P200K CASH, GADGETS TINANGAY NG AKYAT-BAHAY

CAVITE – Halos P200,000 halaga ng cash at gadgets ang tinangay ng hinihinalang isang akyat-bahay sa isang negosyante sa Tagaytay City noong Martes ng madaling araw. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang pasukin ng suspek ang bahay ng negosyanteng si Michael Sinique, 52, sa Brgy. Kaybagal Central, Tagaytay City, sa pamamagitan ng pagdaan sa isang bukas na bintana. Tinangay umano ng suspek ang laptop (P64,000), isang Iphone 15 Promax (P67,000), firearm license, driver’s license, tatlong ATM cards, tatlong credit cards, dalawang earpods, at P20,000 cash,…

Read More

DATING TULAK NIRATRAT

RIZAL – Patay ang isang lalaking dating nakulong dahil sa pagkakasangkot sa bentahan ng ilegal na droga, makaraang pagbabarilin sa kanyang bahay sa Brgy. Mambugan, Antipolo City noong Martes ng gabi. Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang kinilalang si Regalado Catanyag Jr., 46-anyos. Ayon sa ulat ng Antipolo Police, bandang alas-10:45 ng gabi, nagpapahinga ang biktima sa kanyang bahay nang biglang dumating ang dalawang armadong lalaki at pinaputukan ito. Agad ding tumakas ang mga suspek patungo sa hindi matukoy na lokasyon matapos ang pamamaril. Dinala…

Read More

P680K SHABU NASAMSAM SA HVT SA PANGASINAN

NASAMSAM ng pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency – Pangasinan Provincial Office (PDEA-PANG PO), Urdaneta City Police Station, at PNP Drug Enforcement Group – Special Operations Unit 1 (PDEG-SOU 1), ang tinatayang P680,000 halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Urdaneta City, Pangasinan. Arestado sa nasabing operasyon ang itinuturing na isang high-value target na drug personality na kinilala ni PDEA Regional Director Dir. III Joel B. Plaza na si Jimmy Andres Pablo, 51, residente ng San Manuel, Pangasinan, nadakip bandang alas-1:40 ng madaling araw nitong Martes, Marso 4,…

Read More

CAMILLE GOES TO THE GRASSROOTS, MEETS WITH BARANGAY LEADERS

TO better understand the plight of those in the barangays, senatorial candidate Camille Villar met with various chapters of Liga ng mga Barangay and local officials in Iloilo and Palawan on Tuesday. Addressing the convention of the Liga ng mga Barangay ng Cebu at the Iloilo Convention Center, Villar focused on the important contribution of barangay leaders in bringing government services to the people. It is through the country’s network of 42,000 barangays that the government is able to reach out to the communities, she noted. She also underscored how…

Read More

RESIDENTE NG BIÑAN CITY UMAPELA SA OMBUDSMAN KAUGNAY SA RECLAMATION NG LAGUNA LAKE

NANAWAGAN ang mga residente ng Biñan City, Laguna sa Office of the Ombudsman na kagyat aksyunan ang kanilang reklamo laban sa mga local government official (LGU) ng kanilang lungsod bunsod ng kawalang aksyon umano ng mga ito upang mapatigil ang reclamation project na isinasagawa sa Laguna Lake. Anila, paglabag ito sa kalikasan at kalusugan sa kanilang komunidad. Sa kanilang sulat sa Ombudsman, sinabi nina Ferdinand Oberos Tabsing, residente ng San Isidro Village, Brgy. Dela Paz at Resurreccion Benite Buarao, ng Zone 7 Wawa Street, Brgy. Malaban, parehong sa Biñan City,…

Read More

OGIE DIAZ INENDORSO SI BAM AQUINO PARA SENADOR

OPISYAL nang inendorso ng entertainment reporter at talent manager na si Ogie Diaz ang kandidatura ni dating senator at independent candidate Bam Aquino bilang senador sa darating na halalan sa Mayo. Sa kanyang YouTube show na Ogie Diaz Showbiz Update, ipinabatid ni Diaz na si Aquino ang isa sa tatlong kandidatong senador na kanyang sinusuportahan. “Heto, hindi ako magbabanggit ng twelve. Basta yung ilan sa kanila, yung iba kasi understood na. Si Bam Aquino, si Kiko Pangilinan, si Heidi Mendoza ang dating COA commissioner,” wika ni Diaz. “Iyan, matitino ‘yan,…

Read More

800K EKTARYA NASAKOP NA NG MGA MINING COMPANY

HALOS walong daang libong ektaryang kabundukan ang nasakop at nasira na ng mga mining company sa buong bansa sa nakaraang tatlong dekada mula nang maipasa ang Philippine Mining Act of 1995 (PMA 95). Ito ang napag-alaman ng grupo ni House Assistant Minority Leader Arlene Brosas na inaasahan niyang lolobo pa ang bilang na ito dahil nakatakdang mag-isyu umano ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng karagdagang 4,200 mga mining permit. “For 30 years, this anti-people and anti-environment law has allowed foreign corporations to plunder our natural resources while…

Read More

PUTING VAN, MOTOR SUMALAKAY: KITA NG MEAT SHOP TINANGAY

CAVITE – Halos P200,000 halaga ng cash ang natangay ng dalawang holdaper na lulan ng isang puting van at motorsiklo, makaraang looban ang isang meat shop sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) sa lalawigan noong Linggo ng umaga. Ayon sa ulat, ang mga suspek ay unang sakay ng isang itim na motorsiklo saka lumipat sa isang puting Starex van na may improvised plate number na 136610. Nabatid pa sa ulat na nakasuot ng itim na facemask ang isa habang naka-half face helmet naman ang isa at armado ng hindi…

Read More

P75-M PEKENG CROCS FOOTWEARS NASAMSAM

UMABOT sa P75 milyong halaga ng pekeng Crocs footwears ang nasamsam ng mga ahente ng Philippine National Police-Criminal investigation and Detection Group sa sinalakay na mga bodega sa lalawigan ng Bulacan. Apat na Chinese nationals ang naaresto ng mga pulis matapos ang tatlong magkakahiwalay na pagsalakay. Kinilala ng PNP ang apat na Chinese nationals na sina Weibin, Zhenpan, Youding, at Wang ng Elite Globus Prime Holdings Corporation na nagmamay-ari ng tatlong warehouse sa Meycauayan, Bulacan. Kasama sa karagdagang nakumpiskang mga ebidensya ang mga resibo ng negosyo, mga computer set, isang…

Read More