CAMILLE VILLAR NAGPAPASALAMAT SA SUPORTA NG CAVITEÑOS

NAGPASALAMAT si Camille Villar sa suporta ng mga taga-Bacoor, Cavite. Nagbigay ng suporta kay Villar sina Bacoor Mayor Strike Revilla at Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola sa flagraising ceremony noong Lunes sa Bacoor. Sa sandaling mabigyan ng pagkakataong maglingkod sa Senado, nangako si Villar na uunahin ang mga proyekto at batas na magtataguyod ng mga small-and-medium na negosyo, reproductive at maternal health at de-kalidad na edukasyon, bukod sa iba pa. (Danny Bacolod) 239

Read More

P8-M SHABU NASABAT SA CENTRAL LUZON

Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga – Mahigit sa P8 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasabat ng Police Regional Office 3 (PRO3) sa kampanya laban sa ilegal na droga at naaresto ang maraming high value individuals (HVIs) sa serye ng mga operasyon sa loob ng tatlong araw. Noong Marso 23, 2025, bandang alas-4:45 ng hapon, ang pinagsamang anti-illegal drug operation, sa pangunguna ng Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng Police Stations 4 at 6, Angeles City Drug Enforcement Unit (ACDEU), at City Intelligence Unit (CIU), ay nagresulta sa…

Read More

TOLL RELIEF IPINATUPAD SA NLEX

BILANG tugon sa panawagan ng Department of Transportation (DOTr), nagpatupad ang NLEX Corporation ng pansamantalang toll relief sa northbound na bahagi ng expressway mula Balintawak hanggang Meycauayan na nagsimula nitong Marso 24, 2025, dakong alas-12 ng tanghali. Ayon sa NLEX, ang relief ay mananatiling may bisa hanggang sa muling mabuksan ang lahat ng apat na lane ng Marilao northbound area. Matatandaang noong Marso 19, 2025, bandang 1:30 ng madaling-araw nang bumangga ang dalawang trak sa Marilao Bridge. Ang tulay ng Marilao ay nagkaroon ng matinding pinsala mula sa pagkakabangga, at…

Read More

FPJ PANDAY BAYANIHAN SINUYO MGA BATANGUENO

NAG-IKOT sa ilang bayan at syudad sa lalawigan ng Batangas ang FPJ Bayanihan party-list kasama ang aktor na si Coco Martin. Bukod kay Coco, present din si Senator Grace Poe na sinusuportahan ang anak at unang nominado ng party-list na si Brian Poe. Binaybay ng kanilang motorcade ang San Jose Lungsod ng Lipa, Lungsod ng Tanauan at Malvar. Sinundan ito ng malaking rally sa Biz Hub sa Lima Estate sa Malvar na dinaluhan ng kapatid ng senadora na si Lovi Poe at ang reelectionist na si Senator Lito Lapid. Sa…

Read More

PAGPAPABUTI SA SERBISYO, PROGRAMA INIULAT NI CONG. TAN

IBINAHAGI ni Quezon 4th District Representative Atorni Mike Tan ang legislative accomplishments at local projects sa kanyang unang termino sa Ulat sa Distrito noong Sabado. “Matapos ang ilang panahon ng ating panunungkulan, lawmaking man o paggawa ng mga batas o di naman kaya’y constituency concerns o pagpapatupad ng mga programa at proyekto — nagawa nating panatilihin, ipagpatuloy, at pagbutihan pa ang mga serbisyo para sa ating mamamayan,” pahayag ni Cong. Mike na tumatayo rin bilang Assistant Majority Leader ng Kamara. Ibinida ng batang kongresista ang 27 na republic acts na…

Read More

COCO MARTIN, ITINURING NA “AMA” SI LITO LAPID

PERSONAL na nakiusap ang premyadong actor at direktor ng FPJ’s Batang Quiapo na si Coco Martin sa mga Batangueño na iboto si Senador Lito Lapid (#35) sa 2025 elections sa May 12. Sa kanyang mensahe sa proclamation rally ng FPJ Panday Bayanihan Party-list sa Malvar, Batangas, hiniling ni Coco na iboto ng mga Batangueño si Lapid, ang Supremo sa Batang Quiapo. “Gusto ko rin po sanang ihiling sa inyo ang isa sa aking nirerespeto, mahal na kaibigan na itinuturing ko ring ama, hindi ako mapapalapit sa taong ito kung hindi…

Read More

LAGLAG SI IMEE

TILA tuluyan nang nilaglag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang kapatid na si Senador Imee Marcos sa senatorial line-up ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas. Ito ay makaraang banggitin ng Pangulo na 11 lamang ang senatoriables ng Alyansa. Sa magkasunod na campaign sorties sa Cavite at Laguna, hindi na binanggit ng Pangulo ang pangalan ng kanyang kapatid na sa mga naunang rallies ay paulit-ulit niyang ipinangampanya. Sa pagtatapos ng speech ng Pangulo sa Laguna, nanawagan siya sa publiko na magkaisa at suportahan ang 11 kandidato ng Alyansa. Muli rin…

Read More

Habang nag-aayos ng side mirror MOTORSIKLO INAGAW SA 2 RIDER

TAGAYTAY CITY – Tinutugis ng pulisya ang dalawang kalalakihan na nanutok ng baril sa dalawang motorcycle rider at tinangay ang kanilang sasakyan habang inaayos ang side mirror sa gilid ng kalsada sa lungsod nitong Biyernes ng madaling araw. Inilarawan ang mga suspek na kapwa nakasuot ng hoodie jacket, maong na pantalon at itim na cap. Ayon sa salaysay ng biktimang si Jemel Barruga y Dechavez, tumigil sila sa gilid ng kalsada, kasama ang angkas nito na si Jennifer Azorez, kapwa residente ng Tondo, Manila, sa Brgy. San Jose, Tagaytay City…

Read More

AMA TINUBO NG ANAK, PATAY

CAVITE- Patay ang isang haligi ng tahanan makaraang hatawin ng tubo sa ulo ng kanyang sariling anak habang sila ay mainitang nagtatalo sa kanilang bahay sa Imus City. Nahaharap sa kasong parricide ang suspek na si alyas “Diego” dahil sa pagpatay sa sariling ama na si Alfredo Blanco y Binuya, residente ng Brgy. Carsadang Bago 2, Imus City, namatay habang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Imus dahil sa sugat sa ulo. Isa pang suspek na kinilalang si alyas “Geofrielle” ang inaresto at nahaharap sa kasong obstruction of justice nang…

Read More