QUEZON – Tatlong lalaki ang nalunod sa magkahiwalay na insidente sa lalawigang ito, nitong Linggo. Parehong malalaking alon at masamang panahon ang sinasabing dahilan ng pagkalunod ng mga biktimang pawang bakasyunista at dumayo sa Quezon para mag-outing. Ayon sa report ng Quezon Police Provincial Office, unang nalunod ang isang rider habang naliligo sa Real Fantasea Beach Resort, sa Brgy. Tignoan, Real dakong alas-8:40 ng umaga noong Linggo. Ang biktimang si Gabriel Austria Francisco, 29, ay natangay ng malalaking alon habang naliligo kasama ng kanyang kapwa riders mula sa Metro Manila.…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
5 MANGINGISDA NAWALA SA LAOT
INIULAT ng Philippine Coast Guard (PCG) na limang mangingisda mula sa Quezon at Oriental Mindoro province ang umano’y nawawala. Nagsagawa na ng search and rescue operation ang PCG-District Southern Tagalog (PCG-DST) para kina Reneboy Alva at Jovinal Gamitin, kapwa residente ng Barangay Caridad Ilaya sa Atimonan, Quezon. Sakay umano ang dalawa ng bangka at nawala simula pa noong Biyernes, Nobyembre 24 ng gabi habang mangingisda sa bisinidad ng Isla ng Jomalig sakop ng Pacific Ocean. Iniulat din ng PCG-DST na ang mangingisdang si Sanny Frias ay nawala rin noong Sabado,…
Read MoreCHINESE CHEF DINUKOT SA PASAY, INABANDONA SA CAVITE
NAGPASAKLOLO sa pulisya ang isang lalaking Chinese national makaraang umano’y dukutin ng anim na kapwa Chinese at iniwan sa isang lugar sa Ternate, Cavite, nitong Lunes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Wen Non Su, 36, tubong Fujian, China, may-ari at chef ng AQ Kitchen sa Ayala Malls Manila Bay, Diosdado Macapagal Blvd., Parañaque City, at residente ng Pasay City. Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng anim suspek na umano’y pawang mga Chinese national. Ayon sa biktima, pauwi siya sa kanilang bahay sa Pasay City dakong alas-9:00 ng gabi noong…
Read MoreGIFT GIVING SA TARLAC
Binasahan ng maikling kwento ni Vice President Sara Duterte ang 120 kabataan at hinandugan ng regalo kasama sina Tarlac Heritage Foundation Founder Isabel Cojuangco at Dr. Isa Suntay sa Macara Compound, Zone 7, Sitio Molave, San Isidro, Tarlac City noong Sabado. Bahagi ito ng mga aktibidad para sa 16th Belenismo sa Tarlac Awards Night na dinaluhan din ni Armed Forces Chief of Staff General Romeo Brawner. (DANNY BACOLOD) 410
Read MoreTAIWANESE PATAY SA AMBUSH SA LAGUNA
LAGUNA – Patay ang isang Taiwanese national matapos barilin ng riding in tandem sa isang restaurant sa San Pablo City noong Sabado ng umaga. Ayon sa ulat ng San Pablo CPS, kinila ang biktimang si Hsien Chieh Chang, 63, residente ng nasabing lugar. Batay sa imbestigasyon, dakong alas -7:00 ng umaga, ang biktima ay nakatayo sa labas ng receiving area ng isang restaurant sa Brgy. Del Remedio, nang dumating ang dalawang hindi kilalang riding in tandem. Lumapit umano ang isa sa mga suspek at nagpakilalang ahente ng LPG at pinagbabaril…
Read MoreDALAGA TIMBOG SA FB, GCASH SCAM
CAVITE – Arestado ang isang dalaga makaraang makagoyo ng halagang P14,500 mula sa pekeng Facebook at GCash account na kanyang nilikha, sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Sabado ng umaga. Kinilala ang suspek na si alyas “Allyn”, inaresto dahil sa reklamo ng biktimang si alyas “Catherine”. Ayon sa ulat ni Police Staff Master Sergeant Glen Soriano ng Silang Police Station, nag-message ang ‘tiyuhin’ ng biktima sa pamamagitan ng Facebook account at humingi ng halagang P14,500 sa pamamagitan ng GCash account. Matapos na ipadala ng biktima sa ‘tiyuhin’ ang…
Read More3 BATA UMABSENT SA KLASE, NALUNOD
DAVAO CITY – Tatlong batang lalaki na tumakas sa klase para maligo sa ilog, ang nalunod Liloan Riverside, Purok Sunflower, Barangay Mandug, sa lungsod na ito, noong Biyernes ng hapon. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Takie Sanico, 13; Jerick Redulla, 12, at Kian Bituin, 12-anyos. Ayon sa report, limang magkakaklase ang nagtungo sa ilog subalit apat lamang sa mga ito ang naligo. Ayon sa batang si Mark na hindi lumusong sa ilog, napansin niya na biglang lumaki at tumaas ang tubig at pagkaraan ay nakita niyang natangay ng…
Read MoreMAHIGIT P1-M DROGA NASABAT SA BUY-BUST
CAVITE – Tinatayang mahigit sa P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam matapos maaresto ang isang bigtime tulak sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang naaresto na si alyas “Armando”, nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs) ng Dasmariñas City Police. Ayon sa ulat ni Police Corporal Jerwin Anacan ng Dasmariñas City Police Station, dakong alas-9:30 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Cavite Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Dasmariñas City Police Station,…
Read MoreBABAE PATAY SA PAGSABOG NG PABRIKA NG PAPUTOK
BULACAN – Patay ang isang babaeng trabahador ng pagawaan ng paputok nang sumabog ang mga sangkap na pulbura sa Barangay Bunlo, sa bayan ng Bocaue, sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang biktimang si Riza Villanueva, 45-anyos. Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, gumagawa ng kuwitis si Villanueva nang aksidente itong sumabog. Sa lakas ng pagsabog, nasunog ang malaking bahagi ng katawan ng biktima at naputol ang kaliwang binti. Agad itong isinugod sa ospital ngunit namatay dahil sa mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan at mukha.…
Read More