CAVITE – Sugatan ang tatlo katao, kabilang ang isang senior citizen nang gulpihin ng tatlong lasing na kalalakihan na lumusob sa kanilang lugar sa Dasmariñas City noong Lunes ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa Pagamutan ng Dasmariñas ang mga biktimang sina alyas “Billy”, 40, isang painter; alyas “Mulong”, 38, tricycle driver, at alyas “Librado”, 66, mga residente ng Brgy. Burol 3, Dasmarinas City. Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek na si alyas “Totoy”, 27, mekaniko, at alyas “Bokbok”, 29, maintenance crew, kapwa residente ng Brgy. Burol 3, Dasmariñas…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
1 PANG MIYEMBRO NG VELASCO DRUG GROUP, 2 KASAMA TIMBOG
CAVITE – Umabot na sa limang miyembro ng grupo ng Velasco drug group, kabilang ang kanilang lider, ang hawak na ng mga awtoridad makaraang isa pang miyembro nito at dalawang kasama ang naaresto sa buy-bust operation sa Bacoor City noong Sabado ng umaga. Bukod sa naarestong miyembro ng Velasco Drug Group na si alyas “Kuya”, 38, ng Brgy. Zapote 1, Bacoor City, Cavite, naaresto rin si alyas “Ronnie”, 46, at alyas “Angela”, 26, kapwa residente ng Taguig City, pawang nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs) ng pulisya. Ayon sa…
Read MoreBAHAGI SA NATIONAL WEALTH TAX NG ANGAT DAM ILALABAN NG BULACAN
LUNGSOD NG MALOLOS—Maghahain ng motion for reconsideration sa Supreme Court (SC) ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Governor Daniel Fernando, kaugnay ng inilabas na desisyon kamakailan ng Kataas-taasang Hukuman na nagtanggal sa lalawigan sa mga karapatan nito o share sa nasabing national wealth tax. Sa panayam kay Gov. Daniel Fernando, matapos matanggap ang kopya ng desisyon ng SC, agad inatasan nito si Provincial Legal Officer (PLO) Abogado Gerard Nelson Manalo, na hilingin sa mataas na hukuman na muling isaalang-alang ang hinahabol na rights o share na dapat ay…
Read MoreMISIS BINARIL NI MISTER BAGO NAGBARIL SA ULO
BATANGAS – Trahedya ang sinapit ng isang pamilya sa bayan ng Cuenca sa lalawigan matapos na barilin ng mister ang kanyang misis at pagkatapos ay magbaril din sa sarili noong Sabado ng umaga. Kinilala ng Cuenca Police ang mag-asawang sina Candido at Elsa Mendaña. Ayon sa report dakong alas-7:00 ng umaga, magkasamang nakasakay sa kanilang owner type jeep ang mag-asawa nang biglang na lamang bumaba sa sasakyan ang misis at magsisigaw na humihingi ng tulong dahil papatayin daw siya ng kanyang mister. Tumakbo itong papalayo subalit kasunod ding bumaba ang…
Read MoreMENOR DE EDAD, 1 PANG RIDER PATAY SA DRAG RACING
GENERAL SANTOS CITY – Dalawang rider na sangkot sa drag racing ang namatay sa magkahiwalay na aksidente sa Fil-Am Road sa Brgy. Fatima sa lungsod, noong Biyernes ng madaling araw. Batay sa kuha ng CCTV, kita ang matutulin na pagtakbo ng mga motorsiklo. Hindi katagalan ay biglang sumalpok ang isang motorsiklo sa kasalubong nitong SUV na paliko sana sa highway. Ayon sa imbestigador ng Gensan Traffic Enforcement Unit, sinubukan pang i-revive ang 17-anyos na biktima na isang Grade 12 student subalit binawian ito ng buhay sa ospital. Nagkaaregluhan naman ang…
Read MoreINI-REPORT NA MAGNANAKAW SIYA MISMO, LOLO ARESTADO
CAVITE – Hindi umubra sa pulisya ang drama ng isang 62-anyos na lolo na nag-report sa presinto na pinasok ang kanyang bahay at tinangay ang tinatayang P1 milyong cash at dalawang laptop, matapos nabisto na siya mismo ang nagnakaw sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Huwebes ng umaga. Nahaharap sa kasong perjury ang suspek na si alyas “Ferdie”, tubong Pampanga, at residente ng Brgy. Poblacion 3, Silang, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-11:50 ng umaga, nagtungo ang suspek sa presinto upang i-report na pinasok ng magnanakaw ang kanyang bahay…
Read MoreINA, 2 PANG KAANAK PATAY SA PANANAGA NG AMOK
BOHOL – Patay ang ina at dalawa pang kaanak nang biglang magwala at managa ang isang lalaki sa Brgy. Calvario, sa bayan ng Lila sa lalawigan noong Huwebes ng umaga. Bukod sa tatlong napatay na mga biktima, tatlo pang kapamilya ng suspek ang nasugatan sa insidente. Kinilala ang dalawa sa mga napatay na sina Leonora Quimba, 70, ina ng suspek na agad nalagutan ng hininga sa lugar, at hipag nito na si Vevencia Quimba, 79, idineklara namang dead on arrival sa ospital. Ayon kay Bohol Police Provincial Office Spokesperson Police…
Read MoreMURDER SUSPECT PATAY SA SHOOTOUT SA LAGUNA
LAGUNA – Patay ang suspek sa pagpaslang sa isang tricycle driver matapos na manlaban sa mga awtoridad sa isinagawang hot pursuit operation sa Calamba City noong Huwebes ng gabi. Ayon sa report ng Laguna Police Provincial Office, nasundan ng intelligence operatives ng Calamba City Police Station ang suspek na kinilala lamang sa pangalang “Benjo”, sa pinagtataguan nito sa Purok 7, Brgy. Parian dakong alas-8:25 ng gabi matapos pagbabarilin nito ang kanyang biktima noong madaling araw ng Huwebes. Subalit nang aarestuhin na ito, imbes na sumuko, pinaputukan nito ang mga miyembro…
Read MoreF2F CLASSES SA BULACAN 3-DAY SUSPENDED
LUNGSOD NG MALOLOS – Pansamantalang isasailalim sa tatlong araw na online classes ang lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa lalawigan ng Bulacan simula Abril 4-6, 2024 dahil sa mataas na heat index o temperatura. Ipinaalala ni Gobernador Daniel R. Fernando sa mga Bulakenyo na uminom ng maraming tubig, magdala ng payong kapag lalabas, at magsuot ng kumportable at magaan na damit upang makaiwas sa heat emergencies katulad ng heat cramps, heat syncope, heat exhaustion, at heat stroke kasabay ng pagpalo ng heat index forecast sa 40°C. “Kung…
Read More