NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa natagpuang duguang bangkay na hinihinalang isang banyaga, sa tabi ng isang sasakyan sa Brgy. Iba, Silang, Cavite noong Miyerkoles ng gabi. Isinugod ang biktima sa Silang Medical Specialist ngunit idineklarang dead on arrival. Inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan ng tatlong suspek na nakita ng isang saksi na tumakas lulan ng isang tricycle. Ayon sa ulat ng pulisya, natagpuan ang duguang katawan ng biktima na nakahiga sa semento sa tabi ng isang itim na Toyota Fortuner na may plakang GAM 9593, na ang…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
2 PASLIT NA NAGLARO SA ULAN, NALUNOD SA POSO NEGRO
DALAWANG musmos na naglalaro sa tubig-ulan ang nalunod nang aksidenteng mapunta sa bukas na poso negro na puno ng tubig, ayon sa ulat ng Cotabato PNP. Ayon sa mga imbestigador, nakatanggap sila ng tawag mula Barangay Concepcion hinggil sa pagkalunod ng dalawang day care students sa Purok 10, Barangay Concepcion, Makilala sa lalawigan ng Cotabato. Lumitaw sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, pauwi na sa kanilang bahay ang dalawang paslit na may edad na apat at limang taong gulang, nang makatuwaang maglaro sa ulan. Sa impormasyon ibinigay ni Barangay Concepcion Chairman…
Read MoreHAZING IPINASISILIP SA PAGKAMATAY SA TRAINING NG NAVY STUDENT
NANAWAGAN ng mas malalim na imbestigasyon ang pamilya ng isang Philippine Navy Naval officer candidate na nasawi umano habang nagsasagawa ng pagsasanay sa loob ng Naval Station Leovigildo Gantioqui (NSLG) sa San Antonio, Zambales. Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine Navy na isang male student na sumasailalim sa officer training sa Naval Education, Training and Doctrine Command, ang namatay sa pagamutan. “The Philippine Navy mourns the passing of Officer Candidate Aldwayne B. Dulnuan, PN, a member of Naval Officer Candidate Course Class 47, who passed away on Wednesday, July 22, 2026,…
Read MorePAGTATAYO NG PROVINCIAL HOSPITAL SA BATANGAS NAGDULOT NG BANGAYAN
NAMEMELIGRONG mawala at hindi matuloy ang pondo para sa nakatakdang itatayong provincial hospital sa bayan ng San Juan sa Batangas dahil sa patuloy na debate at bangayan ng ilang mga opisyal kaugnay ng tamang lokasyon nito. Ngunit nanindigan si San Juan Mayor Ildebrando “Beebong” Salud na matutuloy at itatayo ang nasabing ospital para sa mamamayan. Naging mainit na usapin sa San Juan, Batangas ang lokasyon ng itatayong provincial hospital na inaasahang magpapalawak sa serbisyong pangkalusugan ng mga San Juaneño. Unang kinumpirma ni Mayor Salud na sa Barangay Muzon nakatakdang itayo…
Read MoreBUS SWAK SA BANGIN, 30 PASAHERO NAKALIGTAS
WALANG namatay sa 30 pasahero na sakay ng Rimon passenger bus, nang agad silang ma-rescue matapos na bumulusok sa malalim at mapunong bangin sa Loay-Carmen Interior Road sa Barangay Villa Aurora, Bilar, Bohol. Nasa 25 emergency responders mula sa iba’t ibang ahensiya ang mabilis na idineploy matapos na matanggap ang distress call kaugnay sa pagkahulog ng passenger bus sa bangin. Kabilang sa mga nagresponde ang mga tauhan ng Bilar Fire Station, Loboc Fire Station, Bureau of Fire Protection’s Special Rescue Force mula 1st at 3rd Districts, Bilar Search and Rescue…
Read MoreP500-M WATER PROJECTS PARA SA 24-ORAS NA SUPPLY NG TUBIG SA LUCENA
INAASAHANG bubuti at hahaba ang oras ng suplay ng tubig sa Lucena City matapos ilunsad ang 14 waterworks infrastructure projects ng Hiraya Water Corporation, may kabuuang pamumuhunan na P500 milyon, sa ilalim ng bagong concessionaire ng lungsod. Ayon sa lokal na pamahalaan, target ng mga proyekto na mapahaba ang water availability mula sa kasalukuyang 12 hanggang 18 oras at kalaunan ay maging 24-oras kada araw para sa mas maraming kabahayan sa lungsod. Kabilang sa mga proyektong sisimulan ang retrofitting ng Tongko Reservoir sa Tayabas City, Don Victor Ville Source Development…
Read MoreILLEGAL MINING NADISKUBRE, SINALAKAY NG PNP-CIDG
ISANG illegal mining ang nadiskubre at sinalakay ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Brgy. Mabini, Surigao City. Apat katao ang inaresto ng mga pulis katuwang ang mga kinatawan ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Tinatayang nasa P9.5 milyong halaga ng mga ebidensya ang nakumpiska sa mga suspek. Ayon sa ulat, inaresto ang apat matapos mahuli ang mga ito na nagsasagawa ng ilegal na pagmimina nang walang kaukulang mga permit at dokumento mula sa DENR. Sa…
Read MoreBOKAL SA BULACAN SUSPENDIDO NG 30-DAY
PINATAWAN ng 30-araw na suspensyon ng Committee on Ethics and Privileges ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Bulacan, ang isang bokal kaugnay ng ethics complaint na isinampa sa kanya ng kapwa niya bokal. Sa 8-pahinang desisyon sa ilalim ng Resolution No. 629-S’2026, pinagtibay ng Sangguniang Panlalawigan ang pagpataw ng suspensyon kay Board Member Efren Bartolome Jr. ng Lone District ng Lungsod ng San Jose Del Monte, sa ginanap na regular session noong Hulyo 16. Magugunitang pormal na naghain ng reklamo o ethics complaint na ‘sexual harassment’ si Board Member Romina Fermin…
Read More17th MULTILATERAL MARITIME COOPERATIVE ACTIVITY ISINAGAWA NG AFP, US, JAPAN SA WEST PH SEA
MATAGUMPAY na natapos ng Armed Forces of the Philippines (AFP), kasama ang United States Pacific Command (USPACOM) at Japan Maritime Self-Defense Force (JMSDF), ang 17th Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA) na isinagawa sa West Philippine Sea mula Hulyo 21 hanggang 25. Lumahok ang Pilipinas sa maritime exercise gamit ang BRP Antonio Luna (FFG-15), Philippine Navy AW109 helicopter, Philippine Air Force FA-50 fighter aircraft, TC-90, A-29B Super Tucano, C-208B aircraft, at Sokol Search and Rescue helicopter. Nagdeploy din ang Philippine Coast Guard ng BRP Melchora Aquino (MRRV-9702) at BRP Malabrigo (MRRV-4002).…
Read More