P100-M PROJECTS IPINAGKALOOB NI FERNANDO SA TABANG, GUIGUINTO

PINAGKALOOBAN ni Gobernador Daniel R. Fernando ng halos P100 milyong halaga ng proyekto ang kanyang barangay sa Tabang, Guiguinto simula noong 2020. Ayon kay Engr. Glenn Reyes, hepe ng Provincial Engineer’s Office, noong 2020, nagbigay ang gobernador sa kanilang barangay ng P60,436,206.49 para sa rehabilitasyon at pagsasaayos ng kalsada sa Tabang at Ilang-ilang; P14,863,041.10 para sa konstruksyon ng multi purpose building, daycare at evacuation centers sa Purok 1; P7,956,997.35 para sa suplay at instalasyon ng solar street lights sa kahabaan ng Guiguinto Old Road; at P15 milyon para sa rehabilitasyon at pagsasaayos…

Read More

ESTUDYANTENG RIDER, PATAY SA TRAILER TRUCK

CAVITE – Patay ang isang 22-anyos na estudyante nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang nakaparadang trailer truck sa gilid ng kalsada sa bayan ng Amadeo sa lalawigang ito noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang biktimang si Mark Ladao y Dazo, ng Brgy. Loma, Amadeo, Cavite, na idineklarang dead on arrival ng mga doktor sa Ospital ng Tagaytay. Iniimbestigahan na ang driver ng isang puting Sinotruk Howo A7 tractor truck na may trailer truck na may plakang CUX 106, na si Romelou Ando, 36, ng Brgy. Cabezas, Trece Martires City. Ayon…

Read More

7 TULAK SWAK SA BUY-BUST

TINATAYANG sampung gramo ng shabu ang nasamsam sa limang hinihinalang tulak kabilang ang tatlong babae na nasa listahan ng Street Level Individual (SLI) sa buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite, Lunes ng gabi. Nasa kustodiya na ng Bacoor CPS ang mga naaresto na sina Jasmine Gardon, alias Nene; Janet Gardon; Ferdinand Bautista; Patricia Reyes at John Luis Torre, pawang residente ng Bgry. Zapote 1, Bacoor City. Alas-11:30 kamakalawa ng gabi nang masakote ang mga nabanggit sa Anti-Illegal Drugs operation ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Bacoor CPS.…

Read More

DRUG BUY-BUST NAUWI SA ENGKWENTRO PULIS, 2 SUSPEK PATAY

Patay ang isang pulis at dalawang drug suspek habang dalawang pulis pa ang ang nasugatan nang mauwi sa engkwentro ang buy-bust operation Orion, Bataan. Minalas na masawi sa palitan ng putok si PCpl Darnel Alfonso, nakatalaga sa Orion police station at ang suspek na si Mark Anthony Capacia, may kasong murder. Kinikilala pa ng mga awtoridad ang isa pang napatay na suspek. Sugatan naman sina PMajor  Dennis Duran at PSSG Glen Salac. Batay sa report, isinagawa ng mga tauhan ng CIDG PFU Bataan, PIU Bataan, 2nd PMFC at Orion PNP…

Read More

PALLGU PROGRAM PARA SA 2K MAGSASAKA SA MALOLOS SINIMULAN

SINIMULAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa Bulacan ang pamamahagi ng P3.00 karagdagang bayad para sa aning palay kada kilo para sa mahigit 2,000 magsasaka sa ilalim ng Palay Marketing Assistance Program for Legislators and Local Government Units (PALLGU). Sinabi ni Mayor Christian Natividad na ang PALLGU ay isang programa na kung saan makikinabang ang local farmers, ito ay karagdagang kita na handog ng LGU. Nabatid na ito ay programang itinatag National Food Authority (NFA) na nagbibigay-daan sa mga magsasaka na madagdagan ang kanilang kita. Sa ilalim ng programa,…

Read More

4 ESKWELAHAN SA QUEZON NABULABOG SA BOMB THREAT

PANSAMANTALANG sinuspinde ni Mulanay, Quezon Mayor Aris Aguirre ang klase ng mga mag-aaral sa apat na eskwelahan sa kanilang bayan matapos na bulabugin ng bomb threat noong Linggo ng umaga. Batay sa inilabas na anunsyo ni Aguirre noong Linggo ng hapon, suspendido ang mga klase nitong Lunes, Mayo 22,  sa mga paaralan ng Sta. Rosa Elementary School, Mulanay Central Elementary School, Bondoc Peninsula Agricultural High School at PUP – Mulanay. Ito ay habang patuloy na sinusuri pa ng mga awtoridad ang nasabing mga eskwelahan. Sa unang pagsisiyasat ng pulisya, unang ng sinabi ng mga tauhan…

Read More

COVID-19 CASES SA QUEZON PROVINCE TUMATAAS

covid

PATULOY na tumataas ang naitatalang mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Quezon ngayong pumasok ang buwan ng Mayo. Batay sa tala ng Quezon Provincial Health Office (QPHO), mula sa dating isang aktibong kaso noong April 10, umabot na ngayon sa 181 ang active cases sa lalawigan. Mula noong April 10 ay nakapagtala ang QPHO ng 532 na panibagong mga nagpositibo sa COVID. Habang 351 naman sa mga ito ang nakarekober na sa sakit. Noong Mayo 3 nang biglang sumirit ang mga kaso sa lalawigan na nagkaroon ng double digits na average ng bilang…

Read More

RIDER PATAY, ANGKAS SUGATAN SA TRUCK

CAVITE – Patay ang isang 55-anyos na rider habang sugatan ang angkas nito nang salpukin ng isang Isuzu GMC truck na nag-overtake at umukopa sa kabilang kalsada sa bayan ng Silang noong Linggo ng hapon.  Sa pinangyarihan ng insidente ay nalagutan ng hininga ang biktimang si Sonny Boy Enriquez Ramos, isang construction worker, habang isungod sa Qualimed Hospital ang angkas nito na si Cindy Deprosa Ramos, 47-anyos. Tinangkang tumakas subalit naaresto sa kalaunan ang driver ng Isuzu GMC truck na may plakang NDH 3750, na si Randy Arzuela Magistrada, 48-anyos. Ayon sa ulat…

Read More

LALAKI NA RESPONSIBLE SA PAGKAWALA NG ILAW SA BARANGAY, ARESTADO

ARESTADO ang isang lalaki habang pinaghahanap ang dalawang kasama nito matapos putulin at tangayin ang kable ng kuryente sa Barangay Navarro, Gen Trias City, Cavite Huwebes ng hapon. Kasong Theft ang kinakaharap ng suspek na si Alberto Rodriguez Brillantes, 59, ng Area C, Brgy. San Andres 2, Dasmarinas City, Cavite habang pinaghahanap ang dalawa pang kasama nito dahil sa reklamo ng Local Government Unit (LGU) ng Barangay Navarro, Gen. Trias City. Sa ulat, dakong alas-4:00 kamakalawa ng hapon habang nagroronda ang mga tanod ng Brgy. Navarro sa Damayan St., Brgy.…

Read More