TULUYAN nang lumabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Typhoon “Noul” (dating Bagyong Kiyapo), ngunit tatlo katao ang iniulat na nasawi dahil sa mga pag-ulan na dulot nito sa Mindanao, ayon sa Office of Civil Defense (OCD). Ayon kay OCD Deputy Spokesperson Diego Agustin Mariano, kasalukuyan pang bina-validate ng ahensya ang ulat na isa ang namatay sa Davao at dalawa sa Sarangani. May isa ring iniulat na nawawala. Nasa 59,987 pamilya o katumbas ng 285,172 katao ang naapektuhan ng southwest monsoon o habagat na pinalakas ng Tropical Storm Kiyapo.…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
PAGKANSELA SA 247-MW WIND POWER PROJECT SA BANAHAW KINUMPIRMA
KINUMPIRMA ng Department of Energy (DOE) ang kanselasyon ng Wind Energy Service Contract (WESC) para sa planong 247-megawatt Banahaw Wind Power Project sa Quezon, kasunod ng boluntaryong pag-atras ng kontrata ng project developer. Batay sa liham na may petsang Hulyo 20, 2026 na nilagdaan ni Renewable Energy Management Bureau Director Atty. Marissa P. Cerezo, tinanggap ng DOE ang pagbawi ng kontrata noong Enero 26, 2026. Inilabas ang kumpirmasyon bilang tugon sa inquiry ng environmental group na Tanggol Kalikasan Inc. na isinumite noong Abril. Sakop sana ng proyekto ang mga bahagi…
Read MoreMT. MACULOT SA BATANGAS BAWAL PA RING AKYATIN
NANANATILING mahigpit na ipinagbabawal ng Pamahalaang Lokal ng Cuenca, Batangas ang lahat ng uri ng pag-akyat sa Bundok Maculot. Saklaw ng pagbabawal ang buong kabundukan, kabilang ang lahat ng ruta, bahagi ng bundok, at anomang layunin ng pag-akyat. Nilinaw ng Tourism Office ng Cuenca na walang katotohanan ang mga kumakalat na pahayag na maaari nang umakyat sa ilang bahagi ng bundok gaya ng Rockies, o na tanging summit lamang ang sarado. Ayon sa tanggapan, ang naturang mga impormasyon ay hindi dumaan sa barangay, sa lokal na pamahalaan, o sa kanilang…
Read MoreLALAKI PATAY SA PAMAMARIL SA GMA, CAVITE
PATAY ang isang 24-anyos na lalaki matapos pagbabarilin habang nakaupo sa harapan ng bahay ng kanilang kapitbahay sa General Mariano Alvarez (GMA), Cavite, Huwebes ng gabi. Kinilala ang biktima sa alyas na “Richard,” residente ng Barangay F. Reyes, GMA, Cavite, na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan. Sa paunang imbestigasyon, nakaupo ang biktima sa harapan ng bahay ng kanilang kapitbahay dakong alas-9:30 ng gabi nang dumating ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ito, na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay. Matapos ang insidente, kaswal na naglakad at tumakas ang…
Read MoreLALAKI ARESTADO SA PANGINGIKIL SA DATING ASAWA
ARESTADO ang isang lalaki matapos maaktuhang tumatanggap ng pera mula sa kanyang dating asawa kapalit ng hindi umano nito pananakit sa isinagawang entrapment operation sa loob ng isang kilalang fast food chain sa Bacoor City, Cavite, Huwebes ng hapon. Nahaharap sa kasong extortion ang suspek na kinilalang si alyas “Ronuel,” batay sa reklamong inihain ng kanyang dating asawa. Ayon sa imbestigasyon, nagsumbong ang biktima sa pulisya na palagi umano siyang inaabuso ng suspek. Hinihingan din umano siya nito ng P80,000 bilang kabayaran sa isang nasirang painting at kapalit ng hindi…
Read MoreHIGIT APAT NA TONELADANG HINIHINALANG BOTCHA, NAKUMPISKA NG CIDG AT NMIS SA CAVITE
NAKUMPISKA ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), katuwang ang National Meat Inspection Service (NMIS) ng Department of Agriculture (DA), ang mahigit 4.4 toneladang hinihinalang botcha na nagkakahalaga ng P1.3 milyon sa Dasmariñas City, Cavite. Isinagawa ang operasyon sa loob ng KADIWA Public Market, Basement 2, sa bisa ng mission order na inilabas ng NMIS. Ayon sa mga awtoridad, bukod sa hinihinalang mishandled ang mga karne, hindi rin umano ito rehistrado at walang tatak na nagpapatunay na dumaan sa inspeksyon ng NMIS. Kasunod ng operasyon, nagbabala ang CIDG at NMIS…
Read MoreSILVERIO KAMPEON SA MEDIA 9-BALL FINALS
FIRST runner-up si Eric Silverio (kaliwa) ng Manila Times sa Class A at si Jojo Perez, Pilipino Star, ang nagwagi sa Class B Division. (Ulat at larawan ni Jun Villarica) TINANGHAL bilang overall champion si Eloisa Silverio ng Saksi Ngayon sa katatapos lamang na Centro News’ 3rd Invitational Media 9-Ball Tournament sa Class A category na ginanap sa 923 Billiards, Vista Mall, Lungsod ng Malolos noong July 22-23, 2026. Bukod kay Silverio, kampeon din sa Class B category si Jojo Perez ng Pilipino Star kung saan nasa 22 journalists mula…
Read More11 LALAWIGAN SIGNAL NO. 1 SA TD KIYAPO
INILAGAY na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ng state weather bureau ang 11 lalawigan nitong Huwebes ng umaga habang papalapit ang Tropical Depression Kiyapo sa hilagang dulo ng Luzon, para makapaghanda ang mga lugar na posibleng maapektuhan ng mga pag-ulan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa). Saklaw ng nasabing babala ang Batanes; Cagayan, kabilang ang Babuyan Islands; Isabela; Apayao; Abra; Kalinga; gitna at silangang bahagi ng Mountain Province; silangang bahagi ng Ifugao; Ilocos Norte; hilagang bahagi ng Ilocos Sur; at hilagang bahagi ng Aurora.…
Read MoreNARATIBO NG CCG SA AYUNGIN INCIDENT TINABLA NG AFP
PINASINUNGALINGAN ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pahayag ng China Coast Guard (CCG) na pinayagan umano silang magsagawa ng medical evacuation para sa dalawang sugatang miyembro ng Philippine Navy matapos ang insidente sa Ayungin Shoal. Ayon sa AFP, fake news ang inilabas na naratibo ng CCG dahil hindi kinakailangan ng Pilipinas na humingi ng pahintulot sa anumang banyagang bansa upang magsagawa ng operasyon sa loob ng sariling Exclusive Economic Zone (EEZ). Iginiit ng AFP na ang naturang pahayag ng CCG ay isang maling naratibo na naglalayong magpakita ng…
Read More