SUNDALONG TRAINEE BUMAGSAK, PATAY

CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa pagkamatay ng isang candidate soldier na nag-collapsed habang sumasailalim sa swimming lesson sa bayan ng Ternate sa lalawigan noong Miyerkoles ng umaga. Unang isinugod sa Medical Dispensary saka inilipat sa San Lorenzo Ruiz Hospital ang biktimang si Candidate Soldier Joel V. Jimena. Ayon sa naantalang ulat, sumailalim sa Swimming Lesson with Practical Application ang mga sundalo kabilang si Jimena sa Katungkulan Beach Marine Barracks sa Gregorio Lim, Brgy. Sapang 1, Ternate, Cavite bandang alas-7:10 umaga nang bigla umano itong bumagsak.…

Read More

SERBISYO SA TAGA-MONTALBAN PINABILIS NI NOGRALES

BINISITA ang Amityville Subd., Brgy. San Jose, Montalban, Rizal ni Congressman Fidel Nograles upang maghatid ng tulong pinansyal, tulong pangkabuhayan, tulong medikal, at tulong pang-edukasyon sa mga residente sa nasabing lugar. Mahigit dalawang libong kapos-palad nating senior citizens, kababaihan, at mag-aaral ang nabigyan ng ayuda mula sa mambabatas ng Montalban. Ayon pa sa kanya, alam niyang mahirap ang buhay ngayon, kaya sa pinansyal o personal na problema, ginagawa niya ang lahat upang kahit papaano ay makatulong siya agad, at patuloy siyang kumikilos upang matugunan ang mga kahilingan ng ating mga…

Read More

SINGLE PARENTS SINAGIP SA HUMAN TRAFFICKING

SINAGIP ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 20 kababaihan, karamihan ay single parents, pawang mga biktima ng human trafficking, sa isang establisimyento sa Mandaue City. Sa pangunguna ng NBI-Cebu District Office, sinalakay ng mga awtoridad ang isang bar sa A.S. Fortuna Street sa Barangay Banilad, Mandaue City, na nagresulta sa pagkakasagip sa mga kababaihan. Arestado naman ang umano’y supervisor ng bar na kinilalang si Rizal Novela na maaaring maharap sa kasong paglabag sa anti-human trafficking law. Nag-ugat ang operasyon sa tip ng isang concerned citizen na umano’y…

Read More

7 CPP-NPA MEMBERS NALAGAS SA NUEVA ECIJA ENCOUNTER

NUEVA ECIJA – Patay ang pitong rebeldeng komunista makaraang maka-engkwentro ang tropa ng 84th Infantry “Victorious” Battalion ng Philippine Army, sa Pantabangan sa lalawigan, na nagresulta sa pagkakabawi sa sampung high powered firearms. Ayon kay Philippine Army spokesperson, Col. Louie Dema-ala, base sa ulat na isinumite ng Northern Luzon Command kay CGPA Lt. Gen. Roy Galido, pitong miyembro ng Komiteng Rehiyong Gitnang Luzon ng Communist Terrorist Group (CTG) ang napaslang ng kanilang mga tauhan sa Brgy. Malbang, Pantabangan, Nueva Ecija kamakalawa ng hapon. Batay sa impormasyong ibinahagi ni Lieutenant Colonel…

Read More

P117K NG POULTRY SUPPLY SHOP ITINAGO NG DELIVERY BOY

CAVITE – Swak sa sa kulungan ang isang delivery boy ng isang poultry supply shop nang tangkain nitong ibulsa ang P117,000 na kita ng tindahan sa bayan ng Magallanes sa lalawigan noong Martes ng umaga. Nahaharap sa kasong theft ang suspek na si alyas “Dave”, ng Brgy. Caluagana, Magallanes, Cavite, dahil sa reklamo ng kanyang amo na si alyas “Cris”, may-ari ng poultry supply shop. Ayon sa ulat, dakong alas-11:20 ng umaga nang dumating si Cris sa tindahan at sinabi sa kanya ng kanilang kahera na si “Rose” na nawawala…

Read More

GRUPO NI ‘BOSS TOYO’ NASALISIHAN SA CAVITE

CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Cavite City Police hinggil sa insidente ng salisi sa grupo ng social media influencer na si “Boss Toyo” sa Cavite City noong Martes ng umaga. Ang imbestigasyon ay bunsod ng FB Live ni Boss Toyo na sinabing tinangay ang ilang mga gamit ng kanilang artist, model at mga dancer sa harapan ng isang supermarket sa Barangay 55, Cavite City bandang alas-11:30 ng umaga nang nagtungo ang grupo sa lugar. Agad namang ipinag-utos ni Police Lt. Col. Christopher Guste, hepe ng Cavity Component City Police…

Read More

BOLANG INANOD SA ILOG SINUNDAN, LALAKI NALUNOD

CAVITE – Nalunod ang isang lalaki nang sundan nito ang bola na kanyang nilalaro nang anurin ng malakas na agos sa isang ilog sa Imus City noong Martes ng gabi. Isinugod sa Ospital ng Imus ang biktimang si alyas “Kim” subalit idineklarang dead on arrival. Ayon sa ulat, nagkayayaan ang tropa ng biktima at ilang mga kaibigan na maligo sa Imus River sa Brgy. Tanzang Luma 2, Imus City, bandang alas-12:05 ng hapon. Kasabay ng kanilang paliligo ay naglaro ng bola ang mga ito hanggang anurin ito ng malakas na…

Read More

‘MONSTER’ NG CCG NAMATAAN MALAPIT SA BRP SIERRA MADRE

NAMATAANG gumagala sa paligid ng Philippine Navy BRP Sierra Madre malapit sa Ayungin Shoal ang tinaguriang “The Monster”, ang China Coast Guard 5901 na pinakamalaking barko ng coast guard nitong Martes, Hunyo 25. “We have noted reports of a large China Coast Guard (CCG) vessel passing near the BRP Sierra Madre at Ayungin Shoal,” ayon sa pahayag ng Armed Forces of the Philippines. Ayon sa Hukbong Sandatahan ang presensya ng CCG vessel sa lugar ay “illegal, coercive, and contrary to the spirit of maintaining peace and stability in the region.”…

Read More

Nakawalang aso hinabol PUMASOK SA BAKURAN NG IBA, PINAPUTUKAN

CAVITE – Inaresto ang isang 63-anyos na senior citizen nang paputukan ang kanyang kapitbahay na pumasok sa kanyang bakuran habang hinahabol ang nakawalang aso sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Lunes ng hapon. Nahaharap sa kasong attempted murder at paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, ang suspek na si alyas “Jerome” ng Brgy. Batas, Silang, Cavite matapos ireklamo ng kanyang kapitbahay na si alyas “Michael”, isang negosyante . Ayon sa ulat, nakawala sa kanilang bahay ang aso ni Michael. Hinabol ni Michael ang kanyang…

Read More