KATAGAY KINATAY NG 16-ANYOS

CAVITE – Tinutugis ng pulisya ang isang 16-anyos na Grade 10 student makaraang saksakin ng isang ice pick ang nakatatandang kainuman na namagitan sa away ng mga bagets at nagresulta sa kamatayan ng biktima sa bayan ng Silang sa lalawigan nitong Lunes ng madaling araw. Isinugod sa Silang Specialist Medical Center (SSMC) ang biktimang si alyas “Kev”, 29, isang construction worker, ng Brgy. Biga 1, Silang, Cavite ngunit idineklarang dead on arrival dahil sa saksak sa dibdib. Kinilala naman ang suspek na isang Grade 10 student, ng Barangay Adis,Silang, Cavite,…

Read More

OBRERO HULI SA P.6-M SHABU

CAVITE – Swak sa kulungan ang isang 20-anyos na construction worker nang mahulihan ng tinatayang P.6 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa parking lot ng isang kilalang fastfood restaurant sa Trece Martires City sa lalawigan noong Linggo ng umaga. Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5, Art. II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act, ang suspek na si alyas “Salik”, ng Dasmariñas City, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga, nagsagawa ng buy-bust operation ang Provincial Drug Enforcement Agency ROIv-A RSET 1 at…

Read More

BABAERO ITINUMBA NG RIDER

PATAY ang isang 23-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng isang gunman na lulan ng motorsiklo sa panulukan ng Felix Huertas at Bambang Streets sa Sta. Cruz, Manila noong Linggo ng gabi Kinilala ang biktimang si Aaron Gibb Mamucod, jobless, ng Tondo, Manila. Mabilis namang tumakas ang hindi nakilalang suspek makaraan ang insidente. Base sa ulat na isinumite ni Det. Arvy Macarasig kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District Homicide Section, bandang alas-8:50 ng gabi pagbabarilin ng suspek ang biktima sa naturang lugar. Blanko pa ang pulisya sa posibleng…

Read More

BANGKA LUMUBOG, 2 MANGINGISDA NASAGIP

NASAGIP ang dalawang mangingisda nang lumubog ang sinasakyang bangka sa karagatang bahagi ng Cabra Island sa Kubang, Occidental Mindoro noong Sabado . Nang matanggap ang impormasyon, agad na nakipag-ugnayan ang mga tauhan ng Coast Guard Sub Station (CGSS) Lubang sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) Lubang para sa sea ambulance para maglunsad ng search and rescue operation sa fishing banca “Rex and Roy”, lulan ang dalawang mangingisda. Namataan ng Coast Guard and PDRRMO na nakalubog ang kalahati ng bangka kaya agad tinulungan ang mga mangingisda na kinilalang sina…

Read More

Bahay ng anak ng amo pinasabog noong 2010 WANTED NA KASAMBAHAY NABITAG SA TAYABAS CITY

ARESTADO ng mga awtoridad ang isang dating kasambahay na suspek sa pagpapasabog sa bahay ng anak ng kanyang employer na ikinamatay ng babaeng amo, sa manhunt operation ng Tayabas PNP sa Brgy. Lalo, Tayabas City noong Sabado ng ng madaling araw. Ayon sa Tayabas PNP, ang suspek na kinilalang si Rhea Coroza Dalde, 36-anyos, residente ng nasabing lugar, ay tinaguriang most wanted person sa provincial level at nakapagtago sa batas sa loob ng halos 14 taon. Nahuli ang suspek dakong alas-4:00 ng madaling araw noong Sabado sa pamamagitan ng isang…

Read More

NAGNAKAW NG ADOBO TINANGAY PATI KALDERO

NUEVA VIZCAYA – Arestado ang apat na lalaki matapos tangayin ang isang kalderong adobo sa isang karinderya sa bayan ng Bagabag, sa lalawigan. Kaagad namang natimbog ang apat matapos makilala ang mga ito dahil sa kuha ng CCTV ng establisyemento. Sa nasabing footage ng CCTV, nakita na magkakasunod na dumating ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo. Isa sa mga motorsiklo ang huminto sa tapat sa karinderya at bumaba ang nagmamaneho na nakasuot ng itim na t-shirt at puting sumbrero at pumalit sa kanya ang backrider na nakasuot ng basketball…

Read More

3 MINORS ARESTADO SA MOTORNAPPING

CAVITE – Nasa kustodiya na ng City Social Welfare and Development (CSWD) ang tatlong menor de edad na mga estudyante na naaresto makaraang tumangay ng nakaparadang motorsiklo sa Imus City noong Huwebes ng madaling araw. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10883 (carnapping) ang naarestong mga suspek na sina alyas “Cedric”, 15, “Levi”, 16, at “King”, 17, pawang mga estudyante at residente ng Talon, Las Piñas City. Ayon sa ulat, dakong alas-8:30 noong Miyerkoles ng gabi nang iparada ng biktimang si alyas “Jim”, 26, factory worker ang kanyang motorsiklong na…

Read More

MAGDYOWANG PRANSES, PINAY NATAGPUANG PATAY SA TENT

BOHOL – Natagpuang walang buhay ang mag-live -in partner na isang French national at Pinay sa loob ng isang camping tent na itinayo sa loob ng isang pribadong subdivision sa Tagbilaran City, sa lalawigan nitong Biyernes ng umaga. Ayon sa inisyal na report ng Bohol Police Provincial Office (BPPO), natagpuan ang mga labi ng French national na may edad 39-anyos, at ng Pinay na may edad 30-anyos, sa loob ng tent na itinayo sa loob ng Camella Homes sa Barangay Bool. Ayon sa BPPO, isang residente ang nagpaabot sa kanila ng impormasyon na may dalawang bangkay ng tao ang natuklasan…

Read More

P20-M DROGA NASABAT SA 2 BUY-BUST SA CEBU

CEBU – Tinatayang mahigit sa P20 milyong halaga ng illegal drugs ang nakumpiska ng mga awtoridad sa dalawang magkasunod na buy-bust operation sa lalawigan. Naaresto ang dalawang high value individuals (HVIs) at nasamsam sa mga ito ang dalawang kilo ng ilegal na droga. Ayon sa Cebu PNP, isinagawa ang unang operasyon sa Sitio Upper, Barangay Bacayan sa Cebu City noong Martes ng gabi at natimbog ang isang Kenneth Cabajar, 26, na isang regional HVI. Nakumpiska sa suspek ang 15 medium packs ng ilegal na droga na tinatayang may timbang na…

Read More