CAVITE – Arestado sa entrapment operation ang isang hinihinalang illegal recruiter matapos kolektahan ng pera ang mga biktima kapalit ng umano’y trabaho sa ibang bansa, sa Bacoor City noong Martes ng hapon. Kinilala ang suspek na si alyas “Buena”, nahaharap sa kasong large scale estafa and illegal recruitment. Ayon sa reklamo ng mga biktimang sina Ario Gatbonton y Tulabot, Ronel Abcede y Diana, Jinno Pereater y Casme, Rose Ann Olarte, Jose Ramil Diana y Medranom at Maria Jennie Diana y Rilyas, ni-recruit sila ng suspek para magtrabaho sa Australia bilang…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
3 SASAKYAN INARARO NG JEEP 1 PATAY, 4 SUGATAN
DAVAO CITY – Patay ang isang 64-anyos na lalaki na nagmamaneho ng e-bike matapos na ang sasakyan nito at ang isa pang motorsiklo at isang tricycle, ay araruhin ng pampasaherong jeep sa national highway sa Barangay Agdao, sa lungsod na ito, noong Lunes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Eduardo Zagado, idineklarang dead on the spot matapos pumailalim sa nakasagasang pampasaherong jeep at makaladkad ng 70 metro ang layo. Ayon sa report ng Agdao police, nangyari ang insidente sa R. Castillo Road nang salpukin ng jeep na minamaneho ni Lolito…
Read MoreKAPITBAHAY BINARIL NG BAGONG LAYA
CAVITE – Tinutugis ng mga awtoridad ang isang lalaki na umano’y isang tulak at dati nang nakulong, makaraang barilin ang kanyang kapitbahay matapos ang kanilang pagtatalo sa Bacoor City noong Lunes ng gabi. Kinilala ang pinaghahanap na suspek na si Penpen Trinidad, nasa hustong edad, ng Bacoor City, Cavite. Isinugod sa Southern Tagalog Regional Hospital ang biktimang si Rodolfo Dominguez Jr., nasa hustong edad, residente ng Bacoor City, dahil sa balang tumama sa kanyang hita. Ayon sa ulat, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hinggil umano sa ilegal na aktibidades…
Read More1 PATAY, 7 SUGATAN SA RAMBOL NG 4 MOTOR AT BISIKLETA
LAGUNA – Patay ang isang 29-anyos na babae habang sugatan ang anak nito at anim na iba pa sa karambola ng apat na motorsiklo at isang bisikleta sa Barangay Malusak sa Sta. Rosa City sa lalawigang ito, noong Linggo ng madaling araw. Kinilala ang namatay na si Angel Ann Cardiente, habang kabilang sa mga sugatan ang 10 buwan gulang na sanggol nito. Ayon sa report ng Sta. Rosa City police, magkakasunod na tumatakbo ang motorsiklo na sinasakyan ng biktima na minamaneho ng live-in partner nitong si John Rick Periodico, 22,…
Read MoreTRUCK NAHULOG SA KANAL 1 PATAY, 9 SUGATAN
QUEZON – Patay ang isang pahinante habang sugatan ang siyam na iba pa nang mahulog sa kanal sa gilid ng highway ang isang cargo truck sa Brgy. Silangang Malicboy, sa bayan ng Pagbilao sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Ayon sa report ng Pagbilao Police, galing sa Oas, Albay sa Bicol ang truck na may kargang mga kalabaw, nang mawalan ito ng preno habang lumulusong sa Atimonan – Pagbilao zigzag diversion road. Nawalan ng kontrol ang nagmamanehong si Dennis Jordan Ricafort, 48, sa truck hanggang sa mahulog ito sa…
Read MoreSUNDALO PATAY SA ENGKWENTRO
PATAY ang isang sundalo ng Philippine Army’s 84th Infantry (Victorious) Battalion sa sagupaan sa pagitan ng mga tauhan ng pamahalaan at communist New People’s Army sa Brgy. San Fernando, Laur, Nueva Ecija. Agad na kinondena ni Major General Andrew D. Costelo, commander ng 7th Infantry (Kaugnay) Division, Philippine Army, ang panliligalig ng mga rebelde sa komunidad ng Laur. Naganap ang sagupaan matapos na magsumbong ang mga residente hinggil sa panggugulo ng armadong kalalakihan sa Brgy. San Fernando. “We immediately ensure the security of the community that is why we sent…
Read MoreBARIL, DROGA NASAMSAM SA TULAK SA BUY-BUST
CAVITE – Nasamsam ng Cavite police ang baril at droga sa isang hinihinalang tulak sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Linggo ng hapon. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 in relation to COMELEC Gun Ban at RA 9165, ang suspek na si Janzen Manalad y Magalong, nasa hustong edad, ng Brgy. Sto. Niño, Dasmariñas City. Ayon sa ulat, dakong alas-2:45 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Dasmariñas City Police sa Brgy. Sto. Niño 2, Dasmariñas City na nagresulta sa pagkakaaresto kay Manalad.…
Read More5 KATAO SUGATAN SA RAMBOL SA CAVITE
CAVITE – Arestado ang lima katao, kabilang ang isang menor de edad, makaraang maglabo-labo sa Dasmariñas City noong Linggo ng hapon. Pawang nilalapatan ng lunas sa Southern Tagalog Regional Hospital ang mga biktima/suspek na sina Angel Salazar y Delas Alas, 45, welder; Jorvin Salazar y Abo, 21; Jeffrey Letada y Montecalbo, 30; William Calubay y Bolante, 56, at isang 17-anyos na binatilyo. Habang pinaghahanap ang isang Jeff Cahandag, alyas “Noynoy”, na tumakas makaraan ang insidente. Ayon sa ulat, dakong alas-6:00 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Brgy. Queens Row…
Read MoreSUSPEK SA RAPE, TIKLO SA MINDORO
HINDI akalain ng 49-anyos na lalaki na matutunton siya makaraang magtago ng 14 taon sa kasong rape, nang arestuhin ng mga operatiba ng Manila Police District sa Calapan, Mindoro noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Gilbert Abu alyas “Abe”, may asawa, tubong Camilmil, Calapan City, Oriental Mindoro at naninirahan sa San Andres, Bauan, Batangas. Ang akusado ay kabilang sa most wanted person sa District Level. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Orlando Mirando Jr., hepe ng Directorate for Investigation and Detective Management Division (DIDMD) ng Manila…
Read More