DATING OPISYAL NG ARMM RESPONSE TEAM, PATAY SA AMBUSH

COTABATO CITY – Patay ang dating director ng ARMM Humanitarian Emergency Assistance and Response Team o ARMM HEART, matapos tambangan habang sakay ng kanyang van sa Ramon Rabago Street, Mother Rosary Heights sa lungsod noong Linggo ng gabi. Ayon sa report ng Cotabato City Police, sakay ang biktimang si Engr. Ramil Masukat ng kanyang Toyota Avanza nang pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng motorsiklo sa mataong lugar, hindi kalayuan sa police station sa Rabago Street sa Purok Balikatan. Bagama’t may mga tama ng bala, nakapagmaneho pa ito papalayo ngunit…

Read More

4 PATAY SA SUNOG SA LUCENA CITY

LUCENA CITY – Apat ang kumpirmadong namatay sa sunog na sumiklab sa lungsod nitong Biyernes ng madaling araw. Kabilang sa namatay ang dalawang matanda, isang 18-anyos na lalaki at isang batang lalaki. Kinilala ng Lucena PNP ang mga biktimang ang 72-anyos na na si Lolit Lubiano, isang bed ridden na PWD; Juanito Hernando, 65; ang senior high School student na si Jay Mark Hernando, 18; at ang 8-anyos na si Mark Rainiel Hernando. Habang sugatan si Margarita Lubiano Punzalan, anak ng namatay na si Lolit, na dumanas ng 2nd degree…

Read More

LASING TINAGA NG MISIS NG KATAGAY

QUEZON – Tinaga sa mukha at likurang bahagi ng ulo ang isang lasing na lalaki ng misis ng nakaaway nitong kainuman sa bayan ng General Nakar sa lalawigan noong Miyerkoles ng hapon Nakaratay ang biktima sa PGH Hospital sa Cabanatuan City, Nueva, Ecija kung saan ito isinugod ng kanyang mga kaanak. Ayon sa report ng General Nakar Police, nangyari ang insidente sa malayo at bulubunduking lugar ng Sitio Dinigman, Brgy. Canaway, General Nakar. Nag-iinuman umano ang biktimang si Joseph, 36, at ang mister ng suspek na si Jeanly, nang maghamong…

Read More

P680K SHABU NASAMSAM SA COCK BREEDER

CAVITE – Umabot sa mahigit kalahating milyong pisong halaga ng shabu ang nasamsam sa arestadong high value individual sa ikinasang buy-bust operation sa bayan ng Tanza sa lalawigan noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Gamol”, 29, cock breeder, residente ng Brgy. Sto. Niño 2, Dasmariñas City. Ayon sa ulat ni Police Corporal Edhcel Manalo ng Tanza Police Station, dakong alas-8:00 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Team ng Tanza Police Station sa Brgy. Paradahan 1, Tanza, Cavite na nagresulta…

Read More

2 BATA KAPWA PATAY SA NABUWAL NA PUNO

CEBU – Dalawang bata ang namatay makaraang mabagsakan ng nabuwal na puno ng buli sa Sitio Luy-a, Barangay Lamac, sa bayan ng Pinamungajan sa lalawigan noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang dalawang batang biktima na sina John Mark Abarquez, 15, nakaupo sa kanyang motorsiklo nang mangyari ang insidente, at John Kyle Cabilino, 12-ayos. Ayon sa report ng Pinamungajan Police, dakong alas-2:00 ng hapon, pauwi na ang mga biktima, kasama ang ilan pang bata galing sa paglilinis ng damo sa bukid, nang pansamantalang sumilong ang mga ito sa puno dahil sa…

Read More

SECURITY GUARD PATAY SA DUMP TRUCK

CAVITE – Patay ang isang security guard nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang dump truck habang nagdidiskarga ng buhangin sa Gen. Trias City sa lalawigan, noong Huwebes ng madaling araw. Isinugod sa Gen. Trias Medicare Hospital ang biktimang si alyas “Joebert”, 37, security guard, ngunit namatay habang nilalapatan ng lunas. Kinilala naman ang driver ng isang Shaanxi X3000 dump truck na si alyas “Christian”, 28 ng San Ildefonso, Bulacan. Ayon sa ulat, dakong alas-12:12 ng madaling araw, nakatigil ang minamanehong dump truck ng driver na si Christian sa C.M.…

Read More

BEBOT TIMBOG SA P3.5-M SHABU

QUEZON – Himas-rehas ang isang dalaga makaraang madakma ng mga awtoridad sa buy-bust operation at nakumpiskahan ng P3.5 milyong halaga ng umano’y shabu sa Brgy. Pili, sa bayan ng Sariaya sa lalawigan nitong Huwebes ng madaling araw. Ayon kay Sariaya Police chief, Police Major Romar Pacis, ang suspek ay kinilalang si alyas “Sharon,” 47-anyos, residente ng Brgy. Isabang Tayabas City, nakatala bilang “newly identified drug personality”. Ayon sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang matiyempuhan ito ng mga awtoridad matapos matiktikan na may dalang malaking bulto ng droga na…

Read More

3 PATAY, 29 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 5 SASAKYAN

BATAAN – Patay ang tatlo katao habang 29 ang sugatan sa nangyaring aksidente sa Olongapo-Gapan Road, sakop ng Brgy. Bangal, sa bayan ng Dinalupihan, sa lalawigan noong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa report ng Dinalupihan Police, sangkot sa aksidente dakong alas-6:25 ng gabi ang isang pampasaherong bus na umararo sa isang pampasaherong jeep, isang motorsiklo at dalawang tricycle. Ayon sa ulat, tinatahak ng Arayat Express bus na minamaneho ng 54-anyos na si Edwin Sandoval, ang Jose Abad Santos Avenue patungong Olongapo City, nang mawalan ito ng kontrol matapos tangkaing mag-overtake…

Read More

Takot ng mga taga Bulacan napawi RUBBER GATE SA ANGAT DAM, NAPALITAN NA

SA wakas nabura na ang takot sa isipan ng libo-libong mga residente ng Bulacan malapit sa Angat Dam at kalapit na mga bayan nang ipahayag ng National Irrigation Administration na napalitan na nila ang kinatatakutang defective rubber gate ng dam na maaaring magdala ng delubyo sa lalawigan. Ayon sa NIA, naikabit na nila ang bagong Rubber Gate No. 5 sa Angat Afterbay Regulator Dam na mas kilala bilang Bustos Dam, isang river type of dam na nasa Barangay Tibagan, Bustos, Bulacan. Pinangunahan ni NIA OIC Deputy Administrator for Engineering and…

Read More