BATANGAS – Nalunod ang isang mangingisda matapos na mahulog mula sa sinasakyang bangka sa Taal Lake sakop ng Brgy. Sto. Tomas, sa bayan ng Agoncillo sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Edgardo Cabrera, 61, residente ng Brgy. Bagong Sikat, Agoncillo. Ayon sa report ng pulisya, dakong alas-5:30 ng umaga nang ito ay mahulog sa tubig at nalunod. Nabatid sa salaysay ng nakasaksi na si Edwin Villamor, 53, residente ng Brgy. Bugaan East, sa nasabing bayan, nakita niyang nakasakay sa bangka ang biktima nang bigla na…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
DROGA, BARIL NASAMSAM SA CAVITE BUY-BUST
CAVITE – Tinatayang mahigit sa P80,000 halaga ng umano’y shabu at isang .38 kalibreng baril ang nasamsam mula sa isang lalaking nadakip sa ikinasang buy-bust operation sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga. Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act) ang suspek na si Manuel Tanoy y Casaljay, nasa hustong edad, ng Brgy. Bagtas, Tanza, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-8:45 ng umaga, nagsagawa ng buy-bust…
Read MoreKINIDNAP NA CHINESE NA-RESCUE SA BATANGAS
BATANGAS – Nasagip ng mga awtoridad ang isang Chinese national na kinidnap ng umano ay kanyang mga kapwa Chinese at dinala sa lalawigang ito, noong Linggo. Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office, dakong ala-1:30 noong Linggo ng hapon nang makarating sa isang gasoline station sa Brgy. Aguila, sa bayan ng San Jose ang Chinese national. Matapos hindi maintindihan ang sinasabi ng biktima, tumawag na ng mga awtoridad ang mga empleyado ng gas station. Sa imbestigasyon at sa pakikipag-ugnayan ng San Jose Police sa tanggapan ng Anti-Kidnapping Group o…
Read MoreBRGY. TREASURER PATAY SA EX-LIVE-IN PARTNER
BATANGAS – Patay ang isang barangay treasurer matapos na barilin ng kanyang dating live-in partner sa Brgy. Paliparan, sa bayan ng Laurel, sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Ayon sa ulat ng pulisya, selos ang dahilan ng pamamaril ng lalaki sa kanyang dating kinakasama. Kinilala ang biktimang si Shiela Avelino, 40, residente ng nasabing barangay. Lumalabas sa imbestigasyon, dakong alas-2:00 ng hapon nang makita ng suspek na si Marlon Balani, 40, ang biktima habang naglalakad sa barangay road. Nilapitan ito ng suspek at kinakausap hinggil sa kanilang dating relasyon…
Read MoreNOGRALES PATULOY SA PAMAMAHAGI NG AYUDA SA MONTALBAN
MULING umarangkada ang “Tulong Pinansyal sa Montalban” ni Congressman Fidel Nograles na malaking tulong sa mga benepisyaryo nito sa nasabing bayan. Katuwang ni Nograles sa kanyang “Tulong Pinansyal sa Montalban” ang Department of Social Welfare and Development (DSWD). Nakatanggap ang mahigit 1,000 kapos-palad na senior citizens, PWD, kababaihan, kabataang mag-aaral, at mga nawalan ng kabuhayan, ng tulong sa pamamagitan ng financial assistance, medical assistance, burial assistance, educational assistance, at livelihood assistance. Nauna rito, namahagi rin si Nograles ng TUPAD financial assistance katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE). Hindi…
Read MoreAYAW MATITIGAN, MANGINGISDA NANAKSAK
CAVITE – Arestado ang isang 20 -anyos na mangingisda makaraang suntukin at saksakin ang isang driver nang magalit dahil sa pagkakatitig sa kanya ng huli sa bayan ng Rosario sa lalawigang ito, nitong Linggo ng madaling araw. Hawak na ng Rosario Police ang suspek na si Vince Railey y Purihin, ng Brgy. Ligtong 1, Rosario, Cavite dahil sa reklamo ng biktimang si Ricardo Rivas y Criman, 27, driver, ng Brgy. Ligtong 1, Rosario, Cavite, nilalapatan ng lunas sa St. Martin Hospital dahil sa saksak sa katawan. Ayon sa ulat, dakong…
Read MoreMAGKAPATID NADALE NG SA VAN SA QUEZON, 1 PATAY
QUEZON – Patay ang isang lalaki habang sugatan ang kapatid nito matapos na ang kanilang sinasakyang motorsiklo ay masalpok ng kasalubong na van sa national road sa Brgy. San Isidro, sa bayan ng Mauban sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi. Dead on the spot ang biktimang si Cedrick Encarnado Villaverde, 24, habang nilalapatan ng lunas sa Mauban District Hospital ang kapatid nito na si Ryan Encarnado Villaverde, 28-anyos. Ayon sa report ng Mauban Police, ang sinasakyang motorsiklo ng mga biktima ay nasalpok ng van na minamaneho ni Antonio Baasis,…
Read More300 bahay natupok 1 PATAY, 2 SUGATAN SA ZAMBOANGA FIRE
ZAMBOANGA CITY – Tinatayang 300 kabahayan na karamihan ay gawa sa light materials, ang natupok habang isa ang patay at dalawa ang sugatan sa insidente ng sunog sa Sitio Asinan, Barangay Kasanyangan sa lungsod na ito, noong Sabado ng gabi. Ayon sa report ng Zamboanga City Bureau of Fire Protection, bandang alas-8:15 ng gabi nang magsimula ang sunog sa boarding house na pagmamay-ari ng isang Jane Halil habang may nagaganap na handaan. Mabilis na kumalat ang apoy dahil sa bukod sa gawa sa light materials ay halos magkakadikit ang mga…
Read MoreTOP 1 MWP SA MINDORO, TIKLO SA CAVITE
NATUNTON sa lalawigan ng Cavite ang rank no. 1 most wanted person, municipal level, sa Oriental Mindoro na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto sa isinagawang police operation sa Imus City noong Miyerkoles ng umaga. Kinilala ang akusado na si Willy Bagui y Cultura, alyas “Pogi”, 33, isang negosyante, ng Bansud, Mindoro Oriental at naninirahan sa Brgy. Timalan Balsahan, Naic, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-9:30 ng umaga, nagsagawa ng operasyon kontra MWP ang pinagsanib na pwersa ng Imus City Police, Warrant Section at Bansud Municipal Police Station ng Oriental Mindoro, sa…
Read More