3 SUGATAN SA SUNOG SA PILA, LAGUNA

LAGUNA – Tatlo katao ang nasugatan sa sunog na tumupok sa ilang kabahayan at establisyemento sa isang residential area sa Barangay Sta. Clara Sur, sa bayan ng Pila, sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Ayon sa Pila Police, sumiklab ang sunog sa bahay ng dalawang pamilya, ang Umali at Gonzales family, at kumalat sa ilan pang kabahayan dakong alas-10:48 ng gabi. Nadamay rin sa sunog ang isang sofa bed factory. Agad nagtulong-tulong ang mga residente para sugpuin ang apoy. Ilang minuto pagkaraan ay nagresponde ang mga tauhan ng Pila…

Read More

SENIOR SINAKSAK NG KAPWA DRIVER

CAVITE – Naospital ang isang 60-anyos na senior citizen nang pagsasaksakin ng gunting ng kapwa nito driver makaraang nagtalo dahil sa away-kalsada dulot ng gitgitan ng sasakyan sa Gen. Trias City, noong Sabado ng umaga. Nilalapatan ng lunas sa Gen. Trias Medicare Hospital ang biktimang si Joseph Ramos Aviles dahil sa saksak sa katawan gamit ang gunting ng suspek na si alyas “Reynaldo”, 31, ng Brgy. Cabuco, Trece Martires City. Ayon sa ulat ni Police Master Sergeant Cristopher Dumlao ng Gen. Trias City, dakong alas-2:00 ng hapon nang mangyari ang…

Read More

AKYAT-BAHAY ARESTADO SA KAHOL NI BANTAY

CAVITE – Nabulabog ang dalawang hinihinalang akyat-bahay habang nagnanakaw sa bahay ng isang contractor, dahil sa walang tigil na pagkahol ng aso na nagresulta sa pagkakaaresto sa isa sa mga ito sa Dasmariñas City noong Sabado ng madaling araw. Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Paeng” ng San Francisco 2, Dasmariñas City, habang pinaghahanap ang kasamahan nito na si alyas “Botchok Sumalyo. Kinilala naman ang biktima na si alyas “Bongbong” 36, ng Brgy. Salitran 1, Dasmariñas City. Ayon sa ulat, pinasok ng mga suspek ang bakuran ng biktima dakong…

Read More

ISA PANG KAPITANA PATAY SA AMBUSH

ILOCOS NORTE – Isa na namang babaeng kapitan ng barangay ang namatay sa pananambang ng riding in tandem sa Barangay Tabucbuc, bayan ng Marcos, sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Helen Abrigado, re-elected chairwoman ng Barangay Ferdinand. Ayon sa report ng Ilocos Norte Police Provincial Office, dakong alas 9:00 ng gabi, galing sa Christmas lighting program sa munisipyo ang biktima at pauwi sa kanilang barangay. Habang tinatahak ng sinasakyan nitong semi-truck na service ng barangay, ang river bank ng Barangay Tabucbuc, nang sabayan sila ng…

Read More

3 SASAKYAN SINURO NG TRUCK; 1 PATAY, 4 SUGATAN

ANTIPOLO CITY – Patay ang isang pahinante habang apat pa ang sugatan matapos na araruhin ng 10-wheeler delivery truck na nawalan ng preno, ang tatlong sasakyan sa Marcos highway, Brgy. San Luis, sa lungsod na ito, noong Biyernes. Ayon sa report ng Antipolo Police, mag-aalas 3:00 ng hapon, palusong ang ten wheeler truck sa kurbadang bahagi ng highway nang mawalan ito ng preno at salpukin ang kasalubong na jeep, tricycle at isang motorsiklo bago sumalpok sa kongkretong poste ng kuryente. Sa lakas ng pagkasalpok, naputol ang poste at bumagsak sa…

Read More

SEARCH OPS SA MISSING AIRCRAFT PATULOY

BINUO ng Incident Command System (ICS) ng pamahalaan ang isang Search and Rescue (SAR) unit para makatulong sa paghahanap sa nawawalang RP-C1234 aircraft na pag-aari ng Fliteline Airways na ino-operate ng Cyclone Airways. Ito ay sa pakikipagtulungan ng CAAP Operations Center (OpCen), Philippine Aeronautical Rescue Coordination Center (PARCC) at ng Philippine Air Force Tactical Operations Group 2 (TOG2) Headquarters sa Cauayan City, Isabela. Ang naturang rescue operation ay pinangunahan ni Col. Glenn Piquero, at siya ring may hawak ng last recorded position ng RP-C1234 base sa Flight Radar 24 footage…

Read More

1 NA NAMANG LIGHT PLANE NAWALA SA ISABELA

MULING nagdulot ng mga alalahanin ang tungkol sa safety standards at protocols para sa katulad na mga sasakyang panghimpapawid ang pagkawala ng isang Cessna plane na may sakay na dalawa katao, ilang sandali matapos lumipad mula sa Cauayan Domestic Airport sa Isabela noong Huwebes ng umaga. Ito na ang ikaapat na Cessna plane na naiulat na nawala sa Luzon ngayong taon. Ang naunang tatlo ay natagpuang pawang wasak at walang mga nakaligtas, batay sa mga talaan mula sa aviation authorities. Ang insidente noong Huwebes ay sangkot naman ang isang cyclone…

Read More

BRGY. CHAIRWOMAN, MISTER PATAY SA TANDEM SA TARLAC

CAMP OLIVAS, Pampanga – Patay ang babaeng barangay captain at ang asawa nito matapos tambangan ng armadong riding in tandem sa Barangay San Juan, Ramos, Tarlac noong Huwebes ng umaga. Kinilala ni Police Regional Office 3 director, BGen. Jose Hidalgo Jr. ang mga biktimang sina Brgy. Chairwoman Editha Sarsuela, 61, newly elected sa Barangay Plastado sa Gerona, Tarlac, at Edgar Sarsuela, 68. Batay sa panimulang imbestigasyon, bandang alas-7:20 ng umaga, habang nagsasagawa ng routine biking session ang mag-asawa nang biglang humarang sa kanila ang magka-angkas na mga suspek at walang…

Read More

MAHIGIT P1.6-M SHABU NAKUMPISKA NG PDEA

LEGAZPI CITY – Tinatayang kalahating kilo ng umano’y shabu ang nasamsam sa ikinasang joint anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency dakong alas-3:00 ng hapon noong Huwebes sa Brgy. Capantawan sa lungsod na ito. Ayon sa ulat ng PDEA Region V kay Director General Moro Virgilio Lazo, umabot sa P1.6 milyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng PDEA RO V Special Enforcement Team, IIS, LPU, PDEA Albay Provincial Office (PO), NBI at Legazpi CPS. Arestado sa nasabing operasyon ang dalawang indibidwal…

Read More