EX-OFW SA TAIWAN, ARESTADO SA P50-M SHABU GALING USA

CAVITE – Arestado ang isang dating overseas Filipino worker (OFW) sa Taiwan matapos tanggapin ang isang parcel galing Long Beach California, USA na naglalaman ng P55,200,000 halaga ng umano’y shabu sa Trece Martires City noong Martes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Michael G. Florendo, 36, binata, residente ng Brgy. Hugo Perez, Trece Martires City, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-8:00 noong Martes ng gabi nang naaresto ang suspek sa kanyang bahay sa Brgy. Hugo Perez, Trece Martires City sa aktong tinatanggap ang isang parcel na galing sa Long…

Read More

VAN NAHULOG SA BANGIN SA QUEZON, 7 SUGATAN

QUEZON – Sugatan ang driver at ang anim na pasahero nang mahulog sa bangin ang isang privadong van na sinasakyan ng magkakapamilya sa Maharlika Highway sa Brgy. Bagong Silang, sa bayan ng Calauag sa lalawigang ito, nitong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa report ng Calauag Police, galing sa Taguig City at papunta sa Del Gallego, Camarines Sur ang mga biktima nang mahulog sa nasa limang metrong lalim na bangin ang kanilang sinasakyang Toyota Innova dakong alas-6:45 ng umaga. Kinilala ang mga sugatan na sina Jocelyn Rojo Ervas, Marlyn Montano Marangot,…

Read More

2 MOST WANTED PERSONS TIMBOG SA CAVITE

CAVITE – Arestado ng mga operatiba ng Cabanatuan City Police Station ang itinuturing nilang rank top 9 most wanted person (MWP) provincial level, sa pinagtataguan nito sa Dasmariñas City. Kinilala ang suspek na si alyas “Xienna”, may kasong paglabag sa Anti-Human Trafficking Act of 2023. Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Leonard Aries Paredes ng Dasmariñas City Police Station, ang Cabanatuan City Police Station ay nakipagkoordinasyon sa mga awtoridad sa Dasmariñas City Police, at isinilbi sa suspek ang warrant of arrest dakong alas-6:45 ng hapon noong Lunes sa Barangay…

Read More

MANGYAN PATAY SA TRUCK

BATANGAS – Patay ang isang katutubong Mangyan nang maipit ng isang truck na sumalpok sa harap ng establisyementong kanyang tinutulugan sa Brgy. Taysan, sa bayan ng San Jose sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga. Dead on the spot ang biktimang si Bay-in Yun-im, 36, residente ng Bongabong, Oriental Mindoro. Ayon sa report ng San Jose Police, nangyari ang insidente mag-aalas-6:00 ng umaga, nang magkasabitan muna ang magkasalubong na dump truck at isa pang boom truck sa JP Laurel National Highway matapos na sakupin ng dump truck ang linya ng…

Read More

3 MAGKAKAANAK NALUNOD SA MISAMIS ORIENTAL RESORT

MISAMIS ORIENTAL – Patay ang isang babae gayundin ang dalagang anak nito at ang isa pa nilang kaaanak, matapos na sila ay malunod habang naliligo sa isang beach resort sa Barangay Barra, sa bayan ng Opol sa lalawigan noong Linggo ng umaga. Ayon sa report ng Opol, Misamis Police, ang mga nalunod ay ang nanay na si Charlene Delante, kanyang anak na si Nicka Delante, 20, 2nd year Criminology student, at ang menor de edad na si Ashley Jane Alumbro, pawang mga residente ng Barangay Dominorog sa Talakag, Bukidnon. Nangyari…

Read More

COMELEC PINASASAGOT SA PETISYON NG SMARTMATIC

PINASASAGOT ng Korte Suprema ang Commission on Elections (Comelec) sa petisyon ng Smartmatic, ang service provider ng automated election sa bansa. Bukod sa Comelec, inatasan din magpaliwanag ang mga respondent na sina dating DICT Commissioner Eliseo Mijares Rio Jr., dating Comelec Commissioner Augusto Cadeliña Lagman, Franklin Fayloga Ysaac at Leonardo Olivero Odoño sa petisyon. Mahigpit ang utos ng Korte Suprema sa mga respondent na isumite ang kanilang komento sa loob ng sampung araw. Sínabi ng Kataas-taasang Hukuman na hindi palalawigin ang petsa ng paghahain ng paliwanag. Kailangang personal na isumite…

Read More

PUBLIKO PATULOY NA PINAG-IINGAT SA BAGYONG KABAYAN

PATULOY na pinag-iingat ng Office of Civil Defense ang publiko sa epekto ng Bagyong Kabayan partikular sa mga lugar na dadaanan pa nito. Bagaman’t bahagyang humina ang bagyo matapos na mag-landfall ito malaking bahagi ng Mindanao kahapon, nagbabala ang operating arms ng National Disaster Risk Reduction and Management Council at maging ang PAGASA, na nanatili pa rin ang banta ng landslides at mga pagbaha. Nabatid na isang lalaki ang iniulat na nawawala na posibleng tinangay ng agos sa biglang paglaki ng Casaoman River habang nangunguha ng lumutang na mga niyog.…

Read More

10 MUNISIPYO, LUNGSOD SA BULACAN GINAWARAN NG SGLG AWARD

TUMANGGAP ng ika-7 Seal of Good Local Governance (SGLG) award ang Provincial Government ng Bulacan sa pangunguna ni Gob Daniel Fernando at Bise Gob. Alex Castro gayundin ang sampung munisipalidad at lungsod sa pangunguna nina Angat Mayor Reynante Bautista, DRT Mayor Ronaldo Flores, Marilao Mayor Henry Lutao, Plaridel Mayor Jocell Casaje, Baliwag City Mayor Ferdie Estrella, Pandi Mayor Enrico Roque, Pulilan Mayor Maritz Montejo, Guiguinto Mayor Agatha Cruz, Santa Maria Mayor Bartolome Ramos at Balagtas Mayor Eladio Gonzales sa ginanap na 2023 Seal of Good Local Governance National Awarding Cluster…

Read More

BATA NAGLUPASAY SA NATANGGAP SA EXCHANGE GIFT

NAGLUPASAY sa pagkadismaya ang isang bata dahil sa natanggap na regalo sa exchange gift sa kanilang Christmas party sa eskwelahan. Ayon sa FB post ng magulang ng bata, nag-iiyak ang kanyang anak nang makita ang laman ng kanyang natanggap na regalo. Unang inakala na isang brand ng fresh milk ang kanyang natanggap subalit pinagbalutan lamang pala ito. Ang laman ng kahon ay dalawang putol ng sabong panlaba, isang sabong pampaligo, dish washing liquid at dish washing scrubbing pad. Mensahe ng magulang sa nagbigay ng regalo: “Grabe naman kayo, momentum ng…

Read More