaiimbestigahan ng LGU MGA RESIDENTE BINAHA SA PAGPUTOK NG TUBO MAYNILAD SA BACOOR
IPINAG-UTOS ni Mayor Strike B. Revilla sa City Engineering Office, sa pangunguna ni City Engineer San Jose, ang pagsasagawa ng isang malayang imbestigasyon matapos ang pagputok ng tubo sa Southvale at St. Jude Subdivisions sa Molino, Bacoor, na nagdulot ng pagbaha at nakaapekto sa mga residente. Layunin ng imbestigasyon na alamin ang mga pangyayari at dahilan sa likod ng pagputok ng tubo, matukoy ang lawak ng pinsalang dulot ng pagbaha, at malaman kung may mga pagkukulang o paglabag na maaaring naging sanhi o nakapag-ambag sa insidente. Magpupulong ang Pamahalaang Lungsod,…
Read MoreNLEX, MMDA SANIB-PWERSA LABAN SA PAGBAHA
NAGTULUNGAN ang North Luzon Expressway (NLEX) at Metro Manila Development Authority (MMDA) upang tugunan ang pagbaha sa pangunahing lansangan patungong Hilagang Luzon. Sa pahayag ng NLEX nitong Linggo, Setyembre 6, sinabi ng kumpanya na naglagay ito ng mga harang at nagsagawa ng sandbagging sa mga bahaging apektado ng baha bago pa man dumating ang malakas na pag-ulan dulot ng habagat. Pinalakas pa ang mga hakbang nang umapaw ang mga ilog sa paligid ng expressway. Naglaan din ang NLEX ng karagdagang heavy-duty pumping equipment sa pamamagitan ng pagrenta ng mga karagdagang…
Read MorePUP-PANDI PORMAL NANG BINUKSAN
PORMAL na pinasinayaan ng Pandi local officials sa pamumuno ni Mayor Enrico Roque, ang pagbubukas ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) noong Setyembre 7, 2026 sa nasabing bayan, na noon ay isang pangarap lamang ngunit ngayon ay naging katotohanan para sa mga mag-aaral dito. “Isang pangarap lang po ito noon. Pangarap na balang araw, magkaroon ang Pandi ng sariling pampublikong unibersidad kung saan mas maraming kabataang Pandieño ang mabibigyan ng pagkakataong makapag-aral, makapagtapos, at maabot ang kanilang mga pangarap,” ayon kay Roque. Sinabi ni Roque, makasaysayan ang araw ng…
Read MoreLIBO-LIBONG SUNDALO SA BARMM POLLS HINDI MILITARISASYON – AFP
NILINAW kahapon ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi militarisasyon ang nangyayari ngayon sa Mindanao sa kabila ng pagde-deploy ng libo-libong sundalo kaugnay ng nakatakdang kauna-unahang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliamentary election. Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, walang katotohanan ang ulat na may nagaganap na militarisasyon sa BARMM. Sinabi ni Padilla na ang pagde-deploy ng mga puwersa sa lugar ay bahagi lamang ng election support ng AFP sa Commission on Elections (COMELEC) at Philippine National Police (PNP) upang matiyak ang…
Read MoreMINERS SA QUEZON UMAASA NG TULONG MULA SA LGU
BUO ang pag-asa at tiwala ng small-scale miners at ng kanilang pamilya na magpapaabot ng agarang tulong at proteksyon sa kanilang kabuhayan si Quezon Governor Helen Tan at 3rd District Representative Reynan Arrogancia kasunod ng kamakailang operasyon ng mga awtoridad sa dalawang mining site sa bayan ng Buenavista. Sa kabila ng pangamba sa pansamantalang pagpapatigil sa mga minahan sa Sitio Mina, Barangay Bulo, nagkaisa ang mga minero at ang kanilang mga asawa na lumapit sa pamahalaang panlalawigan. Malaki ang tiwala ng komunidad na hindi sila pababayaan ng mga lokal na…
Read MoreHABAGAT PATULOY NA MAGPAPAULAN SA LUZON AT VISAYAS
PATULOY na magpapaulan sa Luzon at Visayas ang umiiral na Southwest Monsoon o Habagat ngayong buong linggo, ayon sa state weather bureau. Dahil dito, inaasahan ang mga pag-ulan at isolated thunderstorms, partikular tuwing hapon at gabi. Makararanas naman ng paminsan-minsang pag-ulan ang mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Batangas at Occidental Mindoro. Samantala, magiging maulap ang kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila, Ilocos Region, Western Cordillera, ilang bahagi ng Central Luzon, MIMAROPA at Antique. Mainit na panahon naman ang mararanasan sa ilang bahagi ng Mindanao, bagama’t posible pa…
Read MorePAGBUO NG DEPARTMENT OF WATER ISINUSULONG
ISINUSULONG ni Malolos City Mayor Christian Natividad ang pagbuo ng isang nationalized flood solution agency o Department of Water upang magkaroon ng iisang ahensyang tututok sa mga suliranin sa tubig, kabilang ang pagbaha. Ayon kay Natividad, magiging mas epektibo ang pagkakaroon ng isang ahensya ng pamahalaan na pangunahing hahawak sa mga usapin sa tubig, kabilang ang flood management sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ipinaliwanag ng alkalde na isa sa mga problema sa kasalukuyang flood management ay ang kani-kaniyang pagkilos ng mga local government unit (LGU) na nakabatay sa kanilang…
Read More