Fireworks stores sa Bocaue, Bulacan ininspeksyon

PINANGUNAHAN nina Bulacan Governor Daniel R. Fernando, PNP chief, PGen Benjamin Acorda Jr., Vice Gov. Alex C. Castro at Bocaue Vice Mayor Sherwin N. Tugna ang fireworks inspection sa mga tindahan ng paputok sa Barangay Turo, Bocaue, Bulacan nitong Biyernes, Dec. 29. Ang mga tindahan sa nasabing bayan ang tinaguriang capital fireworks stores sa bansa kung saan nais nina Fernando at Acorda na matiyak na ligtas ang mga manufacturer, dealers at consumers kasabay ng pagpapaalala sa publiko na huwag tangkilikin ang prohibited firecrackers and pyrotechnics. Prayoridad ni Fernando na siyang…

Read More

4 NPA PATAY SA SAGUPAAN SA ZAMBOANGA DEL NORTE

APAT na kasapi ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa panibagong sagupaan sa bayan ng San Jose at Wilben sa Sergio Osmeña, Zamboanga Del Norte, ayon sa ulat ng Philippine Army. Isa sa mga rebeldeng napaslang ay kinilalang si Charlie Hintapa, alias Esik/Andot, team leader ng guerilla front Sendong. Tatlo pang kasapi ng GF Sendong na napatay ay kinilalang sina Maria Luz Ranan aka Hill/Mona, Jerome Lobo Albios aka Larry/Lomer, at Mary Ann Nabicis aka Bianca/Richel. Sa nasabing encounters, nabawi ng government troops ang isang MK 2 grenade, cellphone,…

Read More

2023 HITIK SA MALALAKING VEHICULAR ACCIDENTS

NAGTALA ng malalaking aksidente sa lansangan ang lilipas na taong 2023. Narito ang mga nakalap ng SAKSI Ngayon na aksidenteng nangyari ngayong taon. Isa sa mga trahedyang gumimbal sa publiko ang pagkahulog ng Ceres bus na nawalan ng preno sa bangin sa Barangay Igbucagay, sa bayan ng Hamtic sa Antique nito lamang Disyembre 5. Umabot sa 18 ang nasawi sa 28 sakay ng bus kabilang ang driver at konduktor. Sa LEYTE, Limang magkakapamilya ang patay at walo ang sugatan nang ang kanilang sinasakyang multicab ay mabangga ng pampasaherong van sa…

Read More

LADY PUSHER ARESTADO SA P100K SHABU

CAVITE – Swak sa kulungan ang isang babaeng tulak matapos maaresto sa ikinasang buy-bust operation at nasamsam ang P115,000 halaga ng umano’y shabu sa Bacoor City noong Martes ng gabi. Kinilala ang naaresto na si alyas “Ate”, nasa listahan ng Street Level Individuals (SLIs) ng pulisya. Ayon sa ulat ni Police Corporal Jerome Asid ng Bacoor City Police, dakong alas-11:00 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Bacoor City Police, sa Brgy. Molino 3, Bacoor City na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. Nakuha sa…

Read More

BINATA NATUMBOK NG JEEP, PATAY

CAVITE – Patay ang isang binata nang masagasaan ng isang pampasaherong jeepney habang tumatawid sa kalsada sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) sa lalawigan noong Linggo ng gabi. Isinugod sa CARSIGMA Hospital ang biktimang si Reuege Zusuki, nasa hustong gulang, ng Brgy. Elises, GMA, Cavite subalit idineklarang dead on arrival. Kinilala naman ang driver ng pampasaherong jeepney na may plakang DXK 695, na si alyas “Ronald”, 52-anyos. Ayon sa ulat, dakong alas-9:42 ng gabi, habang tumatawid sa kalsada ang biktima sa Congressional Road, Brgy. Elises, GMA, Cavite, nang masagasaan…

Read More

4 PATAY SA AKSIDENTE SA MOTORSIKLO

CAVITE – Apat na indibidwal ang naitalang namatay habang apat ang sugatan sa aksidente sa motorsiklo sa magkakahiwalay na insidente sa lalawigan sa mismong araw ng Pasko. Isinugod sa CARSIGMA Hospital ang mga biktimang sina Ronnie Panes Del Rosario, at Anna Mikaela Diche Salmiron, habang sa General Emilio Aguinaldo Hospital naman dinala ang isang ‘di kilalang lalaki at si Mojia Rhegie y Carable, 32, subalit pawang idineklarang dead on arrival. Nilalapatan naman ng lunas sa ospital sina Russel Placido Brinas, Floressa Camille Labrada, 27; Ma. Elisa Joyce Dulay y Tan,…

Read More

16 NPA PATAY SA MILITAR

BIGO ang Communist Party of the Philippine at ang kanilang armadong galamay na patampukin ang kanilang ika-55 anibersaryo nang malagasan sila ang 16 armadong kadre matapos na makasagupa nila ang militar. Kasabay nito ay nagpaliwanag ang Armed Forces of the Philippines na walang dahilan para igalang ang dalawang araw na unilateral ceasefire na idineklara ng CPP-NPA, kasunod ng pagkakapaslang sa siyam pang rebeldeng NPA noong mismong araw ng Pasko. Kinumpirma ng AFP na napatay ang 9 na hinihinalang komunista noong araw ng Pasko sa gitna ng dalawang araw na ceasefire…

Read More

‘COLOR GAMES’ NAMAMAYAGPAG SA BULACAN

KALIWA’T KANAN ang operasyon ng ilegal na pasugalan gaya ng color games sa mga peryahan sa buong lalawigan ng Bulacan. Sa impormasyon ng SAKSI Ngayon, pinapayagan ng mga lokal na opisyal at PNP ang operasyon ng color games sa mga peryahan na matatagpuan sa halos bawat bayan at lungsod dito. Ayon sa reliable source ng SAKSI, talamak at tila kabuteng nagsusulputan ang mga peryahan sa lalawigan at sa ‘di maipaliwanag na dahilan ay lantaran ang sugalan sa loob nito. Ayon sa isang magulang na ayaw ipabanggit ang pangalan, halos mga…

Read More

P2-M ipinatong ng pamilya sa ulo ng mga suspek MANAGER NG SHIPPING LINES PATAY SA PAMAMARIL

NAG-ALOK ng halagang P2-milyong pabuya ang pamilya ng isang kilalang negosyante mula sa Masbate, sa makapagtuturo at makapagbibigay ng impormasyon sa mga pumaslang dito. Ayon sa pamilya ng biktimang si Leo Velasco, nakahanda silang magbigay ng P2 milyon para sa ikalulutas ng kaso. Ang 56-anyos na si Velasco na manager ng Kho Shipping Lines, ay pinagbabaril ng tatlong hindi kilalang mga suspek habang nagkakape sa kanyang bahay sa Brgy. Poblacion, Aroroy, Masbate noong Biyernes ng umaga, Disyembre 15. Dakong alas-6:30 ng umaga nang pwersahang pasukin ito ng mga suspek sa…

Read More