ILALAGAY na sa mahigpit na pagbabantay ng Land Transportation Office (LTO) at Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang kahabaan ng Marikina-Rizal-Laguna-Quezon (Marilaque) Highway matapos masawi ang isang motovlogger. Namatay ang motovlogger na si Motopush o John Louie Arguelles sa tunay na pangalan, noong Linggo at pitong iba pa ang sugatan matapos nitong makabanggaan ang isa pang rider na nagkikipagkarerahan habang naka-“Superman” ride o nakadapa sa kanilang motorsiklo. Sa viral video, makikita ang dalawa na nag-uunahan at sa bilis ng arangkada, nawalan sila ng kontrol at nagkabanggan hanggang sa sumalpok…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
16-ANYOS NA RIDER, PATAY SA PICK-UP
LUCENA CITY – Patay ang isang 16-anyos na estudyanteng nagmamaneho ng motorsiklo matapos mabundol at magulungan ng isang pick-up sa loob ng isang subdibisyon sa Brgy. Gulang-Gulang sa lungsod noong Martes ng hapon. Kinilala ng Lucena City Police ang biktimang si Alberto Ria Sera, residente ng naturang subdivision. Ayon sa report, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo papasok sa subdibisyon nang mabangga ng kasalubong na Ford Ranger Raptor pick-up na minamaneho ni Rogelio Obsequias Alternado, 45-anyos, sa palusong na bahagi ng kalsada dakong alas-4:00 ng hapon. Tumilapon ang binatilyo sa…
Read MoreBABAENG TULOG BINARIL, PATAY
CAVITE – Hindi na nagising ng isang babae makaraang pagbabarilin habang natutulog sa kanyang bahay sa Dasmariñas City noong Martes ng gabi. Ayon sa ulat, bandang alas-8:30 ng gabi nang mangyari ang insidente sa bahay ng biktimang si alyas “Rhea” sa Brgy. Sta. Cristina 2, Dasmariñas City. Natutulog umano sa kanyang loft bed ang biktima nang dumating ang mga suspek na armado ng baril at pinagbabaril ito. Hindi binanggit sa ulat kung paano nakapasok sa bahay ng biktima ang mga suspek. (SIGFRED ADSUARA) 563
Read MoreMINI DRUG LABORATORY NADISKUBRE SA CAVITE
NADISKUBRE ang umano’y mini drug laboratory makaraan ang isang pagsabog sa Tanza, Cavite nitong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa ulat, bandang alas-6:00 ng umaga nang mangyari ang pagsabog sa isang bahay sa Leon Fojas St., Brgy. Sahud-Ulan, Tanza, Cavite. Agad namang nagresponde ang mga tauhan ng Tanza Bureau of Fire Protection (BFP) at Tanza Municipal Police Station, sa lugar kung saan tumambad sa kanila ang iba’t ibang drug paraphernalia at mga kagamitan na pinaniniwalaan ginagamit sa paggawa ng ilegal na droga. Wala namang naabutang tao sa nasabing bahay matapos ang…
Read More16 KILO NG SHABU HULI NG PDEA SA CARAGA
TINATAYANG nasa P108 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency Region XIII (PDEA RO XIII), katuwang ang iba pang law enforcement agencies sa isinagawang anti-narcotics operation na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang hinihinalang big time drug dealer sa Caraga Region. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, nasa 16 kilo ng shabu ang nakuha sa dalawang suspect matapos ang ikinasang buy-bust operation. Ayon sa ulat, bandang alas-6:40 ng umaga kahapon naisakatuparan ng PDEA RO13…
Read MoreDAULAH ISLAMIYAH MEMBER, NAPATAY NG MILITAR
ISANG kasapi ng Daulah Islamiyah – Maute Terror Group ang napatay matapos na magkasunod nilang makasagupa ang mga tauhan ng Philippine Army sa Brgy. Kalangan, Piagapo sa Lanao del Sur. Ayon sa ulat ng Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command (AFP – WESMINCOM), unang naka-engkwentro ng mga terorista ang tropa ng Army 8th Scout Ranger noong Sabado na tumagal ng 15 minuto at nakasagupa rin nila ang tropa ng 44th Infantry battalion. Nakuha mula sa napatay na miyembro ng teroristang grupo ang matataas na kalibre ng armas gaya…
Read MoreBANGSAMORO ISLAMIC ARMED FORCES, KINONDENA PANANAMBANG SA MGA SUNDALO
HINDI pinalagpas ng pamunuan ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ang pananambang ng grupo ng lawless elements kamakailan sa Basilan na ikinamatay ng apat katao kabilang ang dalawang sundalo ng Philippine Army. Sa inilabas na pahayag ni Sammy Al Mansoor, BIAF-MILF chief of Staff, mariin nilang inihayag na kanilang kinokondena ang trahedya at walang kabuluhang karahasang nangyari noong Enero 22, 2025 sa Lower Cabengbeng, sa bayan ng Sumisip, lalawigan ng Basilan na ikinamatay ng dalawang sundalo at ikinasugat ng pitong iba pa. Nakikiramay din ang BIAF sa pagkamatay ng dalawa nilang…
Read MoreCONVENIENCE STORE HINOLDAP NG ARMADO NG BARIL, ITAK
CAVITE – Pinosasan ang dalawang empleyado ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo at tinangay ang P11,500 cash ng isang convenience store sa Bacoor City noong Sabado ng umaga. Ayon sa ulat, dakong alas-6:25 ng umaga nang pumasok ang mga suspek sa nasabing convenience store sa Magdiwang Road, Brgy. Molino 2, Bacoor City, na tiyempong walang customer, at agad nagdeklara ng holdap. Tinutukan ng isa sa mga suspek ng baril ang empleyado na si “Ela Mae” habang itak naman ang itinutok ng isa pang suspek sa empleyadong si “Angelica”, inutusan na…
Read MoreHOSTAGE TAKER NG ANAK SA TAYTAY SUMUKO
SUMUKO sa mga awtoridad ang 26-anyos na driver at construction worker ini-hostage ang sariling anak noong Sabado ng gabi sa C6 Road, Lupang Arenda, Brgy. Sta. Ana sa Taytay, Rizal. Ayon kay PCol. Felipe Maraggun, provincial director ng Rizal PNP, kinilala ang suspek na si alyas “Vin,” tubong Guinayangan, Quezon, habang ang anak ay kinilalang si alyas “Athena,” isang taon gulang. Sinabi ni Maraggun na nagsimula ang hostage drama dakong alas-7 ng gabi at tumagal ng mahigit 2 oras na nagdulot ng matinding traffic na umabot hanggang C-6 sa Taguig…
Read More