NPA NALAGAS SA SAGUPAAN SA GUBAT, SORSOGON

sorsogon

SORSOGON – Isang miyembro ng teroristang grupong New People’s Army ang nalagas sa engkwentro ng mga rebelde at mga tauhan ng PNP at Army sa Sitio Lapinig, Brgy. Togswe, sa bayan ng Gubat sa lalawigan noong Linggo ng gabi. Ayon sa report ni PLTGen. Rhoderick Armamento, commander ng Area Police Command – Southern Luzon (APC-SL), nagsasagawa ng patrolya ang mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion ng PNP kasama ng PNP-SAF, at mga tauhan ng 31st IB ng Army at iba pang government units, nang makasagupa ng mga ito ang…

Read More

HOLDAPER SA JEEP SUGATAN SA PARAK

SUGATAN ang isang isang lalaki na nagtangkang holdapin ang isang pampasaherong jeep makaraang barilin sa binti ng isa sa mga operatiba ng Manila Police District – Sta. Mesa Police Station 8, na mabilis na nagresponde nang humingi ng saklolo ang driver sa Ramon Magsaysay Boulevard, Barangay 634, Sta. Mesa, Manila noong Biyernes ng hapon. Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si alyas “Ryan”, binaril sa binti ni Police Corporal Tristan Dennis Penetrante nang tangkain siyang undayan ng saksak. Ayon sa ulat, dakong alas-4:40 nang sumakay ang suspek sa jeep…

Read More

2 BARIL, BALISONG NASABAT SA 3 CUSTOMERS NG FASTFOOD

CAVITE – Arestado ang tatlong kalalakihan makaraang makumpiskahan ng dalawang baril at balisong habang kumakain sa isang fastfood restaurant sa bayan ng Kawit sa lalawigan noong Sabado ng gabi. Kinilala ang mga arestado na sina alyas “Ramil”, “Jefferson” at “Mark”, pawang nasa hustong edad. Ayon sa ulat, nakatanggap ng ulat ang Kawit Police Station na tatlong kalalakihan ang nakitang may dalang baril habang kumakain sa fastfood restaurant sa Brgy. Magdalo-Putol, Kawit, Cavite. Mabilis namang nagresponde ang mga awtoridad at inaresto ang tatlo dakong alas-10:15 ng gabi at kinumpiska ang dalawang…

Read More

KAYAKER NALUNOD, KASAMANG ASO NAWAWALA

BATANGAS – Nalunod ang isang dalaga habang nagkakayak kasama ng kanyang aso sa dagat sakop ng Brgy. San Teodoro, sa bayan ng Mabini sa lalawigan noong Sabado ng umaga. Ayon sa report ng Mabini Police, natagpuan ng mga crew ng barkong Island Star M Lines ang wala nang buhay na biktima dakong alas-8:00 ng umaga. Ini-ahon nila ito at dinala sa dalampasigan ng Brgy. Anilao Proper, Mabini. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Loren Catino Maravillo, 40, residente ng Sitio Maligaya, Barangay San Isidro, Antipolo, Rizal. Napag-alaman na ang biktima…

Read More

KAGAWAD NA VIRAL SA DAMI NG ALAHAS TINADTAD NG SAKSAK

ORIENTAL MINDORO – Natagpuang walang buhay at tadtad ng tama ng mga saksak sa katawan ang isang barangay kagawad sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. San Vicente Central, Calapan City nitong Linggo ng umaga. Ayon kay Calapan City Police chief, Lt. Col. Danilo Driz, nadiskubre dakong alas-8:30 ng umaga ang bangkay ng biktimang si Dr. Augustine Bolor Jr., alyas “Doc Ting”. Ang biktima ay minsan nang nag-viral sa social media dahil sa napakaraming suot na mga alahas habang nasa isang okasyon. Bukod sa pagiging kagawad, isa ring itong dentista.…

Read More

RIDER BUMANGGA SA PUNO, PATAY

CAVITE – Nalagutan ng hininga ang isang rider makaraang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang puno sa gitna ng center island sa Imus City noong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Niño Edmundo Panganiban Barnido, nasa hustong edad, residente ng Molino 2, Bacoor City, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-4:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente habang minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklong may plakang 323DAR at binabagtas ang Daang Hari sa Brgy. Pasong Buaya 2, Imus City, Cavite patungo sa direksyon ng Aguinaldo Highway. Subalit pagsapit…

Read More

2 ARESTADO SA P1.6-M PEKENG SIGARILYO SA BATANGAS

BATANGAS – Nasamsam ng magkasanib na mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) – Batangas Provincial Field Unit, Rosario, Batangas Municipal Police Station at ng mga tauhan ng isang cigarette company, ang P1.6 milyong halaga ng mga pekeng sigarilyo sa entrapment operation sa bayan ng Rosario sa nasabing lalawigan noong Huwebes ng tanghali. Naaresto rin sa operasyon ang dalawang suspek na kinilala lamang sa mga pangalang alyas “Mark” at “Ronnie”, kapwa residente ng Brgy. Tulos, Rosario, Batangas. Isinagawa ng mga awtoridad ang operasyon dakong alas-12:00 ng tanghali sa…

Read More

RIPRAP SA LAGUNA GUMUHO; 1 PATAY, 2 KRITIKAL

LAGUNA – Isang construction worker ang namatay habang dalawa pa ang sugatan nang gumuho ang ginagawang riprap sa bayan ng Liliw sa lalawigan, noong Huwebes ng hapon. Ayon sa report mula sa Area Police Command – Southern Luzon, dakong alas-4:30 ng hapon, nang gumuho ang inilagay na mga bato at lupa sa riprap ng dam na proyekto ng NIA sa ilog sa Purok 6, Brgy. Calumpang. Bunsod nito, natabunan ang tatlong biktima na ikinamatay ng isa sa mga ito na kinilalang si Vijay Estanda Salisod. Nasagip naman ng kanilang mga…

Read More

DIARRHEA OUTBREAK SA BAGUIO SINUSURI NG DOH

NAALARMA kasabay ang takot na baka lumala ang kaso ng mga biktima ng diarrhea o gastroenteritis kaya maagap nagpaabot ng tulong ang Department of Health (DoH) sa Baguio City. Ito ay upang makontrol ang kaso ng nagkakasakit at ipinapasok sa mga ospital. Magugunitang nitong Miyerkules (Enero 10) nang ideklara bilang outbreak ni Baguio Mayor Benjamin Magalong ang patuloy na pagtaas ng kaso. Isa itong karamdamang nagdudulot ng matubig-tubig na pagduming umaabot ng tatlo pataas sa isang araw. Nagsimula ang pagtaas ng kaso ng diarrhea noong December 21, 2023 base sa…

Read More