SOUTHERN CEBU – Dalawa ang patay habang 14 ang sugatan sa aksidenteng kinasangkutan ng pampasaherong bus, dalawang motorsiklo at isang cargo truck sa national highway sa Barangay Uling, Naga City, sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa report ng Naga City Police, nangyari ang aksidente dakong alas-10:45 ng umaga, nang magkarambola ang limang sasakyan na nagsimula sa delivery truck. Kinilala ang mga namatay na sina Waynares Dien Parame, 23, driver ng motorsiklo, at ang helper ng truck na si “Junior”. Base sa CCTV footage, patungo ang truck sa…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
PH-US NAGPAPATROLYA SA WEST PHILIPPINE SEA
ISINASAGAWA na ang joint maritime at air patrols sa West Philippine Sea sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Sa post ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang social platform X, winika nito na ang mga nasabing patrolya ay “collaborative effort between the Armed Forces of the Philippines and the United States Indo-Pacific Command” sa naturang lugar. “This significant initiative is a testament to our commitment to bolster the interoperability of our military forces in conducting maritime and air patrols,” ayon sa Pangulo sa kanyang naging post sa social media…
Read More3 NAGPAMASAHE MUNA SAKA NANGHOLDAP
CAVITE – Tinutugis ng Cavite police ang tatlong kalalakihan na nagpamasahe muna sa isang spa saka nangholdap at tumangay ng P15,000 na kita nito sa Imus City noong Martes ng madaling araw. Kinilala ang pinaghahanap na mga suspek sa pamamagitan ng rouge gallery, na sina alyas “Dominic”, alyas “Bryce”, at isang “John Doe” na inireklamo ni Princess Tomy y Mulingbayan, 21, isang therapist ng nasabing spa. Ayon sa ulat, dakong alas-3:30 noong Martes ng madaling araw nang pumasok ang mga suspek sa Osmosis Spa at Seven One building sa Brgy.…
Read More17 VIETNAMESE CREW NASAGIP SA LUMUBOG NA BARKO
NASAGIP ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police Maritime Group (PNP MARIG) ang 17 Vietnamese crew ng Vietnamese-flagged general cargo vessel, VIET HAI STAR, na lumubog ang kalahating bahagi sa karagatan ng Balabac, Palawan. Ayon sa PCG, lulan ng barko ang 4,000 tons ng bigas nang sumadsad sa tinatayang 810 yards ng Balabac Port. Umalis ito sa Ho Chi Minh City, Vietnam, patungo sa Cagayan de Oro City nang matuklasan ng mga tripulante ang pagtagas sa starboard side ng bow noong Martes ng gabi . Agad naglunsad ng…
Read MoreMAGTIYO NIRAPIDO NG EX-PARAK, TODAS
ILOCOS SUR – Patay ang magtiyuhin matapos ratratin ng armalite ng isang retiradong pulis sa Brgy. Concepcion, sa bayan ng Cervantes sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Kinilala ng Cervantes Police ang mga biktimang sina Luthgard Lacaden, 51, at George Querzon, Jr., 38-anyos. Ayon sa Cervantes Police, bigla na lamang pinagbabaril ng suspek na kinilalang si Roberto Urbano ang biktimang si Lacaden gamit ang isang M-16 baby armalite rifle. Akma namang sasaklolo si Querzon subalit niratrat din ito ng dating pulis. Agad isinugod ang dalawa sa ospital ng nagrespondeng…
Read More1 PATAY SA HEAD-ON COLLISION NG 2 TRIKE
CAVITE – Patay ang isang tricycle driver nang nabangga ng isa pang tricycle nang pumasok sa isang one-way direction naging dahilan ng ‘head-on collision’ sa bayan ng Naic sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Hindi umabot nang buhay sa ospital ang biktimang si Rio Almarion y Naldo, nasa hustong edad, ng Naic, Cavite. Kinilala naman ang driver ng isa pang tricycle na Honda TMX na may plate number na 0410-0461915, na si alyas “Raymundo”. Ayon sa ulat, dakong alas-5:40 ng umaga nang mangyari ang insidente sa harapan ng Naic…
Read MoreHUKAY NADISKUBRE SA PAWNSHOP, SUSPEK TIKLO
CAVITE – Arestado ng Cavite police ang isang lalaki habang pinaghahanap ang dalawang kasamahan nito na pinaniniwalaang mga suspek sa paghuhukay ng butas papasok sa loob ng isang pawnshop sa bayan ng Silang noong Lunes ng hapon. Hawak na pulisya ang suspek na si alyas “Dandle” habang tinutugis pa ang dalawang kasamahan nito, dahil sa reklamo ni Jhovanie Morcilla ng Villarica Pawnshop. Ayon sa ulat, dakong alas-4:20 ng hapon nang mapansin ng empleyado ng Villarica Pawnshop sa Brgy. Bulihan, Silang, Cavite branch ang isang butas sa kanilang tanggapan. Agad nilang…
Read MoreDEATH TOLL SA JEEP NA NAHULOG SA BANGIN, UMAKYAT SA 3
QUEZON – Umakyat sa tatlo ang bilang ng mga namatay sa pagkahulog ng isang owner type jeep na sinasakyan ng 8 katutubong Dumagat at dalawang pastor na foreigner, sa bangin sa Marilaque Highway, Barangay Magsaysay, sa bayan ng Infanta sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Ayon sa Infanta Police, pumanaw sa ospital ang isa pang babaeng biktima na si Glenda America Capatasan, 39, isa ring katutubong Dumagat. Unang namatay ang dalawang biktima na sina Adelina America Peñamante at Adrian Mercado matapos na madaganan ng nahulog na sasakyan. Napag-alaman na…
Read MoreDNA SAMPLES SA SUV TUGMA SA MISSING BEAUTY QUEEN
MULING nagkaroon ng major development ang kaso ng nawawalang beauty queen sa Batangas na si Catherine Camilon. Ito ay matapos tumugma ang DNA samples na natagpuan sa abandonadong Honda CRV SUV, sa DNA samples na kinolekta mula sa mga kapamilya ni Camilon. Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Police Major General Romeo Caramat Jr., ang mga hibla ng buhok at bahid ng dugo na nakita sa inabandonang pulang CRV ay tugma sa DNA ng mga kapamilya ng biktima. Ayon kay Caramat, pagpapatunay ito na totoo ang sinasabi…
Read More