Masayang sinalubong ng SMDC The Strip at Wind, Tagaytay, ang pagdating ng Kapaskuhan sa pamamagitan ng The Grand Christmas Spectacle, isang pagdiriwang na naghatid ng saya, aliw, at diwa ng Pasko sa mga bisita.
Naging tampok sa selebrasyon ang seremonyal na pagpapailaw ng Christmas tree na nagmarka sa pagsisimula ng holiday festivities sa destinasyon. Sinabayan ito ng mga kapana-panabik na pagtatanghal at holiday entertainment na nagbigay ng masayang karanasan sa mga pamilya, magkakaibigan, at bisita sa lahat ng edad.
Inaanyayahan ng SMDC The Strip at Wind ang publiko na bumisita at makiisa sa pagdiriwang ng Pasko sa Tagaytay. Para sa mga susunod na holiday activities, surprises, at exciting giveaways, maaaring sundan ang opisyal na Facebook pages ng SMDC The Strip at Wind at lahat ng SMDC malls and strips.
#SMDCTheStripAtWind #TheGrandChristmasSpectacleAtWIND #ChristmasAtWIND
21 



