MEKANIKO INABANGAN BINARIL, PATAY

PATAY ang isang 32-anyos na mekaniko nang pagbabarilin ng isang lalaki na nag-abang sa pagdating nito sa sa Dasmariñas City, Cavite noong Linggo ng umaga. Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si alyas “Ramir” ng Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City dahil sa tama ng bala sa kanyang katawan. Nakilala naman ng isang saksi ang suspek na si alyas “John” na tumakas matapos ang pamamaril. Ayon sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklong Honda Click 150 at binabagtas ang kahabaan ng Zone 5, Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City makaraang…

Read More

MOTOR SUMALPOK SA PUNO; ANGKAS PATAY, DRIVER SUGATAN

NASAWI ang babaeng backrider habang sugatan ang babaeng driver nang bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang puno habang binabagtas ang kahabaan ng E. Aguinaldo Highway, Brgy. Biga II, Silang, Cavite noong Linggo ng madaling araw. Isinugod sa Silang Specialist Medical Center ang biktimang si alyas “Sonia”, 53, may asawa, ng Brgy. Zone 1, Dasmariñas City, Cavite ngunit namatay habang nilalapatan ng lunas dahil sa matinding sugat sa katawan. Nilalapatan naman ng lunas sa nasabing ospital ang driver ng motorsiklong Yamaha Mio M3, residente ng San Rafael, Tarlac City dahil…

Read More

GUN FOR HIRE, NO. 2 MWP DINAKMA SA SAN PABLO CITY

ARESTADO ang isang hinihinalang gun for hire at rank no. 2 regional most wanted person sa CALABARZON, sa isinagawang operasyon ng Police Regional Office 4A sa isang farm sa Barangay San Lucas, San Pablo City nitong Sabado. Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas “Bobby” na nahaharap sa kasong murder. Inaresto siya sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court sa Siniloan, Laguna na walang inirekomendang piyansa. Sa isinagawang preventive search, nakuha mula sa kanyang pag-iingat ang isang kalibre .45 na baril, mga magazine at…

Read More

DROGA NAKUMPISKA SA PORT OF LUCENA

ISANG sachet ng hinihinalang ilegal na droga na nagkakahalaga ng tinatayang P3,400, ang nakumpiska sa Port of Lucena sa Barangay Talao-Talao, Lucena City noong Biyernes, Hulyo 31. Ang nakuhang ebidensiya ay agad na itinurn-over sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Quezon Seaport Interdiction Unit para sa kaukulang kustodiya, laboratory examination, at karagdagang imbestigasyon. Isinagawa ang turnover sa tulong ng magkasanib na operasyon ng Port Police Division ng Philippine Ports Authority, Philippine Coast Guard, Quezon Maritime Police Station, Lucena City Police Station, at Quezon Police Mobile Force Company. Bukod sa isang…

Read More

16 PARES NG KATUTUBO IKINASAL SA MASS WEDDING SA SIERRA MADRE

LABING-ANIM na pares ng mga katutubong Dumagat-Remontado ang nag-isang dibdib sa kauna-unahang Kasalang Bayan na isinagawa sa Sitio Miyunod, Barangay Magsaysay, isang liblib na komunidad sa kabundukan ng Sierra Madre noong Biyernes, Hulyo 31. Pinangunahan ni Infanta Mayor Lord Arnel “L.A.” Ruanto ang seremonya matapos marating ang lugar na nangangailangan ng mahigit dalawang oras na paglalakad sa matarik na kabundukan. Bilang bahagi ng programa, nagbigay ang lokal na pamahalaan ng libreng handaan, kasal package, dalawang sako ng bigas at tig-P2,000 na tulong-pinansyal sa bawat bagong kasal. Kasabay ng pagdiriwang, muling…

Read More

GRUPO SA SC: BANGSAMORO HUWAG GAWING ‘EXPERIMENT’

NANAWAGAN ang AMANA-BARMM sa Supreme Court (SC) na agarang resolbahin ang mga kasong kumukuwestiyon sa legalidad ng ilang batas kaugnay ng parliamentary elections sa Bangsamoro, kasabay ng panawagang huwag nang gawing “experiment” ang rehiyon. Naghain ang grupo ng Very Urgent Motion to Resolve upang hilingin sa Korte Suprema na maglabas ng desisyon sa mga nakabinbing petisyon. “Alam natin, palaging sinasabi na ang BARMM sa una ay hindi na-success, baka mangyari na naman iyon. Paulit-ulit na kaming ginagawang experiment sa Bangsamoro. Parang laging experiment ang Bangsamoro,” ani AMANA-BARMM petitioner at convenor…

Read More

4 MALAYSIAN NATIONALS ARESTADO SA PAGPATAY SA KABARO

SILANG, Cavite — Apat na Malaysian national ang inaresto kaugnay ng brutal na pagpatay sa kanilang kabaro na natagpuang tadtad ng saksak sa Silang, Cavite noong Huwebes. Kasalukuyang nasa kustodiya ng Silang Municipal Police Station ang apat na suspek at nahaharap sa kasong murder na isasampa sa Provincial Prosecutor’s Office. Ayon kay Silang Mayor Ted Carranza, mabilis na nagsagawa ng follow-up operation at CCTV backtracking ang mga operatiba ng Silang Municipal Police Station. Nang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek, nakipag-ugnayan ang pulisya sa Pasay City Police Station matapos mapag-alamang…

Read More

PAMANGKIN NG TAYABAS MAYOR, ITINANGGING SANGKOT SA DRUG TRADE

MARIING itinanggi ng pamangkin at administrative aide ni Tayabas City Mayor Piwa Lim na si Showtie Lim, ang kumakalat na alegasyon sa social media na umano’y sangkot siya sa kalakalan ng ilegal na droga sa lungsod. Sa isang pahayag, sinabi ni Showtie Lim na walang katotohanan ang viral na post na nag-uugnay sa kanya sa pagtutulak ng illegal substance at sa umano’y paggamit ng impluwensiya ng alkalde upang makaiwas sa pananagutan. Bilang patunay, nagpakita siya ng sertipikasyon mula sa Tayabas City Police Station na nagsasabing wala siyang rekord o pagkakasangkot…

Read More

MAHIGIT P2-M SMUGGLED YOSI, NAKUMPISKA SA ZAMBOANGA

KALABOSO ang isang driver ng van makaraang maharang ng mga awtoridad na may kargang pinaghihinalaang smuggled na mga sigarilyo. Ayon sa ulat, nahuli ng mga tauhan Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kasama ang Bureau of Customs, ang van sa Barangay Sta. Catalina, Zamboanga City. Tumambad sa kanila ang laman ng minivan na may kargang 11 master cases at 140 reams ng umano’y puslit na mga sigarilyo. Nang hanapan ng kaukulang dokumento ay wala itong maipakita, dahilan upang siya’y arestuhin ng mga awtoridad. Napag-alaman na nagkakahalaga ng mahigit sa P2…

Read More